PRECIOUS ANGEL Agad akong humiga sa kama at nag kumot nang marinig kong bumukas ang pinto ng banyo. Pinikit ko ang aking mga mata para magkunwari na natutulog na ako pero sadiyang malakas ang pakiramdam ni Drake. “Sorry, naubos ko pala ‘yung body wash mo. Bibilan na lang kita bukas.” Napaisip ako. Body wash? Wala naman akong body wash sa banyo ah? Anong sinasabi niya na body wash? Hindi pa rin ako nagmulat ng mga mata. Nahigit ko ang aking paghinga ng lumundo ang kabilang bahagi ng kama. “Matutulog ka talaga ng naka- sweater ka?” sabi ni Drake matapos alisin sa katawan ko ang kumot. Malakas akong humilik para maging makatotohanan ang pagkukunwari kong natutulog na ako. “Tsk. Ang daya mo naman baby, tinulugan mo naman ako. Nagmadali na nga akong mag shower.” wala akong maramdaman n

