Nakabalik na kami nang resort at masayang naglalaro ang mga apo ni lolo Igme. Nagpaalam muna ako sakanila, dahil may kailangan akong tawagan. Lumabas ako nang unit at nagpahangin, naupo ako sa malapad na bato. At naka ilang buntong hininga muna ako bago ako nag dial nang number nito. Kasalukuyang natutulog naman si Andrea kaya hindi niya nasagot ang tawag ni Stevenson. Kaya nag-iwan na lamang siya nang message para rito. Aminado siyang nalimutan niyang mag-messages rito. "Hon, so sorry mahina kasi signal dito sa pinuntahan ko. In just two days uuwi na rin ako. Huwag ka nang magalit ha. I love you." laman nang message ko. Itinago ko na ang cellphone ko at naglakad lakad ako sa dalampasigan. Mag dadapit hapon na rin naman kasi at natutuwa talaga akong pag masdan ang pag lubog nang araw,

