Nakarating na kami nang El Nido Palawan. Kitang kita ko ang saya sa mga mukha nang apo ni lolo Igme lalo na rin siya. "Sir Steve, maraming salamat talaga. Hulog ka nang langit sa'amin. Kita mo ang saya nang mga apo ko. Sa ilog lang kasi sila nakakaligo kaso kung minsan hindi ko rin pinapayagan, dahil nakakatakot minsan kapag tumaas ang tubig." kwento nito. "Naku! po wala 'yon lolo." mabilis kung sagot. Maya maya nag ring ang cellphone ko nang i-check ko ito ang secretary ko pala. Kaya nagpaalam muna ako kay lolo at lalayo muna ako para hindi niyA marinig ang usapan namin. "Lolo, sagutin ko lang po ang tawag ha. Balikan kita mamaya saglit lang po," saad ko. "Sige sir. Punta muna ako sa mga apo ko," sagot nito. Sabay lakad nito patungo sa mga apo niya at ako naman ay naglakad papunt

