Author's Note: Hi, thank you at umabot ka rito. Sana suportahan niyo pa rin itong story. I'll make sure na gagawin ko ang makakaya ko para ma-appreciate niyo ito.
Mori's POV
Nagulat ako nang tumunog ang aking cellphone, nakalimutan ko pala itong i-off. Sapagkat naalala kong bago na pala ang aking trabaho ngayon. Hindi na ako muling natulog pa dahil nagising na ako ng aking alarm clock sa cellphone. Pagka-tingin ko ay 6:25 AM na pala, hindi ko pa alam ang patakaran nila rito at hindi ko rin alam kung sari-sarili ang pagluluto rito. Niligpit ko na ng higaan ko at pagkatapos nagtungo ako sa kusina ng condo ko, pagka-tingin ko walang mga pagkain. Mabuti na lamang at may baon akong cereal at gatas. Nakakapagtaka walang mga pagkain ngunit mayroong paglutuan at refrigerator. Siguro sariling pagkain nga rito. Pagkatapos kong kumain, pumunta muna ako sa tabi ng bintana ang taas kasi ng building na ito kaya dumungaw ako sa baba at may mga taong andoon na sa labas may mga Police rin na pabalik-balik sa loob. Siguro nag-aapply din sila rito, suwerte ko na lang talaga at ang Chief namin ang nakatuklas ng potential ko sa pag-iimbestiga. Pagkatapos kong dumungaw sa bintana pumunta muna ako sa sofa at umupo, chineck ko na rin ang aking mga messages at mayroong message roon ni Povie. Imbis na mag-reply ako tinawagan ko na lamang siya dahil hindi ko siya na update kagabi, dahil matulog na rin akong maaga.
" Hello Ma'am Good Morning po." sabi ko (nang naka-ngiti).
" Detective Moriana Perez, hello haha." sabi naman ni Povie.
" Ano? Kumusta ang iyakin diyan?" tanong ko.
" Ako lang ba ang iyakin, nako Mori." sabi niya.
" Haha nagloloko lang ako." sabi ko.
" Kumusta naman diyan? Marami bang pogi?" tanong niya.
" Hahaha natatawa ako sa'yo, puro pogi ang alam. Hindi ko pa nalibot dahil late na rin kaming nakarating kagabi." sabi ko.
" Siyempre 'no, hindi ko alam mga itsura ng mga detective dahil sobrang private nila, alam mo naman ang magiging trabaho mo." sabi niya.
" Aware naman ako Ma'am." sabi ko.
Tama nga naman siya, madalang lang ako maka-kilala ng mga detective dito
" O siya, mamaya na ulit ang chika may trabaho pa ako rito Mori, pagbutihin mo diyan okay?" sabi niya.
" Opo Ma'am, pagbutihan mo rin po diyaan." sabi ko.
Pagkatapos ng usapan namin ni Povie sa cellphone, may nag-message sa akin.
(Non-verbatim)
" Good Morning to all of the aspiring detectives. Expect that you will start again at start. Do your best detectives. We will start the orientation at exactly 10 AM, thank you. "
Pagkabasa ko ay bigla akong kinabahan bigla. Wala kasi akong ideya kung paano mag-training dito sa pagiging detective. Sa pagreready mamaya sa orientation naghanap na ako nang maisusuot, bang makita ko ang aking uniform sa Police na miss ko ito bigla. Talagang magba-back to zero ako, pero pangarap ko naman ito kaya gagawin ko na lang ang makakaya ko. Ang napili kong suotin ay, isang denim jacket puting sando, pantalon at rubber shoes na black.
Kumain ako ulit ng cereal para may lakas din. Pagkatapos kong kumain nagtungo na ako sa bathroom para maligo at mag-tooth brush. Talagang nakaka-bilib dahil pati sa bathroom ay high-tech ang mga ito. Buti na lamang at may mga extra akong kinuha na mga sabon at shampoo. Nang may biglang kumatok sa aking pintuan, mabuti na lamang at natapos na ako sa pagligo. Pagkasilip ko sa butas ng pintuan ay lalaki ito.
Binuksan ko ito at nagsalita.
" Good Morning Ma'am, pasensiya na po pero puwede bang pumasok ako rito sandali?" tanong niya.
" Teka, bakit?" tanong ko.
" Ah diyaan ko po kasi nailagay 'yong ibang gamit ko." sabi niya.
" Ha? Wala akong napansin na ibang gamit dito." sabi ko.
Hindi ko alam kung anong sinasabi ng lalaking ito, kaya sinarado ko na ang aking pintuan. Nang may biglang nagsalita.
" Ano? Hindi mo siya nauto?" tanong ng boses ng lalaki.
" Sa tingin ko magaling ito." sabi naman nong nagkatok sa aking pintuan.
" Tara na, baka ma-late pa tayo sa orientation mamaya." saad niya.
Hindi ko pa rin maintindihan kung anong nangyayari rito. Hindi ko na lang ito pinansin at nagbihis na ako ng maisusuot ko ngayon.