bc

The Best of You

book_age12+
9
FOLLOW
1K
READ
spy/agent
second chance
friends to lovers
brave
bxg
mystery
small town
secrets
Writing Academy
Romantic-Suspense Writing Contest
like
intro-logo
Blurb

Sina Taemin at Mori ay matalik na mag-kaibigan simula ng sila ay bata pa. Naging magka-klase rin sila simula noong college sila. Hindi nila namalayan na sabay na pala nilang natupad ang pangarap nila ayon ay ang maka-graduate at matupad na ang kanilang mga nais na trabaho. Sa pagta-trabaho nila na iyon, nag-hiwalay na sila ng landas sapagkat iba ang kanilang trabaho si Mori ay isang Police woman at si Taemin naman ay isang Film Director. Lumipas ang maraming taon parang nag-iba ang hangin di na muling nakilala ni Mori si Taemin, sapagkat may inililihim pala itong si Taemin at ayon ay ang pagiging secret killer.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Reminiscing
Author's note: Hi readers, hope you appreciate this one. Support me and I'll promise to do my best to create this Keep safe. Mori's POV  "Ma'am Mori!" "Moriiiii" sigaw ng kasamahan kong si Povie. Bigla akong nagulanta sa sigaw niya, hindi ko na naman namalayan na naka-tulog ako sa aking lamesa rito sa office namin.  "Ayos ka lang ba? O napuyat ka na naman ba?" sabi ni Povie. "Pasensiyaka na Ma'am, yes napuyat ako sapagkat ginawa ko na lahat ng aking mga report para ipasa kay Chief" sagot ko.  " Grabe ang hard-working mo, baka mapang-iwanan mo na ako sa rank natin ngayon ha? Bigla kang ma-promote riyan"sabi ni Povie.  Ngumiti na lamang ako sa kaniya at napatulala na naman sa aking computer. Sa totoo lang pangarap ko namang ma-promote pa, para na rin may mapadala ako sa aking mga magulang. Nag-iisa kasi akong anak nila kaya nagpupursig akong mag-trabaho at sinusuklian ko lang ang sakripisyo nila sa akin, kaya sila naman ang aking tinutulungan ngayon. Bigla tuloy akong nag-day dream ulit, sapagkat palagi kong naaalala ang aking nag-iisang matalik na kaibigan simula noong kami ay bata pa. Tanong ko nga sa sarili ko, nasaan na kaya siya? Flashback "Mori? Ano bang pangarap mong kurso kapag nag-kolehiyo na tayo?"  "Hmm, lagi ko namang nababanggit sa'yo na gusto kong maging Police" sagot ko.  "Nako kapag may nagawa akong mali huwag mo akong huhulihin ha?" sabi ni Taemin.  Simula pagkabata sanay na akong lagi siyang kasama, sapagkat magkaibigan din ang aming mga magulang. Si Taemin ay laging andiyan para protektahan ako, akala nga ng iba mag-karelasyon kami ngunit hindi sapagkat kami ay mag-kaibigan lamang. Ngunit hindi ko rin maikakaila na parang nahuhulog na ako sa kaniya. Oo, hindi niya alam. Sino ba namang hindi mahuhulog sa kaniya? Matalino, gwapo, may mapupulang mga labi, makisig, nakaka-hawa ang kaniyang mga ngiti sa tuwing siya'y ngingiti rin. Kaya hindi ko maintindihan sarili ko kung bakit nagseselos ako sa tuwing magkakaroon siya ng girlfriend. Nirerespeto ko na lamang siya sapagkat kaibigan ko siya at wala rin naman akong karapatan. End of flashback "Police Officer Moriana Perez", bigla akong nagulat sapagkat si Chief na pala ang tumawag sa akin. Bigla na lamang akong nag-saludo at nag-greet kay Sir.  "Pumunta ka sa office ko" sabi ni Sir. At nag-lakad na ako papuntang office ni Sir.  "Good Afternoon Sir" sabi ko. "Come in, at umupo ka. Naayos mo na ba mga pinapa-ayos ko sa'yong kaso? sabi ni Sir. "Ah yes Sir, ito po ang mga detalye Sir" at may binigay akong papel.  "Okay good, ipapatawag ulit kita kapag may itatanong ako sa'yo" sabi ni Sir. " Okay Sir" nagsaludo ako ulit at iniwan na ang office ni Sir.  Hay sa wakas hindi ako naka-duty bukas. Gusto kong mag-relax muna, sapagkat maraming kaso ang kakaharapin namin kapag may trabaho na ulit. Nagpaalam na ako kay Povie na mauna sa apartment namin, sapagkat inaantok na rin ako. Nag-oo naman siya at nauna na ako sa aking apartment. Pagkarating ko, nagluto na ako ng ulam at kanin. At pagkatapos nito kumain na ako, habang nag-i-scroll ako sa aking f*******:, sumakit ulo ko sapagkat napakaraming krimen ang nangyayari sa mundo. Ni-relax ko muna sarili ko at uminom na ng gamot para sa sakit ng ulo. Tapos matulog na ako. "Mori, tulungan mo ako. Mori please tulungan mo ako. Hindi totoo mga sinasabi nila, please. Mori paniwalaan mo ako. Moriiiiiiii" Bigla na lamang akong nagising, sapagkat may narinig akong boses at talagang familiar ito. Lumabas muna ako sa kwarto at kumuha ng tubig sa jug. Umupo muna ako saglit sa upuan at nagmumuni-muni na naman ako sa kawalan. Nagulat ako ng biglang bumukas iyong pintuan at naalala ko pala, overtime si Povie ang aking naging kaibigan sa station. "Oh bakit gising ka pa Mori?"sabi ni Povie.  "Ah may napanaginipan kasi ako, kaya bigla na lamang akong nagising"sagot ko.  " Nabangungot ka?"sabi ni Povie.  "Hindi naman, pero kasi ang lakas ng pintig ng puso ko noong may narinig akong boses na nanghihingi ng tulong" sagot ko.  " O siya magpahinga ka muna saglit diyan tapos matulog ka na lang ulit, okay?"sabi ni Povie. " Sige, sleep well" sagot ko. Nang dinama ko ang aking pintig ng puso, medyo mahina na hindi na katulad kanina. Sure akong boses ni Taemin iyong narinig ko kanina. Kumusta na kaya siya? Saan na kaya siya ngayon? Ayan lagi kong tanong. Sana naman okay lang siya at nasa mabuti siyang kalagayan ngayon. Flashback Taemin's POV "Brad, hindi ba tayo mahuhuli rito? Hindi ba masama ito?"saad ko. " HAHAHAHA takot ka lang sabihin mo"sagot ng kasamahan ko. Tumayo na lang ako at tipong palabas na sana. Bigla ko kasing naalala si Mori, wala pala siyang kasama na uuwi kapag nanatili ako rito. "Oh teka, saan ka pupunta? Magsusumbong ka 'no? Bigla na lamang hinila ng isang kasamahan ko rito ang kuwelyo ng aking uniform. Kasabay non ay ang napakaraming suntok sa aking tiyan. Kailangan kong lumaban para kay Mori, para hindi na nila gambalain pa si Mori. Kahit na lumaban ako'y hindi pa rin sapat sapagkat Lima silang nagtutulungan sa pangbubugbog sa akin.  Nagising na lamang akong nasa harap na ng aming bahay. Sobrang sakit ng aking katawan, pinilit kong tumayo at binuksan ang gate para pumasok. Sa tingin ko'y madaling araw pa lamang, kaya tahimik kong sinara ang aming gate. Papasok na ako sa aming pinaka-main door at nagulat na lamang ako nang may nakatulog sa aming sala at si Mama iyon. Bigla na lamang pumatak ang aking mga luha, sapagkat alam ko kung gaano mag-alala si Mama sa akin. Kumuha ako ng kumot at kinumutan ko si Mama. Tinitigan ko si Mama at hindi ko na naman mapigilang umiyak. Pumunta ako sa among kusina at kumuha ng tubig. At nang matapos akong uminom, dahan-dahan akong pumasok sa aking kwarto. Ginamot ko muna ang aking sarili at sa pagdampi ko ng bulak na may kasamang alcohol sa aking braso nagpigil na lamang akong sumigaw sa sakit sapagkat baka sila ay magising. Pagkatapos kong linisin ang aking mga sugat. Naalala ko si Mori, pagka-higa ko ay kinuha ko ang cellphone, napakaraming missed calls ang aking natanggap mula kay Mama at kay Mori.  Tinext ko na lamang si Mori, na ako ay okay lamang. At alam ko rin kung gaano siya mag-alala sa akin.  End of flashback Mori's POV "Kriiiing, kriiiing, kriiiing"tunog ng aking alarm clock. Nagtataka ako bakit siya tumunog eh wala naman akong duty ngayon. Ayon pala nakalimutan kong i-set ang aking alarm clock sapagkat nagbago ang araw ng aking no duty. Si Povie naman ay wala na pala rito sa aming apartment, sapagkat uuwi raw siya sa kanilang probinsiya, namatay kasi ang kaniyang Lolo. Nalulungkot nga ako sa kaniya sapagkat nawala na ang kaniyang pinaka-paborito niyang Lolo. At ako ayoko na munang mag-biyahe sapagkat isang araw lang naman Ang aking rest day, maghahanap na lamang ako ng pasyalan na kung saan mare-relax ako. Nagluto na ako ng aking pagkain, as usual itlog na naman ang aking ulam. Pagkatapos kong humigop ng kape, nag-ready na ako ng aking maisusuot. Pinili ko na lamang ang pantalon at tsaka simple lang na t-shirt at ito ay color black dahil ito ang aking pinaka-paboritong kulay. Naligo na ako at nag-bihis na rin, pagkatapos ay namili na rin ako ng aking sapatos.  Lumabas na ako ng aming apartment at pagka-labas ko sa aming gate at tipong ila-lock ko na sana ang aking gate nang biglang may napansin akong parang may nakamasid sa akin. Pinakiramdaman ko kung sino 'yon ngunit ng pagka-lingon ko sa aking likod ay tila nawala na ito. Sino kaya 'yon? Hindi ko na lang inisip na mabuti iyon at tumawag na akong tricycle para sakyan.  Bigla ko na lamang napagdesisyunan na magpunta muna sa park kung saan may masariwang hangin at katabi nito ay may ilog. Kaunti lang ang mga tao na nakita ko, may mga grupo ng magkaka-ibigan na tila'y may klase pa itong mga 'to, at meron ding magpapamilya at hindi mawawala 'yong mga magkakasintahan. Okay, I'm all alone self. Naisip ko na lang na tawagan sina Mama. *Verbatim sa cellphone "Ma, kumusta po kayo riyan? " Ayos lang naman kami rito anak, ikaw ba kumusta ka riyan? Sana maayos ka lang diyan anak, nami-miss ka na namin dito anak, mag-iingat ka palagi ha?" " Opo Ma, lagi naman po akong nag-iingat, kayo rin po riyan. 'Yong mga gamit po ninyo inumin niyo po on time, mag-exercise na rin po kayo at kumain po ng mga gulay at prutas" " Huwag mo na akong alalahin anak, inaalagaan naman ako ng Papa mo eh. Isipin mo na lang muna sarili mo ha?" " Ah sige po Ma, ingat po palagi. I love you Ma at paki-sabi na rin po kay Papa na I love you rin Ma." " Sige anak, mas mahal ka namin okay, sige na ibaba mo na ito at hindi ko alam kung paano siya i-end. Alam mo naman 'yon anak haha" Aaaaaaah huminga akong malalim dahil naiiyak na naman ako sa pag-uusap namin ni Mama. Para hindi na ako tuluyang maiyak, magsusulat na lang akong kanta. Hindi ko na alam kung kailan ako huling nagsulat ng kanta. Sapagkat may talento rin ako sa pagkanta kaso mas inuna ko Lang 'yong pinaka-gusto kong kurso at ayon ay ang pagiging Police. Sa totoo lang ayaw ni Mama na mag-Police ako sapagkat ayaw daw niyang maging delikado ang buhay ko. Ngunit heto ako at sinunod ang puso ko, well marami akong dahilan kung bakit gusto kong maging Police. Habang nag-iisip ako ng unang line nang gagawin kong kanta, tumingin-tingin ako sa aking palagid.  Kay sarap namang lumanghap ng sariwang hangin Tila'y nawawala ang aking mga problema Kay sarap pagmasdan ng mga ngiti Sana'y ganito na lang palagi, ooh ooh  Habang nagsusulat ako ng kanta, may napansin na naman akong parang may nakamasid sa akin. Ngunit kung sino man 'yon dapat humarap na siya sa akin hindi niya ako kilala. Saulo ko pa kung paano mag-taekwondo, sapagkat isa ito sa aming subject dati at ako ay isa sa mga nakakasunod talaga. Dahil sa pagka-inis ko, pumunta na lamang ako sa kung saan may mabibili akong pagkain. Nagulat ako nang may biglang kumalbit sa akin. Isang bata namamalimos lang pala, so binigyan ko siya ng pera at pinarangalan na huwag mangalbit lang kapag namamalimos sapagkat aakalain mo talagang magnanakaw siya kapag hindi ka alerto. Pagkatapos kong umorder pumunta na ako sa isang upuan at lamesa na walang tao.  Flashback Mori's POV Kumusta na kaya si Taemin? Hindi ko siya naka-sabay kanina sa pag-uwi. Sana naman ayos lang siya. Ilang beses ko siyang tinawagan ngunit naka-off ang kaniyang cellphone. Pinapababa na ako ni Mama para kumain ng dinner. Habang kumakain ako iniisip ko pa rin si Taemin. Tinanong ko tuloy si Mama. "Ma, nag-text na po ba si Tita Mei sa inyo?" "Hindi pa naman anak, sobra ang pag-aalala ni Tita mo Mei kung nasaan na si Taemin" " Baka naman kasama niya girlfriend niya?" tanong ni Papa. " Wala po ata siyang girlfriend ngayon Pa" sagot ko. Nag-iisp tuloy ako baka nga may girlfriend siya ngayon, tapos Anniversary nila. Argh! Bakit ba ang OA ko mag-over think. Pero siguro ayon na lang muna iisipin ko para hindi ko na rin isipin pa. Pagkatapos kong kumain, nag-hugas na akong mga pinagkainan namin. At nag-shower na rin para hindi ako antukin sa pag-rereview sa quiz namin bukas. Hanggang sa natapos na akong mag-review, tinignan ko ang oras at halos alas-3 na pala bang biglang tumunog ang cellphone ko at tinignan ko ito may reply na si Taemin. " Ayos lang naman ako Mori, huwag ka nang mag-alala, okay? Pasensiya nga pala at di kita nasabayang umuwi kanina, may pinuntahan lang talaga ako." Napabuntong hininga na lamang ako , salamat at ayos naman siya. Hindi ko na siya nagawang replayan sapagkat inaantok na rin ako at kailangan kong gumising nang maaga mamaya.  Taemin's POV Nagising ako daming katok sa aking pintuan. Mabuti na lamang at sa tiyan ako pinurahan ng mga 'yon. May konti sa aking mukha at medyo marami nga pala sa aking braso. Patay ako nito kay Mama.  "Taemin! Anak!, buksan mo ito iho paki-usap" Pinilit kong tumayo, para hindi gaanong napansin ni Mama ito. Ngunit nang pagka-bukas ko andoon din si Mama at ang kapatid kong bunso. Niyakap ako ng aking kapatid.  "Kyle bakit sobra mo naman akong yakapin" sabi ko. " Kuya, kasi narinig ko po si Mama kagabi na tinatawagan ka kaso di ka sumasagot"sagot ng kapatid ko. " Kyle, baba ka muna kain ka na roon anak at baka mamaya andiyan na sundo mo. Hector kausapin mo muna ang anak mo, aasikasuhin ko muna si bunso." sabi ni Mama. "Taemin, mag-uusap tayo" sabi ni Papa. " Alam mo bang alalang-alala ang Mama mo kagabi? At baba pa siya natulog. At Isa pa akala mo ba hindi ko napansin 'yang sugat mo sa braso at pisngi mo" sunod na sabi ni Papa. " Pa, huwag mo na lang pong sabihin kay Mama, pagkatapos ko po kasing naki-birthday sa iba kong ka-barkada eh na aksidente po ako, hindi ko po namalayang lasing na po ako non kaya na aksidente po ako, pasensiya po Pa." sabi ko. " Totoo ba? O nakipag-away ka?"sabi ni Papa. " Pa hindi po, maliligo na po ako at baka ma-late na rin po ako sa aking klase"sabi ko. " Siguraduhin mo lang totoo ayan ha? Ginamot mo na ba mga sugat mo?"sabi ni Papa. " Opo Pa."sabi ko. Umalis na si Papa dahil may trabaho rin itong kailangan on time rin siya. Nagsinungaling na rin ako dahil ayoko na silang mag-alala pa ulit. Naligo na ako, at ramdam na ramdam ko ang sakit. Kung kaunti lang sila baka naipagtanggol ko pa sarili ko pero hindi eh. Pagkatapos kong naligo, ginamot ko na mga sugat ko. Tinakpan ko ng band aid ang sugat ko sa pisngi. Pagkatapos ko magbihis ng aking uniform, bumaba na ako sa aming kusina. Uminom ng gatas at kumain ng kaonting kanina na may kasamang ulam. Nagulat ako ng may ibinigay si Mama na gamot, pain killer ito. Sinabi na siguro ni Papa ang dahilan kay Mama kaya binigyan na ako ni Mama ng ganito. Niyakap ko na lamang si Mama at nag-sorry dahil pinag-alala ko siya. Hindi napigilang umiyak ni Mama dahil wala naman daw kaming magagawa dahil aksidente iyon. Doble or tripleng ingat na lang daw ako at sumang-ayon na lang ako kay Mama at nagpaalam na pumasok na akong paaralan. Habang palakad ako sa among gate, hindi ako maka-iwas sa mga titig ng mga tao sa akin, sapagkat baka nagtataka sila kung bakit naka-jacket ako at may band aid sa aking mukha. Naririnig ko rin silang nagbubulung-bulungan, nang biglang nakita ko si Mori na naghihintay sa aming classroom. Mori's POV At ako'y naka-abang sa classroom namin ni Taemin ngayon. Hindi mapigilang maki-intriga ng aking mga kaklase. Tanong nang tanong sa akin subalit hindi ko rin naman alam ang dahilan. Nang saktong bell na, biglang dumating na rin si Taemin. Parang nag-slow mo ang moment na 'yon sa akin. Hindi ko alam halong kaba, saya, at kilig ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na alam ang sumunod pa, bigla akong tumakbo sa kaniya at yinakap siya. "Ayos ka lang ba? Anong nangyari sa mukha mo?" sabi ko habang natataranta. Kahit pinagtitinginan kami ng iba wala pa rin akong paki-alam. At ang masama pa bigla na lang siyang tumawa na ewan. "Hahahahaha puwede ba Mori, kumalma ka lang. Hindi pa ako patay, okay? I-eexplain ko mamaya, may klase na oh,tara na sa loob"sabi niya. Sumang-ayon naman ako at parating na rin ang teacher namin. Habang nag-quiquiz kami, si Taemin pa rin tinititigan ko ngayon. Sabi tuloy ng katabi ko, "Hoy Moriana baka matunaw si baby Taemin ko ha?" Wow, ang kapal naman ng mukha nito may pa-baby pa. Pero sabi naman ni Taemin ayos na siya, kaya nag-focus na rin ako sa aking sinasagutan. Pagkatapos ay nag-announce si Ma'am ng scores namin. At hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi kasi sanay ang buong klase na si Taemin ang laging nangunguna at sumusunod lang ako, ngunit this time ako ang nanguna. Ngumiti sa akin si Taemin at nagpalakpakan ang mga kaklase ko. Pagkatapos ng sumunod na subject ay recess time na. Nagulat ako nang biglang lumapit sa akin si Taemin. "Congrats taba" sabi niya. "Hoy bakit mo ako tinawag na taba! Hmmp" pagtataray ko. " Hahahahaha at dahil ikaw nanguna ngayon, libre mo ako" sabi niya. " O siya sige, ako na payat." sagot ko. Habang papunta kami sa canteen maraming nagtitinginan sa kaniya. Sino ba naman, hindi magtitinginan sa kaniya ang lakas kaya ng aura niya parang bad boy ang tinginan ganon. Dahil lagi naman kaming nagre-recess ng sabay, alam ko na binili ko siyempre ang paborito naming Bingo at Mogu-mogu. Nainis ako sapagkat pagkarating ko naglalaro na naman siya ng Mobile Legends. Bigla ko na lang tuloy binagsak mga binili ko, at nakuha ko ang atensiyon niya.  "Puwede ba, i-stop mo muna 'yan?" sabi ko. " Saglit lang Mori, makakapatay na ako oh"sagot niya. Hinayaan ko na lang siya at nag-Twitter na lamang ako, mas naging Twitter user na ako ngayon sapagkat mas marami akong information na naka-kalap dito, para mas maging aware ako at para na rin may mga idea ako sa mga nangyayari sa mundo. "Okay na tapos na ako" sabi ni Taemin. Hindi ko na lamang siya pinapansin at nag-tuloy akong mag-scroll sa aking Twitter.  "So, hindi mo na aalamin kung anong nangyari sa akin? Akala ko ba nag-aalala ka sa akin?"sunod niya pang sabi. Bigla ko na tuloy pinatay Ang aking data at hinarap siya. "Oh bakit, ka nga naging ganiyan? May naka-away ka?"sabi ko. " Wala naman, na aksidente lang po ako"sabi niya. " Lang? Alam mo bang maraming namamatay dahil sa aksidente? Taemin naman bakit di ka nag-iingat?" sabi ko. " Lasing ako noon Mori"sabi niya. "Aba'y kahit na, kailan ka pang natutong uminom? Noong naka-sama mo 'yang g**g mo ha?" sabi ko. " Shhhh Mori, baka may makarinig sa'yo"sabi niya. Pagkatapos non ay inaya niya na akong pumasok sa classroom namin at malapit naman na ang bell. Iniisip ko pa rin, kung bakit siya sumali sa g**g na iyon. Hindi naman ako nagkulang sa pangangaral sa kaniya since kaibigan ko siya, ngunit sabi niya hindi na raw puwedeng nag-back out sa sinalihan niya.  End of flashback Pagkatapos kong kumain, pumunta muna akong Mall, sapagkat may bibilhin nga pala ako at ayon ay ang sapatos. Nagatataka kasi ako sa sarili ko kung bakit nagtitiis ako sa sira kong sapatos, at it's the time na i-pamper ko naman sarili ko. Pagka-pasok ko sa Mall, pumunta agad ako sa bilihan ng mga sapatusan. Nabighani ako sa ganda ng isang sapatos at kulay black ito ang aking paborito. Tinitigan ko ito at inusisa ang quality nito, maganda naman at maganda ang quality. Kaya nag-tanong ako sa isang saleslady.  "Ate? May size 38 po ba kayo nito?"tanong ko. "Ay yes Ma'am, sandali lang po at kukuha po ako ng size ninyo"sagot ni Ate saleslady. " Thank you po" sabi ko naman. Makalipas ang tatlong minuto, ibinigay na ni Ateng saleslady 'yong ka-size kong sapatos at sinukat ito. Kasyang-kasya naman kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa kung hindi kunin ito. Tinawag ko ulit si Ateng saleslady at sinabi kong bibilhin ko na ito. Pagkatapos kong bilhin ang bago kong rubber shoes. Umikot-ikot muna ako sa Mall, sa totoo lang sobrang dami ng mga tao ngayon. Siguro dahil weekend na o siguro marami ang may suweldo ngayon, hindi ko alam. Nang bababa na ako sa escalator may biglang sumigaw na babae na tulong daw at sa itaas ito nanggaling. Bigla akong bumaba sa escalator habang umaandar at umakyat pataas para tignan kung anong nangyayari room, since trabaho kong mag-serve sa mga tao kahit hindi ako naka-duty eh, responsibility ko pa rin 'yon. Pagka-akyat ko ay nasilayan ko ang magnanakaw na tumatakbo papunta sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kung hindi magkunwaring papatidin ko ang magnanakaw na iyon. Naging successful naman sapagkat hindi niya napansin ang paa ko, pagka-dapa nong magnanakaw kinuha ko ang dalawa niyang kamay at since wala akong posas dito, ang pinangtali ko na lang sa kamay niya ay ang sintas ng aking sapatos. Napa-bilib ang mga tao sa paligid ko, at sinabi kong tumawag ng Police since ang cellphone ko ay nasa ibaba at hindi ko puwedeng hindi hawakan ang suspek. Kinuha na ng may-ari ang kaniyang bag, at nagpa-salamat sa akin. "Police ba siya?" "Hindi baka secret agent" "Baka actress?" "Baka nagte-taekwondo lang iyan"  Mga naririnig kong bulungan nila, hinintay ko munang dumating ang mga Police Patrol. At nagulat sila sa akin, nag-saludo sila sa akin at ganon din ako.  "Ipunta niyo na lang ito sa station kung saan malapit ha?"sabi ko. " Yes Ma'am (sabay saludo)"sabi nila. Mabuti at nakuha na nila ang magnanakaw na iyon at naibalik na sa may-ari iyong bag niya atsaka nagpasalamat din siya sa akin. Bibigyan niya sana ako ng reward, pero tinanggihan ko iyon sapagkat trabaho ko naman ang mag-serve sa mga tao. Nang may lumapit sa akin. "Ma'am? Edi Police ka po?" Sabi ng isang bata. Nginitian ko siya at sabi ko, " Yes bebe, Police si Ate".  "Idol (sabay saludo siya), pangarap ko rin pong maging Police Ate"sabi ng bata. "Makakaya mo iyan bebe, basta magtiwala ka lang sa sarili mo at kay Papa God, okay? sabi ko. At sumang-ayon naman Ang bata. Pagkatapos noon ay nginitianko ulit siya at nagpaalam na. Bumaba na ulit ako ng escalator. Sobrang cute nong bata, sana matupad niya ang kaniyang pangarap. Hindi ko namalayang mag-gagabi na pala, bumili na lamang ako ng pang-gabihan ko at sumakay na sa taxi para pumuntang apartment namin. Habang kumakain ako ay biglang may nag-message sa akin, ayon ay ang Chief namin. "Iha, nasilayan ko ang pag-grow mo rito sa station natin may sasabihin ako sa'yo bukas dahil deserve mo iyon."sabi ni Sir sa text. Bigla tuloy akong nag-isip ng kung ano. Nagtataka ako kung patungkol saan iyong sasabihin ni Sir. Flashback Nagtataka na siguro si Mori kung bakit ako sumali sa g**g na iyon, ayokong sabihin na para sa kaniya iyon. Hindi ko masubukang sabihin sa kaniya ito sapagkat alam kong palaban si Mori, ngunit andoon iyong kaba na baka mapunta siya delikado. Ayokong mangyari sa kaniya iyon. Hindi ko namalayang last subject na naman pala namin ito. Kaya uwian na naman. Ngayon ay sabay ko na siyang uuwi nang biglang nag-text ang pinakaka-iwasan kong tao. "Punta ka na ngayon sa lungga natin, kung ayaw mong mabugbog na naman" (texted by Boss Killa) Oh wow, hindi pa pala sila kontento sa ginawa sa akin. Gusto ko silang isumbong sa mga Police ngunit andoon iyong takot na baka marami ang madamay. Ayokong mag-excuse kay Mori na may pupuntahan or may nakalimutan ako kaya babalik akong school dahil kahit mag-excuse ka alam mo na ang iniisip niya sapagkat mahilig siyang mag-solve ng mga kaso. Kaya hinatid ko na lamang siya sa bahay nila. Pagkatapos kong magpaalam sa kaniya. Lumiko na ako ng daanan, kung sa tutuusin ay medyo malapit na ang aming bahay sa bahay nila Mori. Pagka-liko ko ay tumakbo ako at nag-madaling pumunta kung saan ako pupunta ngayon. Hinihingal at pawis akong dumating sa lungga ni Boss Killa. "Oh boss andiyan na pala si bugbog sarado eh" sabay hagalpak nong isa. "Oh ano, nagsumbong ka ba?" sabi ni Boss Killa. " Hin--- hindi boss" sabi ko habang nauutal. " Dapat kasi sumunod ka na lang sa amin"sabi ni Boss Killa. Habang nag-uusap kami, kitang-kita ko kung paano nila hithitin ang mga droga na nakaka-sama sa kalusugan nila.  "Gusto mo bang subukan iyan?" sabi ni Boss, sabay turo niya sa mga gumagamit nito. Hindi ako sumang-ayon kay Boss kaya umupo na lamang ako. "Bakit ba napaka-protektado mo sa Mori na iyon ha? Dahil lang naman sa kaniya nakulong ang kapatid ko"?sabi ni Boss Killa sabay dabog sa lamesa. Nagulat ako sapagkat tuloy-tuloy ang pag-suntok niya sa lamesa na halos masira na ito. Walang pumipigil sa kaniya sapagkat alam nila ang ugali nito.  "Bakit ba kasi uma-akting bayani iyang Mori na iyan ha? Alam mo bang dahil sa kaniya naghirap ako sa buhay, nang mawala si Kuya? sabi ni Boss Killa. Hindi pa rin ako sumasagot sapagkat, deserve naman ng Kuya niya iyon. Nakulong ang Kuya nito sapagkat nag-mala imbestigador si Mori noong 2nd year high school kami. May napanood kasi si Mori noon sa TV, na ikinakuha niya ng pansin. Inimbestigahan niya iyong lalaki na iyon, sapagkat napakaraming krimen ang nagawa nito. Walang kuwenta ang mga Police noon, kaya gusto niya raw mahuli ito. At gumawa siya ng maraming paraan para hanapin iyong lalaki na iyon. Muntikan pa nga niyang isakripisyo ang buhay niya sapagkat muntik na siyang mahuli mabuti na lang daw at naka-tago siya sa basurahan. Nakaka-tuwa ngunit ang naging bunga nito ay nahuli ang Kuya niya. Hindi si Mori ang dahilan kung bakit namatay ang Kuya ni Boss Killa, sapagkat na overdose ito sa mga i***********l na gamot. Naiinis ako kasi si Mori raw ang dahilan kung bakit namatay ang Kuya which is hindi. Kaya noong may napansin akong palaging nagmamatiyag kay Mori hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mangamba at mag-alala kay Mori, kaya kung maaari lagi siyang nasa tabi ko. Na curious ako sa grupong ito kaya ako iyong nagpaka-imbestigador para hindi na nila gambalain pa si Mori, at nahanap ko naman ito ay ang grupo ng mga basagulero at may mga bisyo na si Boss Killa. May plano raw kasi na patayin si Mori,kaya nag-makaawa ako sa kanila at ayon ang dahilan kung bakit ako andito. End of flashback Mori's POV Nagising ako nang maaga sapagkat nacucurious ako sa tinext ng Chief namin.  Pagkatapos kong mag-toothbrush ay nagmadali na akong lumabas ng apartment namin. May nahanap naman akong tricycle agad kaya mas napaaga akong maka-pasok sa station namin. Nag-greet ako sa mga nakaka-salubong kong mga kasamahan ko sa station namin at nang makapunta na ako sa aking desk umupo na ako para gawin ang mga naka-assign na gagawin lalo na ang mga kaso na hindi pa nalulutas, gigil na gigil na akong mag-imbestiga kaso may mga naka-assign talaga na mga dapat gawin. Wala pa si Povie, nakaka-miss naman 'yon siya pa naman mood maker namin. Kahit isang araw lang siyang nawala, namimiss ko na presensiya niya. Nang may biglang kumatok sa pintuan ng office namin.  "Ma'am Perez, pinapa-tawag ka po pala ni Sir" sabi ng isang Police Officer. At nagtango akong ulo, at pumunta na ako sa office ng aming Chief. Kumatok ako ng tatlo kasi sign siya ng respect. Nag-greet na rin ako at sumaludo. "Ms. Perez, makinig kang mabuti nakita ko ang potential mo na magaling ka talagang mag-imbestiga, naghahanap ang NBI ng  Police Officer na puwedeng maging secret agent/detective. Are you willing to take this opportunity?"sabi ni Sir. Bigla tuloy akong napa-isip, paano si Povie? "Ah Sir, ako lang po ba may potential?"Sabi ko. At sumang-ayon si Sir. " I will give you 1 week to decide, you will definitely train again pero saglit lang naman iyon at kayang-kaya mo"sabi ni Sir. "Sige po Sir, mag-iisip po akong mabuti. Thank you for this opportunity Sir."sabi ko. Halo-halong emosyon ang aking nadarama ngayon. Paano ko kaya maipapaliwanag ito kay Povie? Makakaya ko nga ba ito? Mga tanong ko rin sa aking sarili. Nag-pokus na lamang muna ako sa aking ginagawa rito at may bigla na namang nag-pop up sa isip ko ayon ay ang pangako. Sa totoo lang pangako ko ito kay Taemin, na kahit na nawala siya nang hindi nagpapa-alam sa amin, gusto ko pa rin itong gawin dahil nga pangako ko ito sa kaniya. Ayon ay ang hanapin kung sinong oumatay sa kaniyang mga magulang at ang kaniyang bunsong kapatid. Biglang tumulo Ang aking mga luha, ni wala talaga akong kontak sa kaniya. Hindi ko alam kung natupad niya ba mga pangarap niya o hindi ko alam kung maayos ba kalagayan. Palagi ko siyang ipinagdarasal at sana'y gabayan siya ni Papa God. Kahit noong huli kaming magkita ay galit siya sa akin. Wala ako ideya Kung bakit siya nagalit sa akin. Maraming tanong ang gusto kong masagot ngunit sana gumawa ng paraan si Papa God at maglandas ulit ang aming mga sarili.  Nang mag-gabi na ulit, nanatili pa rin akong andito sa aking lamesa sapagkat gusto ko munang matapos itong isa na Gawain ko. Nang matapos na ay, pinatay ko na mga saksakan sa computer namin. Nagpaalam na ako sa mga naka-duty ngayong gabi at umuwi na ako. Pagkarating ko sa aming apartment tila'y may nakamasid sa akin. Hindi ko na lamang ito pinansin ngunit handa naman ako kung biglang umatake iyong naka-masid sa akin. Naiinis na talaga ako kung sino ba iyon. Tumuloy na lamang ako sa among apartment at nagulat ako nang biglang may tao na rito. Inimbestigahan ko muna kung sino iyon, at mabuti na lang malakas ang instinct ko na si Povie ito. Pagkabukas ko ng pintuan ay andoon siya sa sala at naka-higa. Puyat nga ito panigurado. Patuloy na sana akong kuwarto namin nang biglang nagsalita si Povie. "Mori, andiyan ka na pala?" sabi ni Povie. " Hmmm, oo. Kumusta ka?"sabi ko "Mabuti naman, nanghihina pa rin pero kailangan lumaban."sabi niya. Bilib din ako sa fighting spirit ni Povie, halos tatlong taon na kaming magkasama sa office kaya sobra ko talagang nasubaybayan ang buhay niya. Siya kasi 'yong tipong optimistic. Kaya nahahawa talaga ako sa kaniya. Bigla ko tuloy siyang niyakap. " Oo, ikaw pa ba? Kaya mo 'yan beshywap" sabi ko. Siguro hindi pa ito 'yong time para sabihin ko sa kaniya iyong offer ni Sir sa akin. Siguro mga apat na araw ko pa dapat sabihin o kung kailan lumakas ang aking loob, sa ngayon dadamayan ko muna ang aking kaibigan. Parang magkapatid na rin kasi ang turingan namin since magkasama na kami ng matagal. Natutuwa nga ako sa kaniya noon, kasi kung sinu-snio ang aming nakaka-blind date, ngunit go lang naman ako sa kung anong trip niya. Kaso walang epekto sa akin mga nirereto niya sa totoo lang. Dahil alam ko sa sarili ko na may nag-iisa pa ring nasa puso ko. Inaya ko na siyang matulog na kami at may pasok na naman kami bukas. Pagkapatay ng ilaw ni Povie, sabay kong ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako ng pagka-dali dali kagabi. Nauna akong nagising kay Povie, nagluto na akong kanina at ulam namin. Pagkatapos ko ay naligo na rin ako para, kaonti na lang ang gagawin ko mamaya. Ngayon ko na lamang napansin na magang-maga pala ang mga mata ni Povie, sapagkat alam ko kung gaano kasakit mawalan ng miyembro sa pamilya.  " Okay ka lang Povie?" Sabi ko. " Hmm, oo naman kakayanin ko hindi ba?"sagot niya. Tsaka nag-ngitian din kami.  " Nagpainit na rin pala akong paligo mo para wala ka ng masyadong gagawin mamaya."saad ko. " Kabait naman ng partner in crime ko, salamat Mori."sabi niya. Pagkatapos kong kumain ay nagtimpla na lang ako ulit ng aking kape, sapagkat kulang ang aking tinimpla kanina. Habang humihigop ng kape kinuha ko ang aking cellphone para maki-balita kung ano ng nangyayari sa mundo. Siyempre hindi pa rin mawawala ang mga krimen na nangyayari sa mundo. Sa totoo lang, naiinis ako sa mga taong ganon. Pinatay ko na ang aking cellphone at binuksan na lamang ang bintana sa tapat ng aming sala. Nang may napansin na naman akong nakamasid sa akin. Tinitigan ko ito, ngunit bigla siyang nagtago. Gigil na gigil na akong hulihin kung sino ma iyon, ngumiti it takes a time bago ko siya mahuli. Humanda siya sa akin, akala niya ba babae lang kami. Malalagot talaga sa akin iyon. Pagkatapos kong inumin ang aking kape, tapos na ring maligo si Povie. Hindi ako matahimik, nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba sa kaniya o hindi.  Pero dapat safety first kaya sinabi ko na kay Povie ang tungkol dito. " Povie? May napapansin akong parang laying nakamasid sa atin." sabi ko. " Baka naman guni-guni mo lang iyan Mori?"sagot niya. " Hindi eh, lagi ko siyang napapansin."sabi ko. " Kung sino man iyon, hindi ba siya aware na Police tayo?" Sabi niya. Totoo nga naman, bakit ang tapang niyang magmasid sa amin eh, Police kami. Siguro may nag-utos sa kaniya oh hindi ko talaga alam. Pagkatapos naming mag-ready ay pumara na kami ng masasakyan. Hindi ko mapigilang lumingon-lingon sa aking paligid kung andoon pa ba iyong nagmamasid sa amin oh natakot na sapagkat napansin ko siya at makikilala na sana kung hindi siya nagtago sa sasakyan. Hanggang sa andito na kami sa aming station. Ganon din nangyari kahapon, trabaho roon, nag-asikaso ng mga unsolve cases at type sa computer. Naka-uwi kaming dalawa ni Povie nang maaga, kaya napagdesisiyunan naming kumain na lamang sa fast-food. Flashback Mori's POV Akala siguro ni Taemin hindi ko siya napansing lumiko sa ibang direksiyon, baka pupunta na naman ito sa kung saan 'yong lungga ng g**g nila. Ayokong  sirain 'yong pangako ko kay Taemin na hindi imbestigahan kung anong g**g ba iyon dahil mapapahamak lang daw ako. Kahit na malakas ang kutob ko na , hindi kagustuhan ni Taemin na pumasok doon. Hindi ko rin siya maintindihan ngunit irerespeto ko na lang siya sa desisyon niya basta ang sabi ko sa kaniya na kapag napamahamak siya ng tatlong beses mangingialam na ako. Isa na ang nangyari sa kaniya at ayon ay ang sabi niya na aksidente lang daw siya, di niya alam inimbestigahan ko ang motor niya, wala itong gasgas kaya imposible na aksidente lang iyon.  Pagkapasok ko sa aming bahay, nag-mano na ako kila Mama at Papa. Tsaka dumiretso na rin ako sa aming kwarto para makapag-pahinga na. Nagpagdesisyunan ko na pumunta sa bahay nila Taemin dahil baka dumating na siya at kausapin si Taemin. Medyo malayo ang bahay nila sa amin kaya nag-tricycle na ako nagpaalam na rin ako kanina kay Mama at Papa, at ang aking alibi ay may ibibigay lang ako kay Taemin pumayag naman sila Mama at Papa.  Pagka-bayad ko sa tricycle, bumaba na ako at nag-door bell sa gate nila Taemin. Napansin kong andoon na ang kaniyang motor kaya andoon na siya. Pagka-katok ko ang bunso niyang kapatid ang sumalubong. Rinig na rinig ko ang matinis niyang boses. " Ma, andito po si Ate Mori" sabi niya. Bigla namang lumabas ang kaniyang Mama. " Oh Mori, anong ginagawa mo rito? Halika at pumasok ka." sabi ng Mama ni Taemin. " May ibibigay lang po ako kay Taemin, Tita. Nakalimutan ko po kasing ibigay kanina eh."sagot ko. " O sige iha, at pumasok ka na"sabi ni Tita Mei. Pumasok na ako, at si Kyle naman ang bunsong kapatid niya ay kumapit sa aking kamay.  " Maupo ka muna rito sa sofa iha, at tatawagin ko si Taemin" sabi ni Tita Mei. Sumang-ayon naman ako, at kasama kong umupo si Kyle. Naka-handa na rin ang meryenda na inilatag ni Tita Mei. " Hintayin mo na lang siya iha, halika muna rito Kyle tulungan mo akong maghanda ng hapunan."sabi ni Tita Mei. At sumunod na lang si Kyle. Nakita ko kung gaano katamad maglakad pababa si Taemin sa hagdan nila. Tinititigan ko lang ito ngunit tila'y wala siya sa sarili niya. " Ano bang kailangan mo Mori?" sabi ni Taemin. " May kailangan tayong pag-usapan."sabi ko. " Tara sa terrace, tahimik doon."sabi ni Taemin. At sinundan ko naman siya.  " Hmm, ano ba iyon Mori? Puwede mo namang i-text ako or tawagan mo ah." sabi ni Taemin. Dama ko kung gaano siya kawalang gana magsalita. " Sabihin mo nga sa akin, baka gumagamit ka na ng nakakasamang gamot?"sabi ko. " Mori, huwag ka nga magsalita kung hindi mo naman alam ang totoo okay?"sagot niya. " Pero kasi, puwede bang tumigil ka na sa pagsali sa g**g na iyan?"sabi ko. " Hindi mo alam kung gaano kahirap umalis soon, at alam mo bang mapapahamak kayo kapag umalis ako haaaa!?" sabi ni Taemin. Nagulat ako sapagkat napakalakas ng paghiyaw ni Taemin. Sa sobrang pagka-gulat ko hindi ako naka-sagot dahil first time kong masigawan ni Taemin. Pagkatapos non tumahimik kami.  Ayoko na siyang kausapin sapagkat alam kong galit siya sa akin. Kaya napagdesisyunan kong umalis na lang. " Sige, pasensiya na aalis na ako." sabi ko. Pagka-alis ko hindi man lang siya sumagot. Kaya nagmadali akong bumaba. Pagkababa ko nakita ko kung gaano kasaya ang Mama at kapatid niya na nagluluto sa kusina. " Ah Tita Mei, aalis na po ako naibigay ko na po kay Taemin ang dapat kong ibigay, salamat po pala sa pa-meryenda kanina Tita, sige po." sabi ko. " Ayaw mong maghapunan dito iha?"sabi ni Tita Mei. " Oo nga Ate, tinulungan ko pa naman po si Mama na magluto ng hapunan natin ngayon eh."sabi ni Kyle. " Nako, okay lang po." sagot ko. Nang marinig ko ang tapak ng mga paa ni Taemin sa pagkababa niya sa hagdan nila. Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita. " Oo nga Mori, dito ka na maghapunan" sabi ni Taemin. " Sige na iha, umupo ka na at malapit na itong maluto."sabi ng Mama ni Taemin. Wala akong nagawa kung hindi sundin ang sinabi ng kaniyang Mama. Ang awkward lang ngayon sapagkat kanina ay nagkasagutan kami ni Taemin. " Ate Mori? Bakit po gusto niyong maging Police paglaki?" sabi ng kapatid ni Taemin. " Ah, para mahuli ko 'yong mga masasamang tao"sagot ko. " Gusto ko rin po maging katulad mo paglaki Ate" sabi ni Kyle na may magandang ngiti. " Matutupad mo 'yan Kyle, basta mag-aral ka lang ng mabuti at sumunod sa mga nakakatanda okay"? sabi ko. Nang biglang sumabat si Taemin sa usapan namin. " Kyle, natapos mo na ba 'yong assignment mo sa school?" tanong ni Taemin. " Opo naman Kuya, ako pa po ba?" sabi ni Kyle. At nginitian naman ito ni Taemin. " O siya tama na ang daldalan ninyo, ito na ang ating hapunan"sabi ni Tita a Mei. Nang biglang tatayo na ako para tulungan si Tita, bigla na lamang akong inalalayan ni Taemin na ang pinapahiwatig non ay siya na ang tutulong sa Mama niya. " Mukhang masarap po ito Ma ah." galak na sabi ni Taemin. Nang mai-ayos na ang lahat, sabay-sabay na kaming kumain. At nang matapos na kaming kumain hindi ko namalayang gabi na nga pala. " Ah Tita, uuwi na po ako maraming salamat po sa hapunan".sabi ko. " Ayos lang 'yon iha, Taemin ihatid mo na si Mori para maging ligtas siya sa pag-uwi. Mag-iingat kayo okay?"sabi ng Mama ni Taemin. Bigla namang lumabas si Taemin para daw i-ready ang motor niya. Sumunod na rin akong lumabas, bago 'yon ay hinalikan muna ako ni Kyle sa pisngi at nagpaalam na rin kay Tita Taemin at kay Kyle. Naalala ko late pa lang umuuwi ang Papa ni Taemin sapagkat siya'y bodyguard sa isang restaurant. Habang nilalabas ni Taemin ang kaniyang motor sa gate, hindi ko mapigilang hindi ma-awkward sa kaniya. Nang bigla siyang nagsalita. " Mag-helmet ka muna" sabi niya. Tapos binigay niya sa akin 'yong helmet. Pagkatapos kong mag-helmet, sumakay na rin ako sa motor niya. Habang nagda-drive siya hindi ko pa rin malimutan ang pagkaka-sigaw niya sa akin kanina. Nang bigla siyang magsalita ulit. " Pasensiya na pala kanina Mori, nasigawan pa kita"sabi ni Taemin " Ah-ah a-yos lang 'yon, sorry at hinusgahan kita kanina."sagot ko. At tumahimik muli ang paligid namin. Nang makarating na kami sa aming bahay.  Nagsabi na lang akong mag-iingat siya sa pag-uwi. Na realize ko sa sarili ko na dapat pala inalam ko muna ang katotohanan bago mang-husga ng tao. Ako pa tuloy nahihiya kay Taemin ngayon. Pero sana maging okay na rin kami. End of flashback. Povie's POV Pagkatapos naming kumain ni Mori sa pinagkainan namin, inaya ko siya na mag-sine muna sapagkat hindi ko na makaya na ang emosyonal ko. Hindi ko pa rin lubos maisip na wala na ang pinakamamahal kong Lolo. Si Lolo lang kasi 'yong palaging suportado sa akin. Pero salamat na lang at andito si Mori sa tabi ko. Ang saya ko lang na may nag-comfort sa akin. " Ano bang gusto mong panoorin sa sinehan?" tanong ni Mori. " Ikaw ba? Basta 'yong comedy hihi." sabi ko. Hinayaan ko na lang na mamili si Mori ng papanoorin namin. At ako naman ay bumili ng popcorn at maiinom namin ni Mori. May napili na si Mori, at pumasok na kami sa sinehan. Gusto ko kasi 'yong malapit kaya doon kami sa malapit, sumunod naman si Mori.  Mag-uumpisa na pala ang movie na napili namin. Tawa lang kami nang tawa ni Mori, na para bang walang problema sa mundo. Ngunit susulitin ko na lamang ito, sapagkat minsan lang sumaya ng todo. Nakita ko kung gaano kasaya si Mori na tipong lumuluha na siya kakatawa at siyempre ganoon din ako. Nang malapit ng matapos ang pinapanood namin, biglang may sumigaw sa itaas. Ito'y nagbigay ng atensiyon naming lahat sa loob ng sinehan. " May patay dito aaaaaaaah." halos maluha nang pagkasabi ng babae. Lilingon sana ako para sabihin kay Mori na tignan namin iyon. Pero wala na pala siya at nauna na pala siya roon. Sinundan ko siya. " Povie, tawagin mo ang staff at sabihing i-lead ang mga tao rito palabas."sabi ni Mori. Sumunod na lamang ako, tumakbo akong mabilis at nakita ko sa labas ang dalawang guard at iyong isang staff. Sinabi ako Ang ini-utos ni Mori at bigla silang umalerto lahat.  Pagka-pasok ko ulit sa sinehan ay sinindi na ang ilaw sa loob. Nakita ko si Mori kung gaano siya kasiyasat na mag-imbestiga. Bilib na bilib talaga ako kay Mori, sapagkat napaka-galing nito pagdating dito. Tumawag na ako ng back-up at pati na rin sa NBI.  Maraming nagsidatingang taga-NBI. Hinahanap ko ang naka-witness na babae. Ngunit pagka-tingin ko'y humagulgol ito at nagpapanic na. Mabuti na lang at mabilis ang pagdating ng mga NBI at sila na ang mag-iimbestiga rito. Hindi ko rin mapigilang magulat sapagkat first time na maka-experience ako ng ganito, tila'y pinapanood ko lamang ito sa mga sinehan at sa aking mga gadgets ngunit hindi ko akalaing mangyayari pala ito sa totoong buhay. Hinayaan ko na lamang muna si Mori sa loob, sapagkat ako'y nagulat pa rin sa nangyari. Nang marinig ko ang boses ni Mori na hinahanap ako. Lumabas na ako sa CR at pumunta na sa kaniya. " Anong nangyari roon Mori?" tanong ko. " Planado ang lahat Povie, ayon sa aking kaalaman habang busy tayong lahat na tumatawa at nakapokus lamang tayo sa ating pinapanood ay nangyari na ang krimen na iyon."sabi ni Mori. " Wait, hindi kaya may alam din 'yong babae na sumigaw."tanong ko. " Halika, tanungin natin 'yong babae."sabi ni Mori. Sumunod naman ako, para na rin malaman ang totoo. Pagkarating namin sa babae, hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. Tila'y hindi rin siya makapaniwala sa nangyari kanina, gaya ko. Habang kinakausap ni Mori 'yong isang tauhan sa NBI na nag-interview sa babaeng naka-witness. Hindi ko mapigilang hindi mag-isip. Nang biglang pumunta sa akin si Mori. " Ano raw nangyari?" tanong ko. " Poison ang naging dahilan nang pagkamatay."sabi ni Mori. " Ha? Paano?"tanong ko ulit. " Obvious 'yon Povie, hindi ba kapag papasok tayo sa sinehan kinakapkapan muna tayo ng mga bodyguards."sagot ni Mori. Naisip ko ring  lason ang dahilan ngunit ang pinagatataka ko baka umaakting lang 'yong babae pero siya pala ang may sala rito.  "Ah Mori? Saan na pala 'yong babaeng witness?" tanong ko. " Ipinunta muna nila sa hospital, kasi malapit na siyang mahimatay kanina" sagot ni Mori. " Oo Povie, iniisip ko rin ang iniisip mo. Pareho tayo ng hinala, ngunit ang NBI na ang bahala roon para imbestigahan pa." saad ulit ni Mori. " Makikita nga kapag mas iinterviewhin siya ng mga taga-imbestiga nito"sagot ko. Mori's POV Dama ko kung gaano kabado si Povie, sapagkat ang alam ko ay may trauma siya about dito. Ang nasilayan niyang ganito ay ang Papa niya. Kaya inaya ko na lamang na umuwi na kami at hindi puwedeng pakialaman ang mga taga-imbestiga kahit na Police pa kami. " Mag-taxi na lang tayo para madali na tayong maka-uwi." sabi ko kay Povie. At siya ay sumang-ayon naman. Nalulungkot ako kay Povie, dahil dapat masaya kami pag-uwi ngunit napalitan ito ng gaanong pangyayari. Nang makapasok na kami sa among apartment. Bigla ko na lang hinalumpisay ang aking katawan sa aming kama. Sobrang nakaka-pagod ngayon. Nagmadali akong magbihis para maka-tulog na rin, pero napansin kong si Povie ay tahimik pa rin at paggagamit lang ng cellphone ang ginagawa niya ngayon. Pagkatapos kong magbihis at maghilamos. Nag-good night na ako kay Povie. "Hindi ka pa ba matutulog Povie?" tanong ko sa kaniya. " Hindi pa ako inaantok eh, sige mauna ka na Mori."sagot niya. Sa sobrang pagod ko ay  naka-tulog na rin ako. Maaga akong nagising para na rin gumayak sa trabaho. Napansin kong masarap pa rin ang tulog ni Povie kaya di ko na rin muna siya ginambala pa. Kaonti lang naman din ang gagawin namin ngayon. Kaya puwedeng ma-late. Pagkatapos kong kumain nakita kong palabas pa lamang ng kwarto si Povie. " Good morning" sabi ko. " Good morning din, bakit di mo ako ginising late na tayo Mori" sabi niya. " Eh mukhang masarap ang tulog mo eh, kaya di na kita ginambala pa." sabi ko. " O siya at maliligo na ako."sabi niya. Nagpunta na siya sa banyo para maligo. At ako naman ay nagtimpla ulit ng kape dahil "coffee is life" ako. Bigla kong naalala na iyong nagmamasid sa amin. Sekreto kong binuksan ang kurtina ng bintana namin. Pasilip-silip ako sa bintana, ngunit tila'y wala namang nakamasid sa amin. Naiinis na naman ako kapag ganito lagi ang senaryo, gustong-gusto ko nang mahuli kung sino man 'yon, ngunit it takes a time para mahuli siguro 'yon. Hindi ko na muna inisip pa iyon. Pagkatapos kong uminom ng kape. Nag-lagay na ako ng kaonting make up sa aking mukha, para maging presentable araw-araw. Napansin kong ang bilis kumilos ni Povie, kabadong-kabado siguro ito. Pagkatapos niyang kumain naglagay na rin siya ng kolorete sa mukha. Pagkatapos non ay inaya niya na akong mag-abang na ng masasakyan. At meron naman agad kaming nasakyan.  Nasa office na kami at tila'y busy na ang lahat sa mga ginagawa nila. Pagkatapos naming mag-greet sa mga kasamahan namin pumasok na kami sa aming office. Tinapos ko na rin ang kaonti kong gawain at nanood muna saglit ng k-drama sa trabaho. Wala naman ang Chief namin kaya sinulit ko muna 'yong oras. Pagkatapos gumawa ni Povie ng report, inaya niya akong kumain sa labas. At dahil gutom na rin ako, pumayag na ako. Inaya rin namin 'yong iba naming kasamahan kaya marami kaming kumain ng sabay-sabay. " Ang pogi talaga nitong Film Director na ito, bakit kaya ang underrated niya hindi man lang siya nababalita. Pero ayos na 'yon para wala akong kaagaw." sabi ng isa naming kasamahan. Wala akong paki-alam sa mga ganiyan kaya nagpatuloy na lang akong kumain ng halo-halo. Bigla namang sumali si Povie sa tsismisan ng mga kasamahan ko. " Ay oo nga napaka-guwapo naman niyan, sana makita ko in person 'yan." sabi ni Povie. " Hay nako, matutunaw na ang halo-halo ninyo kung sinu-sino pa ang mga pinagtsitismisan niyo riyan." sabi ko. Tumawa na lang sila at sabay humigop sa natunaw na halo-halo nila. " Si Ma'am Perez talaga, palibhasa wala pang naging kasintahan eh." sabi ng isa naming kasamahan. " Hahahaha kahit sinong lalaki iharap mo riyan, meron na talagang nag-iisa sa puso niyan kaya tumahik kayo." sabi naman ni Povie. Natatawa na lamang ako sa kanila, pero wala pa talaga akong interest sa mga ganiyan. Ayoko munang pumasok sa mga ganiyan. Siguro kapag naging maayos na at kapag nahanap ko na si Taemin. Pagkatapos naming kumain at magdaldalan. Bigla na lamang na i-open ng isa naming kasamahan na babae. " Ma'am Perez, bakit hindi niyo na kasi tanggapin 'yong alok ni Sir sa iyo?"tanong niya. " Oo nga bagay sa'yo 'yon Ma'am Perez." sabi ulit ng isa naming kasamahan. Hindi ako maka-salita sapagkat nasa tabi ko si Povie.  " Ha? Tungkol saan sinasabi nila Mori?" tanong ni Povie. Wala na akong magawa sapagkat huli na ang lahat, ayoko naman nang magsinungaling sa kanila. " Pasensiya na Povie, gusto kasi ni Sir na pumasok akong NBI eh iniisip naman kita sapagkat---" " Ano ka ba Mori, ayos lang 'yon masaya nga ako at may isa akong kaibigan na mapupunta sa NBI, hayaan mo pagbubutihan ko pa at susundan kita roon."sabi ni Povie. Akala ko madidismaya siya, nginitian ko na lamang siya pagkatapos. At pumasok na ulit kami sa office non. Maaga rin kaming umuwi sapagkat konti lang naman ang ginawa namin kanina. Nang maka-uwi kami humingi akong tawad kay Povie. " Povie, pasensiya na hindi ko sinabi agad. Nalaman mo pa tuloy kila Meisha 'yon at hindi galing sa akin."sabi ko. " Ano ka ba Moriana Perez, ayos lamang 'yon okay? Galingan mo roon ha? Alam kong bagay ka talaga roon."sagot ni Povie. Pagkatapos non ay nagbihis na ako at nagluto na rin para naman may makain na kami. Habang naka-upo si Povie sa sofa at nanonood sa laptop niya. Ramdam ko pa rin ang kalungkutan niya, parehas kaming mag-aadjust sa bagong mundo, pero magtitiwala na lang ako na magkakasama rin kami. Pagkatapos kong magluto, tinawag ko na si Povie. Nagulat ako nang bigla siyang umiiyak. " Hoy, Povie ayos ka lang?" tanong ko. " Hahahahaha ano ka ba Mori dahil lang ito sa pinapanood kong K-drama."sagot niya. " Kinabahan pa ako, o sige halika na rito at naka-handa na ang mga pagkain." Sabi ko. Sumunod naman siya at pinunasan na niya ang mga luha niya.  Flashback Taemin's POV Hindi ko pa rin akalaing nasigawan ko si Mori nang malakas. Hindi ko rin maintindihan sarili ko kung bakit ganon na lamang ang aking nagawa. Tama nga naman nasa huli ang pagsisisi pero ayoko lang kasi 'yong hinuhusgahan ako ng sarili ko pang kaibigan. Habang andito ako sa park ng paaralan namin, naisipan kong magmuni-muni muna. Hindi ko pa kayang harapin si Mori, dahil alam ko namang nasaktan siya. Napansin kong kaonti lang din ang tao rito kaya ibinaba ko ang aking bag sa bermuda grass at doon nahiga muna saglit. Siyempre dito ako pumwesto sa maraming puno. Habang nakatitig ako sa ulap, paulit-ulit na nagfla-flash back sa aking isipan ang mga ginawa ko. Hindi ko alam kung paano ako nakulong sa ganitong sitwasyon, ang gusto ko lang naman ay maging masaya at mapayapa ang buhay. Hindi ko rin mapigilang hindi isipin si Mori, pero alam ko naman na nasa mabuting kalagayan siya ngayon ayos na sa akin 'yon. Habang nakatitig ako sa kawalan, may biglang nagsalita sa tabi ko. "  Mukhang malalim ang iniisip natin ha." sabi nito. Bigla akong bumangon at tinignan kung sino ito.  " Clairo? " tanong ko. " Sino pa nga ba?" sabi niya. " Hindi ba't nasa America ka na, bakit andito ka?" tanong ko. " Ayaw mo ba 'yon?" sabi niya. Isa rin sa mabuti kong kaibigan si Clairo at ang Lolo niya ang may-ari ng school na ito. Naging kaibigan ko siya dahil sa basketball noong bata pa kami, magkapareho kasi kaming team sa aming Barangay. Ang alam ko talaga doon na sa America mag-aaral si Clairo, kaya nagulat ako nang dumating siya. " Dito ka na ba ulit mag-aaral bro?" tanong ko. " No bro, sinadya ko talagang bisitahin ka rito."sabi niya. " Pa-paano pag-aaral mo?"tanong ko. " Hindi mo ba alam advance masyado ang system sa America, kaya napadali akong maka-graduate."sagot niya. " Mabuti ka pa, kami mga 3 months bago mag-college."sabi ko. " Tiis-tiis lang bro, teka may chix ba rito?" tanong niya. " Hay nako kung iyan lang din ang tatanungin mo bro, wala." sagot ko. " Hahahahaha I'm just kidding okay?"sabi niya. Inaya ko na siyang lumabas at sabay kaming kakain ng lunch. Pero sana may kasabay si  Mori na kumain. Mori's POV Naiinis talaga ako sa nakabangga sa akin kanina, hindi man lang manghingi ng sorry. Napaka-bastos ng lalaki na 'yon. Pasalamat siya at hindi ko siya masyadong nakilala dahil maraming tao sa paligid ko non. Saan na kaya si Taemin? Nakakapagtaka hindi siya nagparamdam sa akin kanina, lalo na't parehas pa kami ng classrom ha. Lunch time na pala, maghahanap na lamang ako nang kasabay kumain. At nakita ko naman sina Fina na palakad papunta sa direksyon ko, medyo close ko naman sila sapagkat naka-sama ko na sila noon sa youth camping dati. " Ah-ah Fina? Puwede ba akong sumabay sa inyong kumain ng tanghalian?" tanong ko. " Oh sure girl, saan ba si papi Taemin mo?" tanong niya sabay tawa. " Ah hindi ko rin kasi namalayan kung saan siya nagtungo eh."sabi ko. " Halla, baka may girlfriend na naman siya ah? Masasapak ko 'yon pinagpalit ka."sabi niya. " Nako Fina, hindi naman naging kami eh magkaibigan lang kami 'no."sagot ko. " Hmm, kunwari ka pa girl halatado na may gusto kayo sa isa't isa." sabi niya. Tumahimik na lamang ako at nagpatuloy na lumakad kasama nila. Pagkatapos naming kumain ng tanghalian sabay-sabay din kaming pumunta sa kaniya-kaniya naming classroom, nagtaka rin ako sapagkat wala pa si Taemin dito sa classroom namin. Bigla rin akong naiihi kaya pumunta muna akong comfortroom  ng aming paaralan. Nang maka-punta na ako sa loob ng CR umihi na ako agad. Pagkatapos ko nag-hugas na rin akong kamay at lumabas na rin ako. Walang anu-ano'y nag-ring na ang bell. Patay ako nito bawal pa man din ma-late sa subject namin ngayon. Dali-dali akong tumakbo, at sa pagkatakbo ko ay may nagka-bangga akong tao. Napa-upo kaming dalawa, tinignan ko kung sino iyon at tila'y hindi siya rito nag-aaral. Hindi ko na siya pinansin pa sapagkat male-late na akong tuluyan. Sa pagka-sigaw niya ng "aray" sumigaw din ako ng "sorry" sa kaniya. Hingal akong dumating sa classroom namin at mabuti na lamang halos kasabay ko ang teacher namin na pumasok sa classroom kaya hindi naman ako late. Nakita ko na rin si Taemin na nasa upuan niya. Busy itong nagbabasa sa comics na hawak niya.  Mabilis natapos ang subjects namin at mag-uuwian na naman. Nang maaga kaming pina-uwi parang gusto kong hanapin 'yong lalaki na nakabangga ko alam kong hindi ako naka-hingi ng tawad nang maayos. Habang nagmamasid-masid ako sa paligid, nagbabasakali na mahanap 'yong lalaki na 'yon. Nang titignan ko na si Taemin sa loob ng classroom eh nawala na lang bigla ito. Hindi ako sanay na nagkakaganito kami, hindi ako sanay na seryoso si Taemin. Ngunit sabi nga walang permanente sa mundo. Malungkot na naman akong naglalakad papuntang gate sa school para umuwi, nang biglang may naka-kuha ng aking atensiyon. Ayon ay ang maliit na bata na nagpapabili sa kaniyang magulang, ngunit tila'y sila ay namamalimos sa labas. Mayroon pa naman akong pera para sa pamasahe kong uuwi sa bahay, kaya napag-isipan kong ibigay ang isang daan sa mga magulang ng bata. " Salamat Ate." narinig kong sabi ng bata nong lumingon ako nagsaludo pa iyo at ngumiti. Nakaka-hawa ang ngiti ng bata kaya napangiti na rin ako. Nag-abang na ako ng masasakyan para sana umuwi, ngunit napagpasiyahan kong i-text si Taemin at tanungin kung nasaan siya. As usual hindi ito nag-reply, dumiretso na lamang akong umuwi sa bahay at magpahinga sa aking higaan. Napag-isipan ko rin na pumunta na lamang sa bahay nila Taemin, para na rin malaman ko kung nakarating na siya. Nagpaalam na rin ako sa aking mga magulang, at sasaglit lang ako roon. Pumayag naman sila Mama at Papa kaya agad-agad akong pumunta. Taemin's POV Nang mag-bell na at ayon ay sign nang uwian. Nag-message sa akin si Clairo at dali-dali akong pumunta sa kaniya. Pagka-kita ko sa kaniya kung saan kami magkikita. Nagulat ako kung anong tinatakpan niya sa kaniyang ulo. Tawang-tawa ako nakiki-usap siyang dalhin ko raw muna sa bahay namin, sapagkat kapag nakita raw ito ng kaniyang ina, ay papauwiin na siya agad sa America at ayaw niya pala room sapagkat parang grounded daw siyang lumabas-labas doon. Natatawa akong dalhin si Clairo sa bahay namin sapagkat daig pa niya talaga ang nakipagsuntukan. Medyo malaki rin kasi ang bukol sa kaniyang ulo at mas lalo akong natawa nang marinig ko sa kaniya na babae ang nakabangga sa kaniya. Tawang-tawa talaga ako at siya naman ay parang naiinis na. Habang magda-drive na sana ako pauwi sa bahay, nang makita kong pauwi na rin si Mori, nakita ko na binigyan niya 'yong magulang ng bata, masasabi kong nakaka-bilib talaga si Mori. Nagulat ako nang biglang magsalita si Clairo. " Bro, come on let's go na please. Baka may makakita pa sa aking empleyado ni Lolo rito, isumbong pa ako. Come on."pangungulit niya. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa binilisan ko na ang takbo ng aking motor para mabilis kaming maka-alis sa paaralan namin.  " Masakit pa ba bro?" sabi ko. " Sobra bro, lagot talaga sa akin kung sino 'yon."sabi niya. " Baka naman hindi niya sinasadya bro."sagot ko. " Kahit na bro malalagot talaga 'yon" sagot din niya.  Natatawa pa rin ako habang nagda-drive, alam ko kasi kung gaano ka-brusko si Clairo walang makakatalo sa kaniya kapag suntukan dahil black belter din siya sa taekwondo. Talagang nagulat ako sapagkat ganoon na lamang mangyari sa kaniya. Nagmadali na akong mag-drive sapagkat baka mas lumala pa ang kaniyang bukol,hindi man lang niya naisipang magpa-clinic sa school hinintay niya pa talaga ako. Nang makarating na kami sa among bahay dali-dali kong ipunanta sa parking lot namin ang aking sasakyan. Nagmamadali rin akong kumatok sa bahay, at agad din naman itong binuksan ni Mama. " Oh, anak  bakit ba nagmamadali Kang ipagbuksan itong pintuan?" tanong ni Mama. " Ma, si Clairo po 'yong dating kalaro ko po sa basketball na naging best friend ko na po." ipinakilala ko itong muli kay Mama. Kaagad namang nagmano si Clairo kay Mama. " Pasensiya na po, baka po kasi mas lalong lumaki itong bukol ko po sa ulo." sabi ni Clairo. " O siya pumasok na kayo, Taemin anak paki-kuha 'yong first aid kit natin sa aparadoe." sabi ni Mama sa akin. Agad ko naman itong kinuha, pagkatapos kong kunin ito ibinigay ko na ito kay Mama. " Teka iho, konting tiis lang ha." sabi ni Mama kay Clairo. " Okay lang po, titiisin ko na lang."sagot ni Clairo. Pagkatapos gamutin ni Mama si Clairo, nagkuwentuhan na sila. " Ah iho, bakit ka nga ba nagpunta ng America." tanong ni Mama. " Ahm, dahil po 'yon kay Lola gusto niya po na roon kami mag-aral ng kapatid ko sapagkat doon din naman po nagta-trabaho si Papa." sagot ni Clairo. " Kumusta naman ang buhay mo roon Clai." singit kong tanong kay Clairo. " Mahirap bro, kasi parang babae turing nila sa akin, grounded lagi." sagot ni Clairo. " O siya, mag-kuwentuhan muna kayo diyaan at maghahanda akong panghapunan natin." sabi ni Mama. " Sige po Tita, salamat po." sagot naman ni Clairo. Naging masarap ang kuwentuhan namin ni Clairo, ang dami niyang baon na kuwento, sa tagal ba naman ng hindi namij pagkikita. Nang biglang may kumatok sa pintuan. Nabobosesan ko ito at alam kong si Mori 'yon. Pagkabukas ko ng pintuan si Mori nga ang  humarap sa akin. " Ah, Mori anong ginagawa mo rito?" tanong ko. " Ah-eh nakalimutan kong ibigay sa'yo itong libro na hiniram ko sa'yo. Salamat Taemin." sabi ni Mori. Nang biglang lumapit si Mama sa akin. " Nak, si Mori ba 'yan?" sabi ni Mama. " Ah opo ako po ito Tita Mei. May ibinalik lang po akong libro kay Taemin."  sagot ni Mori. " Dito ka na lang din maghapunan Mori." sabi ni Mama. " Pasensiya po Tita, nangako po ako kay Mama na roon po ako maghahapunan po eh." sagot ni Mori. " Nako, totoo ba iha. Sige magpahatid ka na lang kay Taemin." sabi ni Mama. "  Sige Mori, halika ka na at ihahatid na lang kita." sabi ko. Nang kukunin ko na ang susi ng aking motor, nakita kong nakikinig lang si Clairo at naglalaro sa cellphone niya, kaya di ko na siya ginambala pa. Lumabas na ako para ihatid si Mori. Siguro nga nagtataka si Mori kung bakit parang iniiwasan ko siya. Habang nssa sasakyan kami, biglang nagtanong si Mori. " May bisita ba kayo?" tanong niya. " Ha? Bakit mo alam?" tanong ko kay Mori na ipinagtataka ko kung bakit niya alam. " Napaka-simple Taemin dahil sa isang pair ng sapatos sa labas ng bahay ninyo." sabi niya. Talaga ngang napaka-mapagmatiyag ni Mori sa lahat. Ipinaliwanag ko na lang sa kaniya ito. " Kaibigan ko rin 'yon noong bata pa tayo, nakalaro ko siya sa basketball noon, hanggang sa naging mag-team kami roon nagsimula ang pagkakaibigan namin Mori." sabi ko. " Hmm, feeling ko kagagaling niya lang ng abroad?" tanong niya. " Teka, bakit ang galing mo?" tanong ko sa kaniya.. " Kutob ko lang 'yon Taemin." sagot niya. " Hahahaha akala ko may napansin ka ulit." sabi ko. " Bakit ba humihiwalay na loob mo sa akin Taemin?" tanong ni Mori. " Ha? Hindi naman ganon Mori, talagag busy lang siguro ako.." sabi ko. " Okay, sabi mo 'yan." sabi ni Mori. Nang makarating na kami sa bahay nila Mori, tumatak talaga sa isipan ko 'yong, pagkasabi niya na kung galit man ako sa kaniya magsabi raw ako. Actually, hindi naman ako galit eh. Talagang gusto ko lang siya maging ligtas sa mga masasamang tao na 'yon. End of flashback Povie's POV Hindi ko pa rin makalimutan 'yong sinabi sa akin ni Mori, na talagang inisip niya ako bago umoo sa aming Chief. Sa totoo lang halo-halo ang emosyon na aking nadarama, malungkot sapagkat hindi ko na makakasama si Mori sa pagta-trabaho, masaya sapagkat mapupunta na siya sa pangarap niyang agency. Matagal niya na itong sinasabi sa akin kaya talagang nag-pursigi siya na mag-trabaho sa station namin. Natatandaan ko pa mayroon daw siyang dapat gawin kapag napunta siya sa agency na 'yon, siguro may gusto siyang tulungan para lutasin iyong kaso na 'yon. Hindi ko naman masisi si Mori sapagkat napaka-bait nito. Susuportahan ko na lang talaga siya sa lahat ng bagay, siguro magpupursigi pa talaga ako sa aking trabaho baka may pagkakataon pa na magkakasama kami. Nagising akong maaga sapagkat gusto ko namang paglutuan si Mori ng makakain. Ito na ata ang huling araw niya na kasama ako. Nakaka-lungkot talaga. Habang nagluluto ako hindi ko namalayang gising na rin pala si Mori.  " Good morning Ma'am Povie." sabi ni Mori. " Nako Mori, tumigil ka nga wala tayo sa trabaho okay?" sagot ko. " Gusto ko lang naman maging formal hahahaha." sabi ni Mori na ikanatuwa ko rin. " Bago ako aalis dito gusto ko munang hulihin kung sinong nagmamasid dito para maging ligtas ka." sabi ni Mori. " Kaya ko naman Mori, tsaka baka lumipat na rin ako ng apartment. Baka mas lalo akong malungkot ang dami kaya nating mga memories dito." sambit ko. " Hmm ganon ba? Siyempre i-text mo ako kung saan ka banda lumipat, para kapag wala akong duty mabisita kita." sabi ni Mori. " Okay, copy Ma'am." sagot ko naman. Sabay kaming kumain ni Mori at masasabi kong mami-miss ko talaga si Mori, sapagkat naging solid din ang samahan namin. Nasanay na kasi akong siya lagi ang taga-comfort ko. Pagkatapos naming kumain pinauna ko na siyang maligo at ako naman ay plinantsa ko na ang uniform namin. Pagkatapos ay namahinga muna ako sandali. Pagkatapos kong magpahinga natapos naman ng maligo si Mori. Naligo na rin ako para madali kaming makapasok sa aming trabaho. Mori's POV Andito na kami sa aming office ni Povie, habang nagta-trabaho kami nalulungkot ako sapagkat hindi ko na makakasama pa si Povie. Parang magkapatid na rin kami ni Povie sa tatlong taon ba naman na magkasama kami talagang nabuo na ang pagiging magkaibigan namin. Pagkatapos kong i-type itong nasa bond paper biglang may pumasok sa office namin at pinapatawag na rin ako ng Chief namin. Habang palakad ako patungo sa office ni Chief, hindi ko makailang hindi kabahan. " Good Morning Sir." bati ko kay Sir na sabay din akong nagsaludo. " Good Morning Senior Police Officer Moriana Perez." sabi ni Sir. Pinaupo na ako ni Sir. Pagkatapos non ay nag-discuss na siya about sa aking paglipat at kung ano ang kailangan kong gawin sinabi na rin ni Sir. Sa totoo lang medyo madali lang ang paglipat ko sapagkat si Sir na raw ang bahala sa akin. Pagkatapos ay nagtungo ako ulit sa office namin ni Povie. Inaya ko na rin si Povie na kumain ng tanghalian. Nang magulat akong may surprise pala ang mga kasamahan ko sa akin. Pagka-labas kasi namin ni Povie sa office bigla silang naka-abang para paputukin ang party popper. Nagulat ako sapagkat hindi ko ito inexpect. May cake at balloons din silang hawak-hawak na may nakasulat na "Congratulations, Ma'am Perez" sa cake. Natuwa naman ako sapagkat nag-surprise sila sa akin. At dahil doon nilibre ko na lamang sila ng maka-kain. Masaya kaming nagsabay-sabay na kumain kasama  na rin ang Chief namin. Wala akong ideya kung anong mangyayari sa next journey ko sa aking trabaho. Lumabas na muna ako sa station namin para tawagan sila Mama at Papa. " Oh anak, kumusta na, buti napatawag ka?" sabi ni Mama. " Ma, pasensiya na po kung ngayon lang ako tumawag sa inyo sobrang busy ko po kasi sa trabaho, tapos ngayon po 'yong paglipat ko pa." sabi ko. " Ayos lang iyon anak, natutuwa kami ng Papa mo sapagkat malilipat ka na sa pangarap mong agency." sabi ni Mama. " Kaya nga po, salamat po Ma. Kumusta naman po kayo diyaan Ma?" tanong ko. " Ayos lang naman kami nila Papa mo, napanaginipan ko pala kagabi si Tita Mei feeling ko ayos naman siya roon." sabi ni Mama. " Hmm, basta Ma nag-text ka lang po sa akin kung kailangan niyo ng pera." sabi ko. " Nako anak, sobra na mga binibigay mo, kung anu-ano na nga lang ang aking binibili eh. Kapag umuwi ka rito sa bahay natin, tiyak na matutuwa. Pinaganda na rin namin 'yong kwarto mo. Pinapinturahan ko ng bagong kulay." sabi ni Mama. " Ayos lang po 'yon Ma, kayo naman po ang dahilan kung bakit ako nagta-trabahong maayos Ma eh." sagot ko. " Miss ka na namin anak, mag-iingat ka riyan palagi ha?" sabi ni Mama. " Opo Ma, kayo rin po riyan." sabi ko. Bigla akong naluha sapagkat nami-miss ko na naman sila Mama at Papa, siguro matagal pa bago ako maka-uwi sa aming bahay. Pero ganon talaga ang buhay kailangan ko munang mag-trabaho, para rin naman sa kanila itong ginagawa ko. Pagbubutihan ko na lang para maging maayos ang aming buhay. Pagkatapos ng celebration at farewell party ng mga ka-trabaho ko, nagpaalam na akong maayos sa kanila nakaka-lungkot man, ngunit kailangan ko rin maging propesiyonal sa harap nila. Pina-uwi na kaming maaga ni Chief at natira 'yong mga may duty naman kanina. Pagkarating namin ni Povie sa apartment, tinulungan niya akong mag-ligpit ng mga gamit ko. Hanggang ngayon tahimik pa rin si Povie, siguro malungkot siya talaga kaya nag-focus na lamang ako sa pag-aayos ng aking gamit. Nang biglang nag-salita si Povie. " Mori, mami-miss kita." sabi ni Povie sabay yumakap sa akin at umiyak siya ng malakas. " Magkikita pa naman tayo Povie, okay?" sabi ko habang mahinahon kong tina-tap ang kaniyang likod. " Siguraduhin mo lang 'yan." sabi niya na habang umiiyak pa rin. " Opo Ma'am, teka dapat sa malapit ka na maghanap ng apartment mo." sabi ko. " Hmm, subukan kong maghanap." sabi niya. " Kina-usap ko na sila Daisy, sabay na lang daw kayo maghanap ng apartment para may kasama ka." sabi ko kay Povie. " Talagang sinabi mo pa talaga sa kanila." sabi ni Povie. " Siyempre para may kasama ka, ayokong nag-iisa ka." sabi ko. " Eh paano naman ikaw? Sinong makaka-sama mo?" tanong ni Povie. " Hindi ko pa alam, pero okay lang ako 'no." sabi ko. " Siguraduhin mong okay ka ha Mori?" sabi ni Povie. " Opo Ma'am." sabi ko. Pagkatapos naming mag-ligpit ng mga kagamitan ko, may sumundo na sa aking kotse sa labas. Nagpaalam na ako kay Povie, at nangako naman kami sa isa't isa na magkikita kami kapag may free time kami at siyempre hindi mawawala 'yong koneksyon namin sa isa't isa. Halos namaga na ang mga mata namin ni Povie, pero wala kaming magagawa kung hindi tanggapin na lamang. Pagkatapos naming magyakapan ni Povie, sumakay na ako sa kotse at ang nagda-drive ay isang tauhan sa agency na papasukan ko. " Malayo pa po ba Sir, kung saan ako mag-i-stay?" tanong ko. " Medyo Ma'am." sagot niya. Hindi ko na siya ulit kinulit, sapagkat hindi ko pa naman siya gaanong kilala at nagda-drive rin siya. Ayoko rin naman siyang ma-distract. Isinaksak ko na lamang ang mga earphones ko sa aking tainga at nakinig na lamang ng mga kanta. Halos dalawang oras kaming nag-biyahe at biglang nagsalita 'yong isang tauhan sa agency na papasukan kom " Ma'am, andito na ho tayo." sabi niya  " Ah ganon ba, sige bababa na ako." sabi ko. Nang bababa na ako nakita ko kung gaano kaganda itong building na nasa harap ko. Tinulungan na rin niya akong magbaba ng mga gamit. May isang lalaki na medyo may edad na rin ang sumalubong sa akin. " Good Evening, ikaw ba si Ma'am Moriana Perez?" tanong niya. " Opo ako 'yon. Good Evening Sir." sabay saludo ko. " Sundan niyo po ako." sabi niya. " Ako nga pala ang taga-pamahala rito sa building na ito, pero hindi ako tauhan ng NBI agency ah. Ako lang inatasan dito, tawagin mo na lang ako sa pangalang Mr. Enzo." sambit niya pa. Pagkaloob ko sa building na ito, talagang napaka-classy ng dating. Ang luwang oo hotel ito pero mas maganda pa ito kung ikukumpara sa mga hotel na ordinaryo lamang. Dahil ilang floor ang building na ito, nag-elevator na kami. Hanggang sa makarating kami sa pang-apat na lapag, lumabas na kami. Pinasok namin ang isang napaka-gandang kwarto. Hindi ko pa talaga clearly na nakita itong buong building sapagkat gabi na pero talagang nabibilib na ako. " Dito po kayo maglalagi Ma'am Moriana." sabi Mr. Enzo. " Maraming salamat po." sabi ko. " May orientation kayong magaganap, lahat ng mga detectives na bago. Huwag kang mag-alala sasabihin naman sa iyo iyon eh." sabi nong nag-drive sa sinakyan namin kanina. " O siya pupunta na kami, para makapag-pahinga na rin tayong lahat."  sabi ni Mr. Enzo. " Sige po, salamat at ingat po kayo." sabi ko. Sabay silang umalis ng condo na tinitirhan ko. Lumoob na rin ako at talagang ang comfy ng lahat dito. Kumpleto rin ito ng mga gamit. Inayos ko na ang mga kagamitan ko at inilagay ang mga damit sa mga paglalagyan. Nang tinignan ko ang aking cellphone, malapit na pa lang magmadaling araw. Nag-shower na ako at nagbihis na rin. Pagkatapos ay natulog na rin ako. Halo-halong emosyon ang nadarama ko, ngunit alam ko naman na simula pa lang ito at makakaya ko ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Loving The Heartbroken Man (Juan Miguel)

read
136.2K
bc

My Secret Marriage

read
129.1K
bc

SADISTIC PLEASURE ( Tagalog )

read
205.4K
bc

DALE MONTEMAYOR: CHAOTIC BILLIONAIRE (TAGALOG)

read
78.4K
bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

The Daughter of Darkness (TAGALOG-ROMANCE)

read
209.7K
bc

OSCAR

read
248.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook