Masayang ibinalita ni Shanaya sa kapatid ang nakatakdang church wedding at ang bagong blessing na dumating sa buhay nila ni Danzel. Nasa veranda sila ng bahay ng Mama niya; nakaupo lang ito sa couch habang nakatingin sa anak na naglalaro sa lapag. Nilatagan nila ng rubber mat na may alphabet at numbers ang sahig at kung iba't ibang laruan na binili nila ni Danzel bago magtungo roon. Ang asawa ay nasa meeting ngayon sa isang coffeeshop na malapit lang din sa bahay ng Mama niya. Ilang buwan nang nagpapagamot si Anya. Lagas na ang buhok nito dahil sa epekto ng chemotherapy at radiation. But she is surviving. Sa katunayan, maganda na ang awra nito kaysa noong una. Makikita rin sa mga mata nito kung gaano ito kagiliw sa anak. Shanon gave Anya a reason to fight for her illness. Kaya ha

