Agad na tumuloy si Shanaya sa banyo nang magising isang umaga. Dalawang linggo na siyang delayed. Umaasa siyang positive na ang lalabas sa pregnancy test ngayon matapos mabigo noong nakaraang buwan. Negative kasi ang lumabas sa result ng test at pagkalipas ng ilang araw ay dumating din ang buwanang dalaw niya. Kaya ngayon ay hinintay niya muna na umabot ng dalawang linggo siyang delay bago siya bumili ng pregnancy test kit. Gustong-gusto nilang magkaanak ulit. Noong una'y pinagbawalan sila ng doktor dahil masyado pa raw maaga para magbuntis siya ulit. They need to wait after a year of giving birth. Doon pa lang daw safe na magbuntis siya at safe sa baby na dadalhin niya. Mula nang magkasakit si Anya ay sumobra din sa OA si Danzel na alagaan siya. Tatlong araw sa isang linggo l

