Pagkatapos kumain ay lumabas sa cabin si Shanaya nang naka-bathing suit at nakitang pabalik na si Danzel sa yate. Kumikislap ang mumunting butil ng tubig sa matipunong katawan nito dahil sa sikat ng araw. Nang makaakyat ito sa yate ay agad na lumapit at yumakap sa kanya. "Why were you staring at me?" "Why do I have to tell you? Ikaw ba sinasabi mo lahat sa 'kin kung ano ang iniisip mo?" Bahagya itong humalakhak saka pinisil ang ilong niya. "I promise to tell you everything now." "Everything? Okay... what are the other suprises." "Except those of course." Sumeryoso ang mukha nito. "C'mon, I want to know what were you thinking." "Hmmm... I was thinking... Paano kung sa Australia ako tumuloy pag-alis ko sa inyo? Would I get this chance to be happy again like this?" "Of course..."

