Ten Months Later "Are you sure you're ready to work again?" tanong ni Danzel kay Shanaya. Hindi niya sana gustong magtrabaho dahil tatlong buwan pa lang ang panganay nila pero iniisip niya ang empleyado na naghihintay sa pagbubukas ng Shan La Fragrance. Si Danzel ay hindi pa rin makawala sa Albano Corp. dahil hindi pa bumabalik si Laurenti. "Hindi naman ako maghapon sa opisina. Hindi mo ba maaaring ipalit si Drake sa posisyon mo?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang nakababatang kapatid ni Danzel. Katulad ni Laurenti ay hindi pa rin seryoso ang kapatid nito sa pagtatrabaho sa Albano Corp. "I'll talk to Dad so he can convince Drake." "Kailangan nang matuloy ang opening ng Shan La Fragrance," dagdag pa niya. "I know. I'll discuss it with Ethan and Duncan today. You know what?

