"It's confirm, Danzel. Shanaya is Anya's younger sister." Inilapag ng kapatid na si Duncan ang profile ni Anya at Shanaya sa desk niya. Kagabi pagkauwi nito ay agad siyang tinawagan dahil hindi ito mapakali sa pagkakahawig ng dalawa. He understands his brother for being protective. Nakita nito kung gaano siya nalugmok sa ginawang panloloko sa kanya ni Anya. Napasandal siya sa malambot na upuan habang nag-uunahan ang tanong sa isip niya. Kaninang umaga ay nagpresenta siyang ihatid si Shanaya sa bahay ng Mama nito pero tumanggi ang dalaga. That was even after they had a short affair while she was in his Cabana Room. Kung ibang babae 'yun ay magde-demand na sa kanya lalo na't siya ang nakauna dito. But she didn't. Does Shanaya know he was Anya's long-time boyfriend? "Paanong hindi

