"You came back!" masayang bati ni Ethan kay Danzel nang pumasok siya sa opisina para mag-report sa dalawang bansa na pinuntahan n'ya. Kung maaari lang ay hindi pa s'ya uuwi ng Pilipinas, pero kinagalitan na siya ng Mommy niya. "How's everyone?" tamad niyang tanong. Umupo siya sa swivel chair sa harap ng mesa ni Ethan at tamad na isinandal ang katawan. "Everyone's fine. Ikaw, kumusta? Parang hindi mo na gustong bumalik sa Pilipinas ah!" Isang tamad na ngiti rin ang ibinigay niya sa pinsan. "For a change. Makapag-isip-isip rin kahit paano." "So... nagkakausap pa ba kayo ni Shanaya?" "No." Mabilis siyang umiling. Hindi niya matanggap na nagsinungaling ito sa totoo nitong pagkatao kaya't mas gusto niyang putulin na lang kung anumang ugnayan ang nasimulan nila. "Okay... I thi

