Shanaya knew what's going to happen next. At nahihirapan siyang panaigin ang matinong kaisipan dahil parehong gumagana ang alak sa sistema niya at ang malakas na atraksyong dulot ng binata. He was a stranger. Ni hindi niya alam ang buo nitong pangalan.
"S-stop..."
Tumigil naman ito sa paghalik sa punungtainga niya at ang kamay ay nakapasok na sa ilalim ng white polo niya. Hunger and desire were in his eyes. Muli siya nitong siniil ng halik bago nagsalita.
"May lakad ka ba bukas?"
Muling sumagi sa isip niya ang problemang kinakaharap na dahilan ng pag-inom niya kanina sa bar. Ang totoo'y gusto niyang bumalik pabalik sa Australia pero masama rin ang loob nya ngayon sa Papa niya. Idagdag pa ang wala na siyang boyfriend matapos matuklasan ang pagtataksil nito sa kanya.
"I am free..."
"Wala kang trabaho? Or school? I mean..."
"Kararating ko lang galing Australia. I am here to... to have a vacation," pagsisinungaling niya. Hindi kailangang ilahad ang buhay niya sa lalaking dahil hindi ganoon kadali na amining isa siyang anak sa labas. Na bunga lang siya ng isang kataksilan.
"For how long?"
Nagkibit siya ng balikat. Kung puwede lang ay hindi na siya magtagal. Pero kung maysakit si Vivian at siya ang naatasang mag-alaga sa ina, hihintayin pa niya kung kailan may nurse siyang makuha para pumalit sa kanya.
"I can offer you a job... If you want to stay..." alok naman nito na gusto niyang tanggapin. If only to keep her out of Vivian's house.
"Pag-iisipan ko. Wala pa akong malinaw na plano sa ngayon."
Ngumiti si Danzel ng matamis sa kanya.
"May problema ka," konklusyon nito. "Nag-away kayo ng boyfriend mo?"
"Sort of... Nag-break, actually..."
"I can be a subsitute. Rebound. Or whatever you want to call it."
"What? No..." Siya naman ang napangiti. Sa guwapo ni Danzel ay hindi ito pang-rebound lang. Hindi niya alam kung bakit pumasok sa isip ng binata na i-offer ang sarili para maging substitute ng boyfriend niya.
"C'mon... Kagagaling ko lang din sa isang masakit na hiwalayan. Why don't we give it a try? I like you and I feel that you feel the same way. We're attracted with each other."
Isang malutong na tawa ang pinakawalan niya. Masyado na siyang maraming iniisip para pumasok pa sa isang kalokohan.
"You're crazy..."
"It's official, you're my girl from now on. Gusto mong mamasyal bukas?"
"Umalis ka na, Danzel. Hindi ako pumapayag sa kalokohan mo."
"Sad to say, I am not the man who takes no for an answer."
Nang akda siyang tatalikod ay mabilis siya nitong nakabig pabalik.
"Please say yes, sweetheart... I promise to be good..."
Muling gumana ang tukso sa sistema niya nang maramdamang halos yakap na siya nito. She wanted his touch. The feel of his skin against hers. Gusto niyang isubsob ang mukha niya sa dibdib nito para alisin ang mga sakit na dulot ng pamilya niya sa kanya. Ginawa siyang nurse ng Mama niya gayung kaytagal niyang hindi naramdaman ang halaga niya sa ina. Hindi pa rin naman siya mahalaga; nagkataon lang na siya ang taong hindi marunong tumanggi sa utos ng Papa niya. O dahil hindi na siya binigyan ng mga ito ng pagpipilian.
"Y-yes..."
Muling lumapat ang mga labi ni Danzel sa kanya na mas mapusok kaysa kanina. She could also feel the heat in his body -- burning and tickling her senses. Naging malikot na rin ang kamay nitong tuluyang nahubad ang polo niyang suot. Hindi na niya magawang makapag-isip ng tama. O marahil hindi niya muna gustong gumawa ng tama sa gabing ito. Pagkatapos ng kasal ni Anya ay magiging tagapag-alaga lang naman siya ng maysakit.
"You're beautiful..." paanas na wika ni Danzel nang matanggal nito ang hook ng bra niya at mapagmasdan ang malusog niyang dibdib. Itinakip niya ang dalawang braso. Muling lumapat ang mga labi nito sa leeg niya na muli siyang pumikit. Bumaba ang mga labi nito sa dibdib niya na gusto niyang lumubog sa kahihiyan. Isinandal siya ni Danzel sa dingding at itinaas ang dalawa niyang kamay.
"W-what are you doing?" tanong niya nang maramdaman ang isang kamay nitong bumaba sa skinny jeans niya. Nahihigit niya ang hininga sa bawat dantay ng kamay nitong tumatama sa kaselanan niya. She had never been this bold in her whole life. She was never touched in that part of her body.
Napapikit siya sa pinagsamang kahihiyan at sarap na dulot ng haplos ng binata sa gitna ng mga hita niya. Napayakap siya dito nang muli nitong inagkin ang mga labi niya. Alcohol helped her release her desire to be touched. Nawala ang inhibisyon niya sa kalaunan. Tumutugon na ang katawan niya sa bawat ipapadama nitong sensasyon. She was moaning and whispering words to release her desire.
Kung paano siya nailipat sa kama ay hindi niya matandaan. Naramdaman na lang niya ang katawan nitong nakadagan sa kanya at sakop na ang buong sistema niya. He let her reached her climax for the first time with only his hands and mouth. Ilang beses na siyang nagmakaawa na angkinin siya nito kapag dadating siya sa sukdulan.
"This is going to hurt you... but it will be quick, okay?"
Hindi niya alam kung ano ang ibig nitong sabihin hanggang sa maramdaman niyang tila hinihimay ang kalamnan niya sa sakit. It was literally tearing her apart. Napakapit siya sa likod nito at naibaon ang mga kuko sa pag-asang maibalik ang sakit na dulot nang pang-angkin nito. Pero tulad ng sabi ng binata, matapos ang ilang sandali ay pumalit muli ang sensasyon habang gumagalaw si Danzel sa ibabaw niya.
Sa loob ng ilang minuto ay pinagsawa ni Danzel ang sarili sa pag-angkin sa kanya. Ibinagsak nito ang katawan sa tabi niya pagkatapos. Hindi niya alam kung ano ang dapat isipin. Dahil sa pagod ay hinayaan niyang hilahin siya ng antok.
Bahala na ang bukas.
Tumayo si Danzel nang maramdamang mahimbing na ang tulog ni Shanaya sa tabi niya. Hindi siya makatulog sa samu't saring emosyon. First, he had just made love to her -- the woman who awakens his curiousity, his senses, and the thing between the middle of his thighs. He was attracted to her. Strongly attracted that he wasn't able to control himself anymore when he saw her inside the bar last night.
A half-Australian girl. Sa kabila niyon ay deretso itong magsalita ng tagalog. But every inch of her speaks class and elegance. Ultimo amoy ng pawis nitong humalo sa mamahalin nitong pabango. She even wears Prada, Chanel and Hermes from head to toe. Hindi ito ordinaryong babae.
He laugh at himself silently. Inalok pa niya ang sarili para maging panakipbutas sa boyfriend nitong hiniwalayan. It was a wild guess, nang tanungin niya ang tungkol sa boyfriend nito dahil sa lungkot na nakikita niya sa mga mata nito. At hindi siya nagkamali. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang saktan ng isang lalaki ang katulad ni Shanaya.
At dahil naipagkaloob na sa kanya nito ang sarili, hindi na siya papayag na ihiwalay ito sa kanya. Hindi na siya papayag na bumalik ang boyfriend nito.
Over his six-pack abs and masculine body.
Nagtungo siya sa banyo para maligo nang sandali. Naroon ang mga gamit ni Shanaya na nagkalat sa bathroom niya. Biglang nag-amoy babae ang buong silid na 'yun ultimo bathtub niya. And he loves it. Kahit angkinin na nito ang silid niyang iyon hindi siya magrereklamo.
Nagtimpla siya ng kape pagkalabas niya ng banyo. May mga gamit siyang naka-locked sa isang closet. Kahit ang isang laptop niya'y naroon sa isang drawer.
Alas dos na ng umaga nang bumalik siya sa higaan at tumabi kay Shanaya. He wanted to wake her up and make love to her again. And so, he did. Shanaya was submissive in bed. Kung anong oras siya nakatulog ay hindi niya na alam. Nakayakap siya sa katawan ng katabi nang tuluyan siyang nagpahila sa antok.