Nagising si Danzel kinabukasan na nakayakap pa rin kay Shanaya. Nangangawit na ang braso niya pero hindi niya gustong igalaw dahil nakaunan dito ang dalaga at nakasiksik ito sa dibdib n'ya. He smiled cockeyedly. Did he just offered himself to be the rebound guy?
He was out of his mind. Kailan lang ay sinabi niya nang hindi na muna siya papasok sa isang seryosong relasyon. What happened between him and Anya was too painful to handle. Hindi naman niya maaaring sabihin na huwag nilang seryosohin ni Shanaya ang nangyari kagabi dahil dala lang iyon ng kalasingan.
She was a virgin, dammit!
At kung tutuusin ay hindi naman siya lasing. It just happened that the young woman was so beautiful and appealing that he lost his control over himself.
So, what now?
Sa huli ay napilitan siyang hugutin ang braso sa pagkakaunan nito dahil naririnig niyang nag-ba-vibrate ang telepono niyang nakakalat sa kung saang parte ng sahig. Nahawi ang buhok ng dalaga at tumambad ang maganda nitong mukha. She has few freckles on her cheeks, and few on her shoulders. Gusto niyang bumalik sa kama at dampian ng halik ang maputi nitong balikat. Ipinilig niya ang ulo para alisin ang gumaganang imahinasyon. Hindi siya ganito ka-agresibo kahit noon kay Anya. Has he lost his sanity?
Tumuloy siya sa banyo at mabilis na naligo dahil kung hindi siya aalis kaagad ay matutukso siyang angkinin muli si Shanaya. He wasn't a pervert. If that happens, this will be the first time he had s*x with a woman three times in within twelve hours.
Pero paglabas niya ng banyo at hanggang sa nakapagbihis ay hindi niya nagawang itapak ang mga paa palabas sa silid niya. Hindi niya gustong isipin nito na tinatalikuran niya ang mga sinabi niya kagabi. O na pinagsamantalahan lang niya ang kahinaan nito.
Kinuha niya ang telepono sa bulsa ng pantalon at nakitang si Ethan ang tumatawag. Kailangan niyang magtungo sa opisina nang maaga para sa meeting.
"On the way ka na ba? Baka ma-late ako, ikaw muna ang makipag-usap kina Mr. Versoza."
"Okay. I'll be there in an hour."
Mabuti na lang dahil malapit lang ang hotel sa Albano Corp. Pero hindi niya alam kung paano gigisingin si Shanaya. Nang sa palagay niya'y mali-late na siya sa usapan nila ni Ethan ay nagpasya siyang umalis na sa silid.
Sa opisina ay hindi niya pa rin maalis sa isip si Shanaya. Nang matapos ang meeting ay nagpaalam siyang babalik muna sa hotel.
"Dalawang araw ka nang nasa hotel, hindi naman kailangang bantayan 'yun araw-araw," sita ni Ethan na tila may pakahulugan. Napangiti siya habang naiiling.
"May bakante ba sa opisina mo na kailangan ng staff?"
"Why? Who needs job?"
"Kakilala ko lang."
"Hmmm... What's her name?"
"Shanaya. Shanaya Ricafort."
"Saan nakatira? Why do I have this feeling that she's more than just an applicant?"
Muli siyang napangiti dahil alam niyang hindi siya titigilan ng pinsan.
"I made a stupid decision last night. Though I haven't regretted it, it was still stupid. I think," wika niya. Napakunot ang noo ni Ethan sa sinabi niya.
"What is it?"
"Alam mo ba 'yung minsan gusto mong magpa-impress sa babae?"
"Wheeew... So, naka-move on ka na kay Anya, huh... Finally..."
Gusto niyang salungatin ang sinabi ni Ethan pero kung babalikan niya ang unang araw na nakatagpo niya si Shanaya, minsan lang sumagi sa isip niya si Anya. That was his first glance at her. Nang makita niya ang pagkakahawig, pagkatapos ay nawala rin. From then on, Anya didn't enter in his mind anymore.
It was always Shanaya.
"So, what's that stupid thing you did? Nangungusap ang mga mata mo, Danzel. Are you sure you are not in love?"
"No!" he exclaimed. "That's impossible. I just met her two or three days ago."
"Ano nga ang ginawa mo?"
"I asked her to be my girl."
"E di in love ka nga! I don't think that's stupid. Masyado ka lang nagmadali."
"I think kagagaling lang niya sa break up. And then I offered to be the rebound guy."
"What?! That's crazy!"
"I know. And stupid, right?"
"She must be very beautiful. Bakit naghahanap ng trabaho?"
"Kagagaling lang niya sa Australia. She's half Australian and half Filipina. I don't know if she's staying so I offered her a job."
"I don't know if it's the wise move to do. Hindi mo pa siya lubusang kilala. Paano kung isa siyang oportunista? I mean, it's hard to trust people at this time. Look at what Anya did to you."
Isang buntunghininga ang pinakawalan niya. Nagpadalos-dalos siya sa desisyon niya -- just because he felt that strong attraction.
"Right..."
"Take it slow, bro. Baka hindi ka pa lubusang nakaka-move on kay Anya kaya ka nagmamadali na magkaroon ng karelasyon. Siya pala ang rebound girl."
Hindi siya umimik. Naguguluhan siya sa damdamin niya. Siguro nga'y kailangan niyang maghinay-hinay. Ang pangako niya sa sarili ay hindi na magpapaloko sa sinumang babae.
Tumunog ang telepono niya at nakitang ang receptionist ng hotel ang tumatawag.
"Yes, Riza?"
"Sir, hindi na daw po tatapusin ni Miss Ricafort ang isang linggo niyang pag-stay sa Cabana Room. Ibabalik ko ho ba ang bayad ng araw na hindi niya nagamit?"
Bumilis ang t***k ng dibdib niya sa ibinalita ng tauhan. Shanaya was leaving him. Napamasahe siya sa noo sa kalituhan.
Should he let her go?
-----
Namimintig sa sakit ang ulo ni Shanaya paggising. Alas otso na ng umaga at kumakalam na rin ang sikmura niya sa gutom. Pero napapikit siyang muli nang mapagtanto na nakahubad siya pero wala na ang lalaki sa tabi niya.
"You're so stupid, Shanaya!" aniya sa sarili.
Nagpadala siya sa kalasingan at sa taglay na atraksyon niya sa lalaki kagabi. Hindi niya alam ngayon kung paano ibabalik ang mga bagay na nawala na.
Matapos niyang maligo at mag-ayos ng silid ay tumanaw siya sa labas. Wala pa ring direksyon ang buhay niya ngayon dito sa Pilipinas at dinagdagan pa niya ng isa kagabi. Nagsisisi siya ngayon kung bakit pumayag pa siyang um-attend sa kasal ng kapatid sa ina. Iba naman pala talaga ang balak ng mga ito sa pagpapauwi sa kanya.
Ibinalik niya ang mga gamit sa maleta at tinawagan ang receptionist sa hotel na aalis na siya ngayong araw. Ang totoo'y nasaktan siya nang mapagtantong nag-iisa lang siya sa silid. The man who promised her comfort last night just vanished like thin air. He even didn't bother to left a single note.
Lagi na lang bang ipararamdam sa kanya na wala siyang halaga?
Habang naghihintay sa room boy na dalhin ang mga maleta niya sa lobby ng hotel ay nakatanaw siya sa malawak at magandang tanawin ng Manila Bay. Hindi niya na maramdaman ang gutom. Ang nararamdaman niya'y ang pananakit ng katawan at pananakit ng damdamin. Hindi niya naiwasang umiyak. Hindi niya nagawang umiyak kagabi dahil sa presensya ng lalaki sa bar. Pero ngayon ay malinaw na ulit sa kanya kung ano ang papel niya sa mundo.
Ang maging tagapag-alaga ni Vivian Valdez.
Narinig niya ang pagbukas ng pinto at pagsara niyon pero hindi siya lumingon. Nakahanda na ang dalawang maleta niya at halos nasa tabi lang ito ng pinto. Ibababa na lang ang mga iyon ng room boy.
"Why are you leaving so soon?"
Her heart beats in thunder as she hears his baritone voice speaks with tenderness. Hindi pa rin siya lumingon dahil lalong rumagasa ang luha niya sa mata. His presence brings peace to her troubled mind. Na para bang kaya siya nitong iahon sa kalungkutang kinasasadlakan niya.
Tumayo ito sa gilid niya kaya't hindi niya na kayang itago ang tahimik na pag-iyak. Lumapit pa ito at kinabig siya sabay nang paghalik sa noo niya. She didn't move. Hindi niya alam kung may dapat na ba siyang asahan mula rito dahil lang sa may nangyari kagabi.
"I'm sorry, I left without notice. May pinuntahan lang akong meeting na importanteng mapuntahan ko kung hindi ay masisisante ako sa trabaho..."
Marahan siyang tumango bagama't nakatingin pa rin sa tubig sa dagat na kumikislap sa sinag ng araw.
"You don't need to say goodbye..." mahina niyang wika.
"Ang sabi ng mga empleyado sa ibaba hindi ka pa raw kumakain. It's ten o'clock, sweetheart... too late for breakfast," wika naman nito na hindi pinansin ang sinabi niya.
Napatitig siya sa lalaki nang nakakunot ang noo. Paano nito nalaman na hindi pa siya bumababa o nagpahatid ng pagkain man lang?
"I work here..." paliwanag naman nito na tila nabasa ang tanong sa isip niya. Isang sarkastikong ngiti naman ang pinakawalan niya.
"How many women you've tried to seduce to take her to bed in this hotel?"
"Before you? I don't remember any. Please believe me... Tulad ng sabi ko kagabi, galing ako sa isang masakit na relasyon. I was never a jerk."
Napilitan siyang ngumiti dahil sa nakikitang sensiridad ng kaharap.
"Let's celebrate our first day as a couple."
"I am leaving today, Danzel. Isa pa, usapang nakainom lang 'yung pag-uusap natin kagabi. Don't take it seriously."
"No," mariin naman nitong tanggi. "Regardless if we were drunk last night, you said yes already."
Hinawakan nito ang kamay niya at iginiya palabas ng silid. Wala siyang nagawa kumg hindi sumunod lang sa bawat hakbang nito. Nang makasakay sila sa elevator ay humawak na ito sa baywang niya sa kabila ng may mga tao silang kasabay roon.