Chapter 6

1467 Words
Hawak pa rin ni Danzel ang kamay ni Shanaya nang makababa sila sa first-class buffet restaurant ng Albano Hotel. Nginingitian niya lang ang mga empleyadong nakakasalubong na nakakakilala sa kanya. Hindi niya alam kung bakit hindi niya sinabi kay Shanaya, na bukod sa dito siya nagtatrabaho, pag-aari ng pamilya nila ang buong Albano Hotel. Ni hindi pa niya nababanggit na Albano ang apelyido niya. "Get everything you want," matamis niyang wika sa dalaga nang iabot niya ang pinggan dito. There are hundreds of international dishes on the menu. Besides wanting to impress to Shanaya, there is that desire inside him wanting to comfort her. Hindi niya alam kung gaano kalalim ang sakit na nilikha ng boyfriend nito para mabanaag niya madalas ang lungkot sa mga mata ng dalaga. Hindi naman ito buntis dahil siya ang unang naging katalik nito, kaya palaisipan sa kanya ang dala-dala nitong suliranin. "Bibitayin na ba ako?" tanong nito na umaliwalas ang ngiti sa unang pagkakataon mula kaninang datnan niya itong naka-empake na. "Mahina ka bang kumain? Well, looking at your slender body, mahina ka nga sigurong kumain." "Malakas naman akong kumain dahil nagwo-work out ako. Pero hindi naman ganito karami na parang huling oras ko na." Natawa siya nang malakas sa kauna-unahang pagkakataon mula nang maghiwalay sila ni Anya. He may laugh once in a while during their meeting with his cousins, pero hindi ang ganito na kahit ang puso niya'y lumulukso sa tuwa. Shanaya was helping him recover and get back to his old self. At gusto niyang ibalik ang pabor. Gusto niya ring makita itong masaya. "If it happens that this is your last meal and you will have just one wish, what would it be?" tanong niya nang magyaya na itong umupo sa iilang putahe na inilagay nito sa pinggan. "That I can go back to Australia and live the rest of my life there..." mahina nitong sagot kasabay nang pilit na ngiti. May bahagi sa puso niya ang nalungkot nang malamang mas gusto nito ang bumalik sa Australia. "Why? What's wrong?" tanong niya. "Bakit hindi ka maaaring bumalik sa Australia?" "It's complicated..." Humugot ito nang malalim na hininga bago nagpatuloy. "Bahagi ng problema ng pamilya ko na hindi ko matalikuran." "I'm sorry... whatever that is..." Yumuko ito at nilaro lang ng kutsara ang pagkain. Hinawakan niya ang kamay nito para pagaanin ang loob ng dalaga. "Are you free today?" "Yes, why?" "Let's put it this way... sasamahan mo 'ko sa trabaho ko habang wala kang pinagkakaabalahan." "What? No. Makakaistorbo lang ako," mariin nitong tanggi. "Please... You'll do me favor if you say yes. Maraming tambak sa opisina ko na kailangan ko ng sekretarya." "Then, hire one. 'Yung kayang i-commit ang buong atensyon at oras sa 'yo." "But I want is you. C'mon... One week," pagpipilit niya. "And then you decide if you want to continue or not." Napangiti itong muli na sumubo ng pagkain habang nag-iisip. "Ni hindi mo nga alam kung maayos ba akong magtrabaho." "Honestly, you are fit to be hired as a manager instead of a secretary." "OA na 'yan, Danzel. Okay, just one week. Para lang malibang ako. But after that, I have to go to my mother's house because she is sick and I need to take care of her." "Ohh... I'm sorry... Ano ang sakit niya?" Isang kibitbalikat ang isinagot nito na umiwas muli ng tingin sa kanya. "Hindi ko pa masyadong natanong dahil sandali lang akong dumalaw doon." "You're not in good terms?" Umiling lang ito saka yumuko kaya't hindi na siya nagtanong pa. Ngayon niya naintindihan lahat ng lungkot na nakikita niya sa mga mata nito. It wasn't because of some jerk or ex-boyfriend. "Okay, let's start today. Pagkatapos nating kumain ipapakita ko ang opisina ko sa 'yo." "Malayo ba rito?" "Hmmm... More than thirty-minute drive." "Okay..." Nang matapos silang kumain ay nagtuloy sila sa Albano Hotel. Padating sa silid niya sa opisina ay nabasa nito ang acrylic custom desk name na nakalimutan niyang ipatago sa sekretarya. "Albano?" Wala siyang nagawa kung hindi ang umamin. "Yes. Pag-aari namin ang Albano Hotel at Albano Air..." he admits apologitically. "Bakit hindi mo sinabi kaagad? You thought that I am a golddigger?" "No, no... please...." agad naman niyang tanggi nang makita ang sarkastikong ngiti sa mukha nito. "Hindi lang ako sanay na ipinangangalandakan ang estado ng buhay ko. I mean... it wasn't necessary, right?" Marahan itong tumango na nilibot ang mata sa kabuuan ng silid niya. "Ilang taon ka na?" "Thirty." "Hmmm... Ilang babae na ang pinaiyak mo?" Isang mahinang tawa ang pinakawalan niya. "What made you think na nagpapaiyak ako ng babae? Just because I am rich?" "C'mon... men like you are every woman's dream. Gwapo, malakas ang s*x appeal, matamis magsalita, maasikaso... at mayaman..." biro nito. Tumaba naman ang puso niya sa mga papuring iyon. "Sad to say, it's the opposite. Babae ang nagpaiyak sa 'kin. I trusted her that much and then she cheated on me and took my money. From that day on, I promise myself that I will never love and trust any woman again." Huli na nang mapagtanto niya ang sinabi. Napatitig si Shanaya sa kanya bago muling inalis ang tingin. "Shall we start?" wika nito pagkatapos na tiningnan ang mga papel sa mesa n'ya. Gusto niyang murahin ang sarili dahil sa katangahan. He made love to her twice and then tells her that he will not allow himself to fall in love again. Stupid. "Ah... Here..." Iniabot niya ang sales report ng mga branches ng hotel para i-check sa computer kung tama ang figures. "No," mabilis nitong tanggi nang makita ang ipagagawa n'ya. "Can I just answer telephone calls? Or file your folders somewhere? Those are confidential." "I trust you." "Kasasabi mo lang na hindi ka na magtitiwala ulit, Danzel." Napipi siya sa sinabi nito at tila napahiya. Hindi niya na alam kung paano babawiin ang sinabi kanina. "Okay, I have few books on the shelf... Baka gusto mong magbasa na lang para hindi ka na rin mapagod," suhestyon n'ya. "That's better," mabilis nitong pagsang-ayon na nagtungo agad sa estante para maghanap ng mababasa. ------ Tahimik lang si Shanaya na nakaupo sa sofa habang hawak ang librong kinuha sa estante kanina. Naging abala na si Danzel sa kabi-kabilang tawag sa telepono at punta sa conference room kapag may mabilisan itong meeting. Gusto niyang umalis na lang para bumalik sa hotel pero hindi ito pumayag. Nagyaya ito ng dinner na kailangan niyang pagbigyan -- only to entertain herself. Wala rin siyang maisip na paraan kung paano papatayin ang oras sa loob na isang linggong bakante s'ya. Ayaw niyang magpunta na sa bahay ni Vivian nang naroon pa si Anya. Kapag ikinasal na ito'y sa bahay na ng lalaki ito titira. Muling sumagi sa isip niya ang sinabi ni Danzel kanina na hindi na ito muling iibig at magtitiwala sa ibang babae. That must be his reason why he didn't mention being an owner of multi-billion company. Kung hindi pa siya sumama sa opisina nito'y hindi niya malalaman. Somehow, she felt insulted. Na pinilit niyang huwag ipahalata. Kung yaman lang naman ang pag-uusapan ay may ipagmamalaki naman ang pamilya niya, hindi nga lang kasingyaman ng mga Albano. Pero hindi niya pinangarap na mag-asawa o makasilo ng mayaman. She's a hopeless romantic. And somehow, from the bottom of her broken heart, she wants Danzel to fall in love with her along the way. Dahil siya'y unti-unti nang nahuhulog ang loob dahil sa ipinapakita nitong pag-aalaga sa kanya. Pero kanina'y isang malaking sampal ang ibinigay nito nang aminin nitong wala itong balak na magmahal pa. At least not to a woman who he had bedded with after picking up in a club. Napailing na lang siya sa mga nangyayari ss buhay niya. Sa kagustuhan niyang magrebelde sa tatay at nanay niya, napabayaan niyang ingatan ang sarili. Sino pa ang magmamahal sa kanya ngayon kung naipagkaloob niya na ang sarili sa lalaking nakilala lang sa club? Napatitig siya sa librong hawak na ang pamagat ay 'Stranded With Mr. Billionaire'. It was a story of a young woman who lost and found a rich guy in the middle of the sea. The heroine fell in love with the hero. However, the hero left the heroine because he thought she was a golddigger. Hindi niya alam kung bakit siya naka-relate kaagad sa bidang babae. Tila nasa kalagayan din siya na na-stranded sa isang sitwasyong wala siyang makapitan kung hindi si Danzel. Hindi dapat mahulog ang loob niya, kung hindi ay matutulad siya sa babaeng nasa libro na mabibigo lang sa huli. Kapag nagkagayon ay mapipilitan siyang bumalik na lang sa Australia kahit pa mag-away sila ng Papa niya. She doesn't want to be stranded and hopeless. Bukas ay magsisimula na siyang iwasan na lang si Danzel kung ayaw niyang masaktan lang sa huli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD