"Mauuna na 'ko. Tawagan mo 'ko kapag nagkaproblema kayo sa ospital," narinig niyang wika ni Ian kay Shanaya. Nakasandal silang pareho ni Shanaya sa dingding pero magkalayo. Mas malapit si Ian dito. Bahagya siyang nakatingala at sa kisame lang nakatingin. Blanko ang isip niya pero may kirot sa puso niya. "Salamat, Ian. Nandito na si Danzel at mamaya ay nandito na rin ang kapatid ko," narinig niyang wika ni Shanaya kay Ian. Dumaan ang doktor sa harap niya pero hindi niya ito tiningnan. Nanatili namang nakatingin si Shanaya sa pinto ng ICU na tila ba gusto nitong pumasok ulit para puntahan ang ina. Lumapit siya at kinuha ang kamay nito. "How is she?" mahina niyang tanong. "Wala pa siyang malay. The doctor said she needs to wake up within twenty four hours. Kung hindi ay..."

