Alas singko pa lang ng umaga nang maramdaman ni Shanaya na bumangon si Danzel mula sa kama. Walang tawag mula kay Anya o sa katulong kung kumusta na ang Mama niya sa ICU. Mabigat ang katawan na napilitan siyang bumangon para kuhanin ang telepono sa bag at tinawagan ang katulong. "Pinauwi na po ako ni Ma'am Anya kagabi pagkaalis niyo," sagot nito na ikinalungkot niya. Nanatili siyang nakatingin sa labas habang blanko ang isip. "Masyado pang maaga, bakit bumangon ka na?" tanong ni Danzel nang lumabas mula sa banyo. Kasalukuyan pa lang nitong pinupunasan ng twalya ang basang buhok dahil sa maagang pagligo. "Kumusta na kaya si Mama? Pinauwi din daw pala ni Anya si Manang kagabi." "Don't worry, we'll go there later. Gusto mo bang mag-breakfast ng ganito kaaga?" "Can you call Anya?"

