Chapter 31

1708 Words

Tatlong araw lang ibinurol si Vivian dahil na rin sa desisyon ni Homer at Anya. Gusto man niyang makasama pa nang matagal ang ina ay wala siyang boses kapag ang dalawa ang nagdesisyon. Nakapagtataka na hanggang sa libing ng ina ay hindi niya nasilayan ang mukha ni Gerald. Matapos kuhanin ang lahat ng gamit niya sa bahay ni Vivian ay nagpaalam na si Shanaya sa kapatid na si Anya. "Tumawag ang abogado na dadating ngayong araw para sa pagbabasa ng last will and testament ni Mama," matabang na wika nito. "Bukod sa bahay na 'to na pag-aari ng mga magulang ko, hindi ko alam kung may dapat pang ipagbilin ang Mama na kailangan pa ang presensya mo." "Kung ganun ay hindi na ako sasama sa pag-uusap niyo. Gusto ko na rin namang makabalik sa normal naming buhay," sagot din niyang walang emosyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD