Muling umupo si Shanaya sa kama dahil sa nanginginig na tuhod. Si Danzel ay nanatiling nakatayo sa may balkonahe. Inaasahan niyang yayakap ito dahil kailangan niya ang dampi ng balat nito sa balat niya para sa kung anuman. She needed someone to hold on to. Masyadong mabigat ang mga rebelasyon ni Vivian sa sulat. Masyado ring mabigat ang responsibilidad na hinihingi nito sa kanya dahil magkakaroon na rin siya ng sariling anak. But Danzel remained standing and silence ruled for a while. Muli niyang hinalungkat ang maliit na kahon at nakita roon ang ilang piraso ng alahas na nakabalot sa malambot at pulang tela. Naroon ang isang mamahaling kwintas at iba pang alahas na ibinigay sa kanya ni Vivian noon bago siya nagdesisyon na magtungo sa Australia. She decided to return all the jew

