Maagang gumising si Shanaya kinabukasan dahil gusto niyang dalawin ang Papa niya sa suite ng hotel na tinutuluyan nito. Wala na ang Mama niya at wala nang dahilan para magmukmok, umiyak, at magluksa. Gusto niya nang tapusin ang madilim na bahagi ng buhay niya. "Ihahatid kita roon pero susunduin kita mamaya pagtapos ng trabaho ko sa opisina," ani Danzel na sumasabay sa kilos niyang nagmamadali. "You don't have to. May driver naman para ihatid ako sa hotel." Sandaling lumingon si Danzel sa kanya. Nang patuloy pa rin siyang umiwas na salubungin ang mga mata nito'y tumayo ito sa harap niya. "Do you want to walk away from me?" "Hindi naman sa gano'n." "Gusto mong huwag ko na lang intindihin ang bata? Fine! Forget that Vivian even left that letter for you." "Hindi 'yon ang ibig ko

