bc

Nakaw (Concubine Series)

book_age18+
934
FOLLOW
10.9K
READ
bitch
drama
bxg
heavy
realistic earth
affair
like
intro-logo
Blurb

Anak sa labas si Margherita dahil kabit ang nanay niya ng kaniyang ama.

Lumaki siyang binu-bully ng mga kakilala nila at laging sinasabi na matutulad lang siya sa kaniyang ina.

Bagay na isinumpa niyang kailanman ay 'di mangyayari sa kaniya.

Ngunit nakilala niya si Fynn, isang pamilyadong lalaki na nanakawan niya ng kaligayahan sa piling ng asawa't anak nito.

Hanggang sa’n nga ba aabot ang bawat nakaw na sandali ng kanilang relasyon?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Putok sa buho!” “Putok sa buho!” Nasaksihan ko ang pambu-bully ng mga batang lalaki sa isang batang babae at ako ang nasasaktan para sa kaniya. Apektado ako sa mga naririnig na mga pangit na salita dahil isa akong anak ng kabit. Hindi alam ni nanay noon na may asawa’t anak ang tatay ko nang mahalin niya. Nalaman na lamang niya ang totoo nang sinabi niya kay tatay na buntis siya. Sa umpisa’y ‘di matanggap ni nanay ang sitwasyon na kinasuungan niya, ngunit pinangakuan siya ni tatay na mananatili silang pamilya kahit panakaw na sandali. Umasa si nanay sa pangako ng aking ama kung kaya pumayag siyang ituloy ang pagbubuntis alang-alang sa pagmamahal niya rito. Nakaw na sandali kung magsama ang mga magulang ko. Sinusustentuhan ni tatay ang lahat ng pangangailangan namin ni nanay kaya naging maganda kahit pa'no ang buhay namin sa loob ng labindalawang taon. Ilang buwan matapos na ‘di magpakita si tatay sa amin, pinuntahan siya ni nanay sa kanilang mansion. Nalaman ni nanay na may sakit si tatay kaya namasukan siya bilang katulong sa tunay na pamilya nito upang maalagaan. Inalagaan ni nanay ang aking ama mula sa kaniyang sakit at ako naman ang pinabayaan. Dakilang martir kung tawagin si nanay ng mga kapatid niya dahil mas pinili pa raw mamasukan sa bahay ng tunay na pamilya ni tatay bilang katulong kaysa humingi na lamang ng sustento. Walang pakialam ang ina ko sa kahit na anong salitang ibinabato sa kaniya ng ibang tao kahit pa nga nanggagaling iyon sa mismong bibig ng mga kapatid niya. Naiwan ako sa pangangalaga ng balahura kong tiyahin kaya naman sa aking murang isipan ay tumatak na ang sama ng loob sa puso’t isipan ko para sa ama’t ina ko. Sa bawat araw na nagdaan, kasama ng buhay ko ang pambu-bully sa akin ng ibang tao. Nagmumula rin naman mismo sa bibig ng mga kamag-anakan ko kaya ganoon din ang turing sa akin ng iba. Palagi nilang sinasabi na matutulad lamang ako kay nanay na isang kabit at dakilang martir. Kaya ipinangako ko sa sariling hindi ako tutulad kay nanay na palagi na lamang aasa sa bawat nakaw na sandali. Sa ilan taong pamamasukan ni nanay bilang katulong sa mansion nila tatay ay nakalimutan na rin niya yata ako bilang anak. Mas pinipili pa niyang manatili sa tabi ng aking ama kaysa ang makasama ako. Naaalala lang ako ni nanay sa tuwing magpapadala siya ng pera at kung may espesyal na okasyon siyang kailangan daluhan sa’kin na bibihira pang mangyari dahil mas kailangan daw siya ni tatay sa tabi nito. Lahat ng mga perang ipinapadala sa’kin ni nanay ay ginamit kong pundasyon upang makapagtapos ng pag-aaral kahit na two year course lamang. “Isusumbong ko kayo sa daddy ko!” humihikbing wika ng batang babae na siyang nagpabalik sa lumilipad kong diwa. “E ‘di magsumbong ka!” mapang-asar na sagot ng payatot na batang lalaki. “Putok sa buho ka naman talaga, a!” sigaw naman ng matabang batang lalaki. Hindi ako nakatiis, nilapitan ko ang mga bata saka sinaway ang mga mapang-asar na batang lalaki. “Alam niyo ba na masama iyang ginagawa ninyong pambu-bully sa kaniya?” patanong kong bulalas sa mga batang lalaki. “Putok sa buho naman talaga siya, Ate,” sagot naman sa’kin ng payatot na batang lalaki. “Wala nga siyang mommy,” segunda naman ng matabang batang lalaki. Muling umiyak ang batang babae kung kaya nilapitan ko siya upang aluin. “Tama na ‘yan!” saway ko sa mga batang lalaki. “Hindi kagandahan sa mga lalaking tulad ninyo ang nang-aasar ng babae.” Humaba ang nguso ng mga batang lalaki sa aking sinabi. “Humingi kayo ng sorry sa kaniya. Hindi maganda ang ginawa ninyo,” patuloy kong sermon sa mga bata. “Ayoko!” mabilis na bulalas ng payatot na batang lalaki sabay takbo palayo. Agad na sumunod ang matabang batabg lalaki sa pagtakbo palayo sa amin kung kaya napabuntonghininga na lamang ako sa kanilang mga inasal. “Hayaan mo na lang sila. Siguro may gusto lamang ang isa sa kanila sa’yo kaya ka nila inaasar. Gusto lang nilang magpapapansin sa ‘yo kaya ganoon,” nakangiting wika ko sa batang babae na patuloy na umiiyak. Inayos ko ang nililipad niyang buhok saka tinuyot ng mga daliri ko sa kamay ang kaniyang mga luhang patuloy lamang sa pag-agos. “Isusumbong ko po sila kay Daddy, palagi na lamang nila akong binu-bully,” humihikbing sumbong niya sa’kin. “Hindi naman siguro totoo ang mga sinasabi nila sa iyo kaya huwag mo na lamang pansinin,” payo ko naman sa bata upang hindi na lumala pa ang gulo sa pagitan nila ng mga batang lalaking nam-bully sa kaniya. “Kasalanan talaga 'to ni Mommy!” patuloy sa paghikbing wika nito na may halong galit sa kaniyang tinig. “Bakit naman naging kasalanan ng mommy mo?” tanong ko pa dahil sa patuloy na pagbanggit niya sa kaniyang ina. Umandar tuloy ang pagkatsismosa ko! “Iniwanan niya kami ni daddy at sumama siya sa ibang lalaki,” tugon naman sa’kin ng batang babae. Napasinghap ako sa kaniyang sinabi at hindi ko tuloy malaman kung ano ang aking isasagot. Lumuhod ako sa kaniyang harapan kaya nagtama ang aming mga mata. “Dear, huwag mong sabihin iyan at baka mamaya ay hindi naman pala totoo iyan.” “Si yaya nga po ang nagsabi sa’kin niyan,” patuloy sa paghikbing tugon sa’kin nito. Pinagmasdan ko ang batang babae at nakita ko ang paghihirap ng kaniyang kalooban. Nakaramdam ako ng awa para sa kaniya kaya kinabig ko siya upang yakapin ng mahigpit. “Paniwalaan mo ang sinasabi ng daddy mo dahil siya lang ang higit na nakakaalam ng totoong kwento tungkol sa pamilya ninyo.” Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang kaisipang iyon pero naniniwala akong ang daddy lamang niya ang tanging makasasagot sa lahat ng kaniyang alalahanin. “Bakit umiiyak ang baby princess ko?” Narinig kong tanong ng baritonong tinig mula sa aking likuran. “Daddy!” humihikbing bulalas ng batang babae sabay paalis na tumakbo mula sa akin. Nilingon ko ang tinawag na daddy ng batang babae at muntik nang malaglag ang panga ko dahil sa’king nasilayan. Matangkad, gwapo, mala-adonis ang pangangatawan, at higit sa lahat makapigtas panty ang taglay na kakisigan ng lalaki. “Daddy, inaaway po nila ako.” Humihikbing sumbong ng batang babae sa kaniyang ama. “At sino naman ang umaway sa baby princess ko?” malambing na tanong ng lalaki sa batang babae sabay tingin nito sa aking gawi. Wala sa sariling napakagat labi ako sabay lunok ng laway dahil sa naisip na baka isipin nitong ako ang nang-aaway sa batang babae. “Hindi ako ang nang-aaway sa anak mo,” agad kong depensa para sa sarili nang matiim na tumitig sa’kin ang lalaki. Muntik ng tuluyang mapigtas ang suot kong panty dahil sa simpatikong pagngiti nito sa’kin. “Sh*t! ” asik ko sa sariling isipan. “Sana lahat ng daddy, kasing-yummy niya lang!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook