“Nagsasawa ka na ba sa buhay mo, Leo?” matalim ang mga matang tanong ko sa kaniya. “Bakit naman ako magsasawa gayong nakita na kita.” Pinapungay naman niya ang kaniyang mga mata. Gusto kong lapitan at sampalin si Leo ng sa gayon ay matauhan, pero hindi naman ako makaalis-alis sa aking kinatatayuan dahil sa higpit ng kapit ng kamay ni Fynn sa aking katawan. “Alam mo Leo na hindi ako pwedeng magkaroon ng anak,” aniko at hindi na maiwasang mainis sa lalaki. Ang lakas ng sapak! Ako pa talaga ang napili niyang pagtripan. “Hindi ka naman baog Margherita para hindi magkaanak,” patuloy si Leo sa pagpupumilit ng kaniyang maling salita. Kung nakamamatay lang ang tingin ko malamang kanina pa bumulagta si Leo sa sahig. Nakukunsuming tumingin ako sa anak niyang panay pa rin ang iyak at walang i

