Chapter 4

1301 Words
It all happened in a flash. Suddenly and out of nowhere, I found myself staring into his eyes. Naramdaman ko ang paglingkis ng isa niyang braso sa’king baywang at saka kinabig ako papalapit sa kaniyang katawan. Higit pala siyang gwapo sa malapitan at talaga nga namang ang mga labi niya ay nakatutuksong halikan. Humahampas sa mukha ko ang init ng kaniyang hininga na nagdudulot ng kakaibang kilabot sa aking pakiramdam. Nahigit ko ang paghinga at naipikit ang mga mata ko nang lumapat ang kaniyang labi sa’king labi. Langhap na langhap ko ang bango ng kaniyang hininga at tila dinadala ako niyon sa kakaibang mundo. Mundo kung saan kaming dalawa lamang ang tao at napalilibutan pa ng magandang tanawin ng paligid. Para namang yelong unti-unting nalulusaw ang katatagan ng mga tuhod ko dahil sa matinding dulot ng sensasyon. Nadama ko ang mahinang pagpisil ng mga palad ni Fynn sa magkabilaan kong baywang. Minulat ko ang mga mata at nasilayan ko ang paglitaw ng mapuputi niyang mga ngipin nang ngumiti siya sa’kin. Ngiting kayang-kayang magpalaglag ng suot kong panty sa anumang sandali. Ewan ko ba, bagong bili naman lahat ng panty ko pero pagdating kay Fynn, lagi na lang din lumuluwang ang mga garter niyon. Mukhang kinakailangan ko na yatang bumili ng maraming perdible! “Margherita!!!” Napakurap-kurap ako sa mga mata ko nang marinig ang nakakatuliling na tili ni Atasha. Mula sa magandang panaginip bigla na lang akong nagising. Parang bulang bigla na lamang naglaho ang lahat kahit pa nga pinipilit kong muling ipikit ang mga mata ko. Saklap! “Ano ka ba naman Margherita, ang tirik-tirik ng araw natutulog ang diwa mo!” asik sa’kin ni Atasha. Si Atasha ay kasamahan ko sa trabaho at natatanging kapitbahay namin na siyang kinakausap ko sa aming lugar. “Ano na naman bang problema mo, Atasha?” salubong ang mga kilay kong tanong sa kaniya. “Kanina pa kita kinakausap pero wala ka namang sagot!” inis niyang tugon. Bigla kong naalala na mayroon nga pala siyang ikinukwentong bastos na lalaking nakabanggaan niya sa daan. Hindi ko na masyadong nabigyan ng pansin ang detalye nang ikinukwento ni Atasha sapagkat lumipad na ang isipan ko kay Fynn, pagkasabi pa lang niyang gwapo ang bastos na lalaki. Si Fynn pa lang naman ang nakikilala kong gwapo at the same time ay may anak na cute. In short, yummy daddy! Pero hindi naman siya bastos na lalaki kagaya ng nasa kwento ni Atasha. “Santisima, Margherita!” Napangiwi ako nang lumagapak ang palad ni Atasha sa’king noo. “Masakit, Atasha!” nakaingos kong bulalas. “Masasaktan ka talaga dahil hindi mo binibigyan pansin ang mga sinasabi ko sa iyo!” mataray niyang tugon. “Grabe ka! Bakit sa palagay mo ba ‘di ako nakikinig sa iyo?” Kunwari ay nagtatampo kong tanong saka pilit na nilungkutan ang tinig ko para makonsensiya siya. “Atasha!!!” malakas kong hiyaw ng pinong kinurot niya ako sa braso. “Diyan ka na nga!” Nagdadadabog na umalis sa harapan ko si Atasha. Napailing na lang ako ng ulo habang pinagmamasdan ang papalayong bulto ng katawan ng kaibigan. Kung minsan talaga ay nakakainis siya, kung minsan naman ay okay. Depende na lang talaga sa kung ano ang trip niya! “Haist!” Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko saka tumayo mula sa pagkakaupo upang iunat ang mga braso kong nangangalay. Pinagmasdan ko ang trabahong hindi ko pa natatapos gawin dahil na rin sa pakikipagkwentuhan kay Atasha. Kung minsan ay lihim akong naiinggit sa kaniya dahil higit na mataas ang position niya sa’kin kahit pa nga ako ang naunang pumasok dito sa opisina. Ginawa kasing basehan ng kumpanya ang level ng edukasyon na natapos kaya hindi ako nasali sa mga tauhang na-promote. Sa umpisa ay hirap na hirap akong tanggapin iyon sapagkat hinangad ko rin maupo sa position ni Atasha noon. Ngunit hindi nagbago si Atasha nang pakikitungo sa’kin kahit na medyo nanlamig ako sa kaniya. Bagay na unti-unti kong napagtanto sa sarili kung kaya inihingi ko iyon ng tawad sa kaniya. Simula noon ay naging magkaibigan na kami kahit pa nga kung minsan ay ‘di pa rin maiwasang magkaroon ng competition sa pagitan namin dalawa. Hindi na namin binibigyan pansin ni Atasha ang mga pagkakataong iyon sapagkat napatunayan na namin sa isa’t isa na wala kaming masamang tinapay sa bawat isa. “Margherita!” tawag sa’kin ni Lina. Nginitian at kinawayan ko pa ang kaibigan na humahangos sa paglapit sa’kin. “Kumusta ka na, Lina?” masayang tanong ko sa kaibigan. “Hindi mabuti sapagkat ang pinsan mo ay gusto nang magpakamatay!” hingal na hingal na wika ni Lina. Nanlaki bigla ang mga mata ko nang marinig ang kaniyang sinabi. Simbilis ng ipo-ipong hinila ko siya sa kamay upang lumabas ng gusali. “Awat muna, Margherita!” Hinihingal na pigil sa’kin ni Lina habang pilit akong pinahihinto sa paglalakad. “Hindi pwede! Baka mamatay ang pinsan ko!” bulyaw ko sa kaniya. “Mabubuhay nga ang pinsan mo, ako naman ang mauunang mamatay!” pabulyaw niya ring tugon. Natigilan ako sa winikang iyon ni Lina kasabay nang dahan-dahan kong pagharap sa kaniya. Haggard na haggard ang kaniyang anyo na parang dinaanan lamang ng malakas na ipo-ipo. “A-anong nangyari sa iyo?” utal kong tanong. Gusto ko sanang matawa sa kaniya pero nanaig ang awa ko dahil sa sambakol niyang itsura. “Jusmiyo! Nagtanong ka pa gayong ikaw naman ang may kagagawan,” nakasimangot niyang tugon. “Pa’nong ako?” maang kong tanong sa kaniya. “Alam mo namang kadarating ko lang dito sa opisina tapos bigla mo akong hihilahin pabalik sa iyong pinsan!” Patuloy niyang reklamo. “Hindi ba pwedeng pagpahingahin mo muna ako kahit sandali?!” “Huwag ka nang magpahinga! Kinakailangang tayo ni Pamela bago mahuli ang lahat!” “G*ga! Pinagsabihan ko na siya noon na huwag nang pumatol sa tsonggong iyon... pero nagpatuloy pa rin!” galit nitong pagpapatuloy. “Hayaan mo na. Na-inlove kaya wala tayong magagawa.” Muli ko siyang hinila upang makaalis na kami. Papalabas na sana kami ng pintuan ng gusali ng may taong sumigaw mula sa department na pinanggalingan ko. “Margherita, saan ka pupunta?!” Dahan-dahan kong nilingon si Atasha na siyang sumigaw sa pangalan ko. “Kinakailangan ko munang umuwi Atasha dahil mayroong emergency sa bahay,” sagot ko sa kaniya. “Si Pamela?” tanong niya sa’kin. Tumango ako bilang pagtugon. Alam ni Atasha na mahalaga sa’kin si Pamela. Itinuring ko na itong kapatid kahit pa nga masama ang ugali ng mga tunay nitong kapatid sa’kin. Si Pamela na lang ang itinuturing kong kakampi sa buhay lalo na noon tuluyan akong iniwan ni nanay upang manatili sa tabi ng aking ama. “Paano ka aalis kung iiwan mo itong bag mo?” Itinaas ni Atasha ang kamay niyang may hawak sa bag ko. “Ay tanga!” bulalas naman ni Lina dahilan para batukan ko siya. “Aray! Ang bigat talaga ng kamay mo, Margherita!” asik pa niya sa’kin. “Kasalanan mo kasi ito!” ganting asik ko. “Kasalanan ni Pamela!” hindi nagpapatalong wika niya. “Huwag na kaya kayong umalis!” untag naman ni Atasha na nakalapit na pala sa amin. “Hello, Ladies!” Naagaw ang atensyon naming tatlo ng mayroong baritonong boses ang bigla na lamang nagsalita. “Ang gwapo niya talaga!” kinikilig na sambit ni Lina. “Good morning, Sir!” bati ni Atasha sabay yukod upang magbigay galang. “Hi, Margherita!” puno ng lambing na bati sa ‘kin ni Fynn. Nakagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi sabay lunok ng laway dahil sa simpatikong ngiti ni Fynn. Parang napigtas tuloy ang tali ng suot kong T-back panty kaya pasimple ko iyong hinawakan. Pero teka nga, kailan pa ako nagsuot ng T-back panty?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD