Amir's POV Kaguluhan nila Miss Locasta ang unang narinig ko nang muli akong magkamalay-tao. "Prinsipe Amir?" dinig kong tawag sa akin ni Miss Locasta nang unti-unti kong igalaw ang katawan ko. Idinilat ko ang mga mata ko. Nasa gate kami ng Madita Academy. Nakaunan ako sa binti ni Miss Helia na nakita kong umiiyak. Nang dalhin siguro ako dito ay sa kanya agad ako dinala para magamot ako. Mabuti at napabuhay niya akong muli. "Utang ko ang buhay ko sa iyo, Miss Helia," puri ko sa kanya. "Ayos ka na ba?" tanong ni Miss Helia na tila gulat na gulat. "Oo," matipid kong sagot at saka ko nakita na nagpunas siya ng luha sa kanyang mukha. Napatingin ako sa buong paligid. Halos lahat ata ng student at guro ng Madita Academy ay nasa paligid ko habang umiiyak. Bumangon na ako. Hinawakan ko ang

