Chapter 59 - Sun ring

1975 Words

Amir's POV Nang mawalan ng malay-tao si Dia ay agad ko siyang sinalo. "Kaibigang hangin, inuutusan kitang dalhin mo muna si Dia sa Madita Academy ng palihim," bulong ko kaya biglang lumutang sa hangin si Dia at saka ito inilipad palayo sa akin. "Patawarin mo ako sa gagawin ko, mahal ko," bulong ko habang nakikita kong palayo na siya nang palayo sa akin. Nang hindi ko na siya matanaw ay inumpisahan ko na ang plano ko. Humarap na ako sa nakabukas na bintana ni Drimon. Agad kong pinatay ang ilaw ng itim niyang kandila sa kwarto niya. Ito ang panimula ko para tawagin siya. Hindi ako nagkamali dahil isang malakas na galit na sigaw ang nadinig ko mula sa bintana ng kwarto ni Drimon. Alam kong siya iyon. Naramdaman ko agad na yumanig ang kalupaan. Sinadya kong magpakita na sa kanya dahil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD