Dia's POV Pag-uwi namin sa Madita Academy ay pinasuri namin si Erson kay Miss Helia. Nalungkot siya dahil hindi na niya kayang magpalabas ng kapangyarihan na ginawa niya kanina sa karwahe. Nang pilitin niya ang sarili niya sa harap ni Miss Helia ay bigla siyang nahimatay. "Trial lang siguro ang nangyari kanina," sabi ni Miss Helia. "Siguro nga po," sagot ko habang nakaupo sa tabi ni Erson. Hawak-hawak ni Daphne ang kamay ni Erson na tila alalang-alala rito. "Maganda sana kung tuluyan na siyang magkakaroon ng kapangyarihan. Maari natin siyang mapakinabangan kapag nagkataon na magkaroon na nga siya ng sarili niyang kapangyarihan," sabi ni Daphe na tuwang-tuwa ngayon. "Maaring trial, maaring hindi. Pag-aaral pa natin siya. Pero may chance pa rin na magkaroon siya ng kapangyarihan kung m

