Dia's POV
Nagpunta ako sa garden shop na may mabibilhan ng sari-saring seeds ng mga fruits and vegetables. Maraming akong binili roon na sari-saring buto na sa tingin ko ay ikakatuwa nila. Pagkatapos ay tumungo naman ako sa tindahan ng mga hayop. Bumili ako ng manok at baboy. Dalawang pares, para sila na ang magpaparami roon sa bayan ng Elenor. Umuwi muna ako sa bahay namin para iuwi ang mga nabili ko. Pagkatapos nun ay umalis ulit ako para pumunta naman sa ukay-ukay. Bumili ako ng dalawang sako ng mga damit doon. Naghanap din ako ng murang makina na pwedeng magamit para makapanahi sila ng mga damit doon. Nakabili ako ng dalawang makina na saktong-sakto lang sa presyo na hinahanap ko. Ang lahat ng binili ko ay para sa mga taga Elenor. Tutuparin ko ang pinangako ko sa sarili ko na gagawin kong mas madali na ang pamumuhay nila roon.
Pag-uwi ko ay agad ko nang inaya si Venuss para bumalik sa bayan ng Elenor. Pumitas ulit ako ng isa niyang dahon sa kanya at umilaw na agad ang puno ng atis sa hardin ko. Pagbalik namin sa bayang ng Elenor ay halos gulat na gulat ang mga tao roon sa mga dala-dala ko.
Sinalubong nila ako na nanlalaki ang mga mata. "Saan mo kinuha ang mga dala mo?" gulat na gulat na tanong ni Liya. Hindi sila makapaniwala.
"Simula ngayon ay magiging maayos na ang pamumuhay niyo. Ituturo ko sainyo ang mga mas madaling paraan para makakuha kayo ng pagkain." Bago ang lahat ay inutos ko na muna kay Liya na ipamigay sa mga kasamahan namin ang dalawang sako ng damit na binili ko sa ukay-ukay. Pinaubaya ko naman kay Lolo Parag ang mga manok at baboy na binili ko. Alam na nila kung paano ito aalagan kaya wala na akong problema roon.
"Sino ang maari kong bigyan ng mga makina ng kayang gumawa ng mga damit?" tanong ko kay Liya. "Huwag mo ng alalahanin 'yan. Ako na ang bahala," sagot niya kaya sa kanya ko na binigay ang dalawang makina at ang isang damakmak na mga sinulid.
Habang masaya at nagkakagulo ang lahat ay inakaya ko si Lolo Parag at si Liya sa loob ng kubo ko. Doon ko pinaliwanag sa kanila ang lahat-lahat para hindi na sila mag-isip pa nang kung anu-ano.
"Ibig sabihin ay sa mundo niyo galing ang mga dala mo?" nanlalaking matang tanong ni Liya.
"Tama," maikli kong sagot.
"Ngunit paano? Ang pagkakaalam ko ay hindi naman kayang gawin 'yan ng isang halaman na ghost plant? Kailanman ay hindi pa namin nasusubukan na gumawa ng portal gamit ang mga ghost plant namin," tanong ni Liya na gulong-gulo ang isip.
"Dahil variegated ang ghost plant ko," sagot ko sa kanya. Napatingin sila parehas sa halaman ko. Sinuri pa nila itong mabuti. "Ngunit parang wala naman atang pinagkaiba ang ghost plant mo sa mga ghost plant namin dito," saad pa ni Liya.
"Alam kong sasabihin niyo 'yan. Kapag nandito kasi kami sa mundong 'to ay normal na ghost plant lang siya. Pero 'pag nasa mundo naman kami ng mga normal na tao ay nagiging variegated siya. Nag-iiba siya sa magka-ibang mundo," paliwanag ko kaya naliwanagan na rin sila.
"Alam mo, suriin mong mabuti ang halaman mo. Kapag napatunayan mo sa amin na variegated ang ghost plant mo ay maari kang makapag-aral sa Madita Academy. Doon ka na nabibilang sakaling mangyari 'yan dito sa mundo namin," saad bigla ni Lolo Parag na kinatuwa ko. Iyon ang gusto kong mangyari.
"Kapag variegated kasi ang succulent plant na alaga ng isang tao sa mundong 'to ay maaring malakas ang kapangyarihan na maibigay sa 'yo nito o marami itong kapangyarihan na puwedeng ipagkaloob sa 'yo. Kaya naman ang mga ganitong klaseng succulent plant ay mas madalas na tinatanggap sa Madita Academy. Tinutulungan ng Madita Academy ang taong may alagang variegated na halaman para hubugin at palakasin ang taong nagmamay-ari no'n," saad ni Liya. Natuwa ako sa nalaman ko sa kanila. May chance na makapasok ako sa Madita Academy. Kapag nangyari 'yun ay maari akong humingi ng tulong sa kanila para sagipin si Mama sa mga taga-Utricularia.
"Sana nga maging variegated na rin dito ang ghost plant ko. Para mailigtas ko na si Mama sa mga taga-Utricularia."
Pagkatapos ng pag uusap namin sa kubo ko ay pinulong-pulong ko naman ang ilang mga kalalakihan sa labas. Pinakita ko naman sa kanila ang mga buto ng mga gulay at prutas na binili ko sa mundong kinalakihan ko. Pinaliwanag ko sa kanila ang bawat pangalan ng buto. Ayon kay Lolo Parag ay tamang-tama dito ang mga dala kong mga buto. Mahiwaga raw kasi ang lupa rito sa bayan ng Elenor. Kapag nagtanim ka raw ng kahit anong buto ng gulay o prutas sa kahit saan na lupa rito ay agad 'tong lalaki at mamumunga. Bagay na kinakainggit daw ng mga taga-Madita at Utricularia. Kung kaya nga lang daw ng mga 'to na nakawin ang bayan ng Elenor ay ginawa na nila. Kaya lang, sa sobrang busy nila sa kani-kanilang pagpapalakas ng hukbo ay 'di na nila masingit na manakop ng bayan dahil siguradong pag ginawa ng isa sa kanila iyon ay 'to na ang maaring pag-umpisahan ng digmaan nila.
Inabot ko na sa bawat isa ang ibat-ibat supot ng mga buto ng gulay at prutas. Iniwan ko sa 'kin ang isang supot ng buto ng strawberry. Naisip ko kasing itanim 'to sa likod at gilid ng kubo ko. 'Yun kasi ang napag-usapan namin dito. Sa gilid at likod ng mga kubo na lang namin itatanim ang bawat buto ng gulay at prutas na dala ko para safe kami na 'di ito mananakaw ng mga taga-Ultricularia. Agad akong naghagis ng ilang piraso ng buto sa gilid ng kubo ko. Namangha ako. Tama nga ang sinabi ni Lolo Parag. Wala pang isang minuto ay nakita ko na agad ang pagtubo ng mga dahon ng strawberry. Ang galing lang.
"Isang oras o mahigit pa bago siya mamunga. Pero, mabilis na 'yan kumpara sa normal na paglaki nito sa mundo niyo," saad ni Liya na nasa sa tabi ko. "Tama ka. Mas mabilis nga rito," sagot ko.
Sa isang iglap ay halos mapuno ng pananim ang bawat gilid ng mga kubo rito. Tuwang-tuwa ang mga taga-Elenor dahil sa mga buto na dala ko. Hindi lang 'yun. Aliw na aliw din sila sa mga damit na dala ko. Sadyang sa simpleng ginawa ko ay napasaya ko sila. Ngayon, natupad ko na rin ang pangako ko na mapasaya at mapangiti silang lahat.
"Nagpapasalamat kami at dumating ka sa buhay namin. Napakalaking tulong ng ginawa mo, Dia. Ngayon, hindi na namin kailangan pang pumunta sa kagubatan para manguha ng pagkain. Napakasayang tignan na sa gilid na lang ng mga kubo namin matatagpuan ang mga pagkain na kailangan namin," ani Liya na tuwang-tuwa hanggang ngayon.
"Namunga na ang pakwan ko," sigaw ng isang lalaki kaya mabilis kaming tumakbo para saksihan ang pamumunga ng tinanim niya. Nakakatuwang tignan ang ilang pakwan na unti-unting lumaki roon. Halos hindi mabilang ang bunga na lumabas doon. Nagsisigawan tuloy ang ilan sa kanila.
"Ang galing!"
"Nakakatuwa!"
"Mukhang masarap!"
"Natatakam na ako!"
"Ngayon lang ulit ako makakain ng pakwan!"
Sari-saring salitaan ang nadinig ko. Naiiyak ako dahil hindi ako makapaniwala na napakalaking tulong ang nagawa ko rito. Ngayon ko napatunayan na napakasarap tumulong sa kapwa.
Sunud-sunod na ang pamumunga ng mga tinanim namin. Tumakbo ako sa kubo ko para ang pamumunga naman ng Strawberry na tinanamin ko ang panuorin ko. Nakakakilig panuorin 'to habang isa-isang lumalaki ang mga bunga.. Ang pupula nila at ang lalaki na rin ka agad. Lumapit ako roon at saka ako pumitas ng isang piraso. Pagka-kagat ko sa strawberry ko ay halos mapangiti ako. Sobrang tamis. Ang sarap.
Tinignan ko ulit ang buong paligid. Ang dating walang buhay na bayan ng Elenor ay nagkaroon na ngayon ng kulay. Halos iba't ibang kulay ang makikita mo sa bawat gilid ng bahay. Mga sari-saring bunga ng prutas at gulay. Ang sarap tignan sa mata na halos ang titingkad ng mga kulay nila.Kumuha ako ng basket. Utos kasi ni "olo Parag na anahin na namin ang lahat ng bunga. Sobrang saya ko habang pinipitas ko ang mga bunga ng strawberry ko. Lahat ng inani namin ay dinala namin sa iisang lugar. Halos hindi mabilang ang lahat ng mga pagkain namin nang pagsama-samahin na namin ito. Halos nagpapalakpakan ang ilan at sumisigaw naman ang iba sa dami ng pagkain namin ngayon.
"Isa itong magandang pangyayari na nasaksihan ko sa buong buhay ko," saad ni Lolo Parag.
"Magandang pangyayari na gawa ni Dia," puri naman ni Liya kaya nginitian ko siya.
"Kaya sabay-sabay nating pasalamatan si Miss Dia," sigaw ni Lolo Parag. Halos paulit-ulit kong nadinig na nagpasalamat sa 'kin ang mga tao rito. Para silang mga sirang plaka na paulit-ulit.
Pagsapit ng gabi ay isang malaking pagsasalo ang hinanda nila Lolo Parag. Ito raw ay para i-celebrate ang masayang pangyayari na nangyari ngayong araw. Maraming pagkain ang hinanda nila. Sa gabing ito ay sari-saring lutong pagkain ang nakita ko. Lutong pagkain na ngayon ko lang natikman. Ang sasarap at halos hindi ako nagsayang ng kahit anumang gulay o sabaw sa platong kong gawa sa kahoy. Simot kung simot.
Pagkatapos nun ay sari-saring prutas naman ang kinain ko. Sobra akong nabusog ng gabing iyon. Sa kalagitnaan ng kasiyahan ay napukaw ng isang malakas na ilaw na galing sa kubo ko ang mga mata naming lahat. Kasabay nun ay ang nadinig kong pagtawag sa 'kin ni Venuss.
"Dia!" Biglang akong kinabahan kaya agad-agad akong tumakbo para tignan siya. Pagdating ko sa loob ng kubo ko ay sinalubong ako ng malakas na sinag ng ilaw niya. Pagkatapos nun ay unti-unting lumabas ang mga batik-batik na kulay puti sa mga dahon ni Venuss.
"Isa ngang variegated ang ghost plant mo," anunsyo ni Lolo Parag na gulat na gulat sa nakita niya.
"Ibig sabihin ay hindi natin kauri si Miss Dia?" tanong ng biglang sumulpot na si Bimil.
"Gano'n na nga. Isa na siya ngayong taga-Madita," saad ni Liya Isa-isa silang lumuhod sa harap ko na pinagtaka ko lang.
"A-anong ginagawa niyo?" tanong ko.
"Ganito po namin igalang ang mga taga-Madita, kapag nakakakita kami ng taga-bayan ng Madita," sagot ni Bimil.
"H-hindi niyo na kailangang gawin 'yan sa 'kin," sambit ko. "Tumayo kayo," sigaw ko na agad naman nilang sinunod. Sa oras na 'to ay walang tumitingin sa 'kin nang mata sa mata. Sa lupa sila nakatingin na para bang takot na takot sa 'kin.
Ngayon, alam ko na kung paano nila tratuhin ang mga taga-Madita. Halos, wala silang kibo na para bang robot na susunod sa kung ano ang sasabihin ko. Gano'n sila ka-loyal na handang gawin ang lahat na iuutos sa kanila. Nakaramdam na naman ako ng awa para sa kanila.
"Tumingin kayo sa 'kin ng diretsyo. Hindi niyo naman kailangang gawin sa 'kin ang ginagawa niyo sa kanila. Ibahin niyo ako. Para sa 'kin ay pantay-pantay lang tayong lahat. Kaya naman bumalik na kayo sa pagtrato niyo sa 'kin sa dating gawi," sabi ko kaya hinintay ko silang sumundo sa akin. Nangiti ako dahil isa-isa na silang tumingin sa 'kin.
"Salamat," saad ko.
Nginitian ko si Liya. "Masaya ako para sa'yo," saad niya at saka ko siya niyakap.
Siguro ay kaya nangyari ang malaking salu-salo na ito ay dahil ito na ang huling araw ko sa bayan ng Elenor. Pinadaan lang ako rito para tulungan sila at 'to ang unang mission na nagawa sa mundong 'to. Tumataas ang balahibo ko.
Bukas ay tutungo na ako sa bayan ng Madita. Dito na magpapalipas ng gabi si Bimil para samahan ako bukas sa Madita Academy. Masaya ako dahil 'di pa rin 'to ang huling beses na makakasama ko si Liya. Ayon kay Bimil ay puwede akong magsama ng isang alalay at pumayag naman si Liya na maging alalay ko dahil na rin sa kagustuhan na mapasok siya sa Madita Academy. Ito na ang pinakahihintay kong araw. Ang makapasok sa Madita Academy. Malapit na ako sa punto na makakahingi na ako ng tulong sa kanila. Siguro naman ay tutulungan nila ako para sagapin si Mama.
Hindi na ako makapaghintay. Excited na akong sumapit ang umaga.
See you tomorrow, Madita Academy.