Chapter 10 - Ang tatlong Maldita

1706 Words
Dia's POV Inabangan ng lahat ang aking pag-alis sa bayan ng Elenor. Hindi ko inaasahan na maagang gigising ang lahat para lang magpaalam sa 'kin. Inaamin kong nalulungkot ako. Sa maikling araw na nakasama ko ang mga 'to ay napamahal na agad sila sa 'kin. Nakagayak na si Liya. May dala siyang bag na gawa sa isang malaking dahon. Nando'n lahat ng damit at iba pa niyang mga gamit. Unang lumapit sa 'kin si Lolo Parag. "Maraming-maraming salamat sa lahat ng tulong mo sa 'min, Miss Dia. Tatanawin namin 'tong isang malaki na utang na loob. Basta 'pag kailangan mo ng tulong namin ay magsabi ka lang, nandito lang kami at handang tumulong sa 'yo anumang oras." Dahil kay Lolo Parag ay nakaranas akong magkaroon ng isang Lolo. Napakabait niya. Isa siya sa mami-miss ko. "Maraming salamat din po at naging mabuti po kayong lahat sa 'kin. Huwag kayong mag-alala dahil hindi pa naman 'to ang huling pagkikita nating lahat. Gagala pa rin ako rito at tuloy-tuloy pa rin ang pagtulong ko sainyo. Sa ngayon, hihiramin ko na muna si Liya sainyo. Pero huwag kayong mag-alala dahil iingatan ko po siya." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay nginitian ako ni Liya. Pagkatapos ng nakakalungkot na pagpapaalam ko ay umalis na rin kaming tatlo. Umiiyak pa si Liya dahil 'to ang unang beses na malalayo siya sa kanyang Lolo Parag. "Ganyan din ako noon, Liya. Ganyan talaga sa una. Pero huwag kang mag-alala at masasanay ka rin. Saka, masisiyahan ka roon dahil sobrang ganda sa Madita Academy," saad ni Bimil kaya tumahan na rin si Liya. "Nakakatuwa at may nadagdag na naman sa grupo natin," saad ni Venuss. Nakita kong nagulat si Bimil. Napatingin tuloy siya sa ghost plant ko na hawak-hawak ni Liya. "Teka, nagsasalita ang ghost plant mo?" tanong niya na halos nanlalaki ang mga mata. "Oo, nakakatuwa 'di ba? Variegated kasi kaya hindi na ako magtataka pa," sagot ni Liya sa kanya. "Isa ka ngang kagaya nila. Narinig ko kasi sa mga kasamahan kong taga-linis sa Madita Academy na nagsasalita rin ang mga alagang succulent plant ng ilang mag-aaral doon. Isa pa, halos lahat daw ng mga mag-aaral doon ay may malalakas na kapangyarihan." "Lalo akong naging excited," natutuwang sabi ni Liya. Tahimik lang ako habang naglalakbay kami. Nakikinig lang ako sa mga usapan nila Liya at Bimil. Ayon kay Bimil. May exam pa akong magaganap bago ako tuluyang tanggapin ng Madita Academy. Hindi naman ako kinabahan dahil aminado akong matalino naman ako. Ang iniisip ko lang ay anong klaseng exam kaya ang mayroon do'n? "Matanong ko lang. May mga taga-Madita Academy ba na bumabagsak sa exam?" tanong ko kay Bimil. "Mayroon din. Ito 'yung mga taong hindi kayang kontrolin ang kapangyarihan nila. O, 'di kaya naman ay variegated nga ang kanilang succulents plant, pero mahina naman ang kapangyarihan na pinagkaloob nito sa kanila," sagot ni Bimil na kinakaba ko. "Ibig sabihin ay maaring hindi ka matanggap kung 'di nila magugustuhan ang kapangyarihan ng pinagkaloob ng ghost plant mo sa 'yo?" tanong ni Liya na tinanguan naman ni Bimil. " Pero wala namang masama kung susubukan mo. Sana lang ay makapasa ka sa exam," dagdag ni Liya. Sa haba ng aming mga pinag-usapan ay hindi namin napansin na nasa harap na pala kami ng Madita Academy. Pagdating namin sa harap nito ay nilapitan kami ng dalawang lalaki na malalaki ang katawan. Parang sila ata ang mga guwardya ng Madita Academy. "Goodmorning, kuya Mario at kuya Luigi," bati ni Bimil sa kanila. Pinakilala kami ni Bimil kina kuya Mario at kuya Luigi. Ang kalbo sa kanila ay si Kuya Mario at ang maraming tattoo naman ay si Kuya Luigi. Mabait daw ito parehas. "Anong succulent plant ang alaga mo?" tanong sa 'kin ni Kuya Mario nang lumapit ito sa 'kin. Kinuha ko ang ghost plant ko kay Liya at saka ko 'to pinakita kay kuya Mario. "Variegated na ghost plant ang alaga ko," sagot ko sa kanya. Nakita kong nagtinginan sila ni kuya Luigi. "Wow! Nakasisiguro akong malakas din ang kapangyarihan mo," sagot ni kuya Luigi. "Sa ngayon po ay wala pa siyang ibang kapangyarihan. Sa tingin ko ay kakatagpo lang nilang dalawa, kaya kailangang-kailangan niya ang Madita Academy para gabayan siya sa magiging kapangyarihan niya," saad ni Bimil na tinanguan naman ng dalawang guwardya. "Hindi bale, tama ka ng pinuntahan. Sana lang ay galingan mo para makapasa ka sa exam. Ayaw kasi namin ng nababalitaan namin na may bumabagsak dito. Nalulungkot kami dahil alam namin na sa bayan ng Utricularia sila babagsak. Hindi ko naman nilalahat, pero ang iba kasi ay sumasama ang loob 'pag hindi nakakapasa sa Madita Academy. Sa Utricularia na sila pumapanig para kalabanin ang Madita Academy," kwento ni kuya Mario. "Tama. Kaya ngayon pa lang ay ichi-cheer ka na namin. Galingan mo para makapasa ka," saad naman ni kuya Luigi. Pinapasok na nila kami sa loob ng Madita Academy. Bumungad sa aming mga mata ang napakalaking school na ngayon ko lang nakita sa talam-buhay ko. Para siyang palasyo pero alam kong school ang loob nito. Sa harap nito ay maraming nagkalat na mga sari-saring succulent plant na nagpakilig sa kin ng lubos. Sobrang ganda nito kaya abot langit ang ngiti ko. Maraming estudyante ang biglang tumingin sa amin. May mga ngumingiti sa amin, may ilan naman na seryoso lang at parang walang pakelam, pero hindi maiiwasan ang ilan na suplada na nang iirap pa na para bang nandidiri sa amin. Siguro ay dahil sa suot namin kaya sila nandidiri. Mukha silang malilinis at mayayaman habang kami naman ay tila pulubi sa mga suot namin na hindi pa magkakatugma. Galing sa ukay-ukay kasi kaya kung ano nalang ay mai-partner ay ayos na sa amin. "Nakakatakot naman ang ilan sa kanila," bulong ni Liya. "Kaya nga eh, mukhang maraming maldita dito," sagot ko kaya tatawa-tawa lang si Bimil. Marahil ay alam na niya 'yon. "Maiwan ko na kayo. Bawal na kasi akong makihalubilo sainyo. Goodluck, Dia. See you soon," aniya at iniwanan na niya kami ni Liya. "Grabe! Ang laki pala ng school na ito," saad ni Liya na hanggang ngayon ay nakanganga. Siguro ay kaya kami tinitignan ay dahil sa mga suot namin. Hindi sa dina-down ko ang sarili ko, pero ramdam kong napapangitan sila sa mga suot namin ni Liya. Galing kasi kami sa bayan ng Elenor kaya sanay kami sa ganitong damit na kahit ano nalang ang suotin. "Excuse me?" tawag ko sa isang babaeng estudyante na dumaan sa harap namin. Mukha siyang mabait dahil lumapit naman siya sa amin. "Yes po?" sagot niya. "Saan ko matatagpuan dito ang room ni Miss Locasta?" tanong ko sa kanya. "Diresyohin niyo lang ang buong room ng first floor at 'pag may nakita kayong imahi ng isang bulaklak na kulay violet sa isang pinto ay 'to na ang room ng headmistress ng Madita Academy," sagot niya. Nginitian ko siya. "Maraming salamat," sagot ko at saka na siya umalis. "Mabuti naman pala at marami din mababait sa school na ito," saad ni Liya. Naglakad na kami papunta sa room ni Miss Locasta. "Bakit tahimik ka, Venuss?" tanong ko sa alaga ko. "Wala lang. Naglilibot din kasi ako ng tingin. Pakiramdam ko ay marami akong memories dito. Hindi ko lang talaga maalala," sagot niya. Habang naglalakad kami ay bigla nagbulungan ang ibang estudyante. May ilan na nagtago at ang iba naman ay tumabi sa isang gilid para bigyan ng daan ang tatlong babae na mukhang may mataas na tungkulin sa school na ito. Tumingin ako sa likuran ko at doon ko nakita ang tatlong magaganda na babae. Nanlaki ang mata ko ng makita ko sa gitna nila ang babaeng maldita na si Daphne. Nanlaki din ang mata niya ng makita niya ako. Sa sobrang gulat ko ay tumalikod agad ako sa kanya para iwasan siya. Naglakad ako ng mabilis pero gumawa agad siya ng eksena kaya napatigil ako sa paglalakad. "Ano ang ginagawa dito ng isang magnanakaw?" sigaw niya. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Nakataas ang isang kilay niya nang tignan ko siya. Pinagtitinginan na ako ng ibang estudyante dahil sa 'kin nakatingin si Daphne. "Wait, kilala mo siya?" tanong ng kasama niyang babae. "Oo, Nolina. Siya lang naman ang magnanakaw na pumasok sa bahay namin. Nahuli ko siya sa akto na kumukuha ng mga prutas at gulay sa hardin namin!" saad niya kaya lalo na akong nahiya. Sana lamunin na ako ng lupa ngayon. Nakakahiya. "Totoo ba ang sinasabi niya?" tanong ni Liya na tila nagulat din. "Oo, pero hindi naman 'yon natuloy dahil tinaboy nila ako," sagot ko agad sa kanya. "Teka, huwag mong sabihin na galing din sa nakaw ang mga binigay mo sa amin?" tanong ni Liya na pati siya ay kini-question na rin ako. "Hindi, nagkakamali ka. Sa mundo namin galing 'yun at pera ko ang pinangbili ko do'n," mabilis kong sagot sa kanya. "Ingat, Dia. May masamang balak sa 'yo ang isa sa kanila," warning ni Venuss kaya bigla akong kinabahan. "So, anong gusto mong gawin natin?" tanong ni Nolina na naka cross-arm. "Syempre, parusahan siya!" sagot ng isa nilang kasama na babae at kinumpas niya ang kamay niya at sa isang iglap ay biglang nagyelo ang buo kong katawan. Napaatras si Liya dahil sa takot niya. "Goodjob, Selloa," masayang sambit ni Daphne na tuwang-tuwa sa ginawa ng kaibigan niya. Lalo na kaming pinagtinginan ng mga tao. Ang lamig ng buo kong katawan. Pakiramdam ko ay namamanhid na ako. Hindi na rin ako makahinga dahil parang pinipiga ako ng yelo. Parang iniipit niya ang katawan ko para hindi ako makahinga. "Enough!" sigaw ng isang lalaki. Nagsigawan ang lahat sa biglang pagsulpot ni Prinsipe Amir. Halos lahat ay nagbigay pugay sa kanya. Napayuko ang lahat nang makita siya. "Tanggalin niyo ang yelo sa katawan niya," utos niya kaya biglang natunaw ang yelo sa katawan ko. "Sorry po, Prinsipe Amir," saad agad ni Selloa na nakayuko sa kanya. Sa sobrang manhid nang katawan ko ay nawalan na din ako ng malay. Ang huli ko na lang na natatandaan ay sinalo ako ni Prinsipe Amir para hindi ako tuluyang mabuwal sa semento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD