Amir's POV Mag-kasama na kami ng alalay ni Dia na si Liya sa loob ng karwahe ko. Ang weird lang dahil titig na titig ito sa akin. Nakakailang ang ginagawa niya. Gusto ko sana siyang sitahin kaya lang, nahihiya ako kay Dia kapag nagsumbong siya na sinungitan ko ito. Alam kong sobrang close nila sa isa't isa, parang kami lang ni Exequiel. Kaya ang ginagawa ko na lang ay sa tuwing mag-tatama ang mga mata namin ay nginingitian ko na lang siya. Para na rin ito sa good image ko kay Dia. Tiyak na after nito ay mag-kukuwento siya kay Dia na ang pogi-pogi ko sa malapitan, ang bait ko, tahimik at palangiti. Kapag nagkataon ay baka unti-unti na siyang mag-kagusto sa akin. Ang OA ko sa mga naiisip ko. Hindi ko inaakala na magiging ganito ako dahil kay Dia. Hindi ko tuloy napapansin na nangingiti na a

