Dia's POV Pinatawag ng Headmistress ang lahat ng student ng Madita Academy ngayong umaga para sa isang mahalagang annoucement. Lahat kaming mga student ay nakaupo na ngayon sa tapat ng stage ng Madita Academy habang naghihintay kay Miss Locasta. Kumpleto na rin sa stage ang mga top student na ngayon ko lang nakita ang ilan sa kanila. Dahil do'n ay nakipag-usap ako sa katabi kong babae na bagong enroll lang din sa Madita Academy. Nung nakaraang linggo lang siya nakapasa sa exam kaya kagaya ko lang din siya na bago lang sa Madita Academy. Marami na agad siyang nalalaman at halos lahat ng kasali sa top ten student ay kilala na niya. Pero sabi niya, pito pa lang daw ang mga 'to. Hindi pa sila kumpletong sampo dahil madalang pa sa ulan kung madagdagan sila. Mapili raw kasi si Miss Locasta. P

