Dia's POV "Mag-umpisa na tayo. Ang tatawagin ko ay ang pasok at uupo na sa upuan na katabi ni Miss Selloa. Ang student na ito ay nagpakita ng talino at galing sa pakikipaglaban. Siya ang kauna-unahang student dito na may variegated ghost plant na inaalagaan," doon pa lang ay kinilig na ako. Alam kong ako na ang tinutukoy ni Miss Locasta. "Siya na ang top eight at ito ay walang iba kundi si Miss Dia Esteban," sabi niya kaya halos mapanganga. Napasigaw kami parehas ni Mika. "Sabi ko na nga ba e, congratulation, Miss Dia," saad niya at saka ko siya niyakap. "Go, umakyat ka na sa stage," aniya pa kaya tumayo na ako at saka ako umakyat sa stage. Nanginginig ako ng oras na 'yon dahil hindi talaga ako makapaniwala. "Maupo ka na sa upuan mo, Miss Dia," saad ni Miss Locasta kaya naupo na ako sa

