Sapphire’s Pov HINIHINTAY ko ang balita sa mula sa mga kaibigan ni Percival. Tatlong araw ang nakakaraan simula ng makauwi kami dito sa Pilipinas at nag usap- usap sa magiging plano. Nalaman ko mula kay Magnus na nando’n ang mag asawang Vandeleur sa Turkey para isagawa ang plano. Kaya heto ako, naghihintay sa update nila. Hindi ko alam kung anong ipagdarasal ko. Kapag pinagdasal ko na sana si Percival yun ay masasaktan naman ang puso ko, kapag hindi naman siya balik ako sa iyak at pag aalala dahil sa hindi parin siya matagpuan. Kahit saan man do’n ay iiyak parin ang kalalabasan ko. Panay ang tingin ko sa cellphone ko dahil ang sabi ni Sweetheart ay tatawag daw siya sa ‘kin. Ngunit isang araw nalang ang lumipas ay wala parin akong tawag na natanggap. Maging si Magnus ay hindi din ala

