Sapphire’s Pov NAKARATING kami sa Pilipinas at agad kaming dumeritso sa bahay nila ate Ruwi. Pinapapunta niya kasi do’n upang malaman kung anong nangyari. Napaatras pa talaga ako dahil sa takot ko sa alagang lion at tigre na nasa gate nila ate Ruwi. First time kong makapasok sa bahay nila kaya hindi ko akalain na may mga wild silang hayop dito. Maging si Sweetheart at Magnus ay takot na takot pala dito kapag pumapasok sa bahay nila ate Ruwi. Mabuti nalang at maamo ang mga hayop na nasa gate ng makita nila si Lord at Lorcan. Sila pala ang nag aalaga sa mga lion at tigre ni ate Ruwi. Halos malula ako sa laki at ganda ng bahay ng Vandeleur. Kaya naman pala wala silang bantay sa labas ng gate dahil surprise pala sa loob ng gate. Sigurado akong tanggal ang isang pisngi ng pang upo kung si

