Sapphire’s Pov IYAK AKO ng iyak habang nandito kami sa kotse. Mas pinili kong umalis kami sa hotel kaysa sa mag stay pa kami do’n. Mabuti na nga lang at nakaya ko pang maglakad na hindi natutumba. Sobrang hindi ko kinaya ang nakita ko. Pilit akong pinapatahan nila Sweetheart at Magnus dahil baka mapano daw ako at ang anak namin ni Percival. Nakayuko lang ako habang tumutulo ang mga luha ko sa mata. Yung puso ko durog na durog. Mas masakit pa yata ‘to kaysa namatay ang papa ko sa hospital. Ngayon lang ako umiyak ng sobra. Halos hindi ako makahinga sa sobrang bigat na nararamdaman ko. Hindi ko nga namalayan na nakarating kami sa airport. Nakaalalay lang sa ‘kin sila Magnus habang nakayuko ako. Hindi ako nagsasalita sakanila. Hindi naman din nila ako pinilit dahil alam nilang nasasaktan

