Sapphire’s Pov DAHAN DAHAN kong iminulat ang mga mata ko at unang bumungad sa paningin ko ay ang puting kisame. Agad akong tumingin sa paligid at nakita ang mga kaibigan ng asawa ko na nakaupo sa mahabang upuan. Mukhang dinala nila ako sa hospital dahil narin sa naka swero ang isang kamay ko. “M-Matamis na puso..” tawag ko kay Sweetheart sa namamaos na boses. Dali-dali naman siyang tumayo sa kinauupuan niya at lumapit sa hospital bed ko. “How do you feel now?” Tanong sa ‘kin ni Matamis na puso ng makalapit siya. “A-Ayos lang ako..” nauutal kong sagot. “It will be not good for you, Mrs. Lozano, to stay here in Turkey.” Biglang sabat ni Lord samin ni Sweetheart. Napayuko ako dahil alam kong gusto nila akong pauwiin sa Pilipinas. Dahil sa nangyari kanina ay alam kung nag aalala sila s

