Archeina's POV Nang makauwi kami ng mansyon ay hindi maalis sa isip ko ang pagkikita ng mag ama kanina sa mall. Alam kong gagawin ni Vaughn ang lahat para malaman ang katotohanan tungkol sa pagkatao ng aking anak. Kinakabahan ako, wala pa sa plano ko ang magkakilala silang mag ama, hindi ko naman ipinagdadamot sa kaniya ang aming anak ngunit hindi pa ako handa na ipagtapat sa kaniya ang buong katotohanan. Pabaling-baling ako sa aking higaan, hindi ako makatulog. Natatakot akong malaman n'ya na anak nga nya si Vince. Hindi mahirap para sa kanya na malaman ang katotohanan dahil dala-dala ng anak ko ang apelyido ng kanyang ama. Ang pagiging isang Montreal. Para akong mababaliw sa kakaisip. Kaylangan ko na bang sabihin sa kanya ang pagkatao ng aking anak o bumalik na lang kaya kami sa Ital

