Vaughn's POV "Vaughn ano ba ang problema mo ha? Kanina ka pa hindi mapalagay diyan mula ng makita mo ang batang 'yon. Huwag mong sabihin na iniisip mong anak mo ang paslit na 'yon dahil ngayon pa lang ay sasabihin ko na sa iyo na talagang nahihibang ka na." ani sa akin ni Katrina. "Ano ba ang pakialam mo ha? Bakit ka ba kasi nandito? Sinusundan mo ba ako ha Katrina? Nakita tuloy nila tayong magkasama. Baka isipin nila na may relasyon tayong dalawa." inis kong ani sa kanya. "Duon naman tayo papunta hindi ba? Dumating lang 'yang babaeng 'yan, para ka ng laging natutulala. Umayos ka Vaughn dahil may pamilya na ang babaeng 'yon!" asik niya sa akin. "Umalis ka na Katrina dahil hindi kita kailangan dito. Umalis ka na bago pa kita itulak palayo." inis kong ani. Masama naman niya akong tiniti

