CHAPTER SIXTEEN

3208 Words
Nang dahil sa tulong ni Pablo at nang dahil sa tulong na rin ng pagiging busy ko sa college, tuluyan ko na ngang nakalimutan ang pait ng nakaraan. Hindi ko na rin masyadong ini-scroll ang social media page ng Southville High. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para lang maka-move on. Party rito, party roon. Sa tuwing wala kaming pasok kinabukasan, tumatakas na lang ako sa bahay upang makipag party. Minsan ay naga-grounded ako ni Daddy, pero madalas ay hindi nila ako nahuhuli. Kasama si Pablo sa ilan sa mga errands ko, pero minsan, may mga time na hindi siya allowed na umalis ng bahay. Tulad ko, nahuhuli rin siya ng parents niya, at hindi tulad ko, siya ang madalas na ma-grounded. Yung Empress Faye na kilala ng parents ko noon, muli na namang bumabalik ngayon. Hindi ko alam pero kaya siguro ako nagkakaganito, dahil siguro sa atmosphere ng lugar kung nasaan ako. Medyo problematic kasi ang buhay ko rito sa Spain hindi tulad sa Pilipinas. Marami akong kaibigan dito, pero hindi ko rin naman masasabing tunay sila. Malay ko ba. Baka nga ginagamit lang nila ako para sa sariling kasikatan nila. Kilala kasi ako sa buong campus, hindi dahil sa matino ako. Kilala ako sa buong campus dahil sa pagiging bully ko. Hindi tulad sa Pilipinas, ako ang kinakatakutan ngayon sa campus namin. Siguro mas lalo lang lumala ang ugali ko nung bumalik ako rito galing sa Pilipinas. Dahil nga ba sa ginawa ni Travis o baka naman ako talaga ang may problema? "Empress, isang warning na lang, ipapatapon ka na ng university!" singhal ni Dad sa akin na ikinabuntong hininga ko na lang. This is my first year sa college. Nag-take ako ng kurso na related sa business, iyon ay dahil sa may business kami. Gusto ko sanang kumuha ng architecture pero dahil sa request ng parents ko na ako ang mag-take over sa business namin balang araw, wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod. "Alam mo bang ito na ang pangalawa sa mga universities na tumanggap sa 'yo?" galit niya pang dagdag na muli kong ikinanguso. "Pangalawa na ito sa universities na pinuntahan mo ngayong taon. Ano na lang ang mangyayari kapag in-expell ka na naman? Hindi ka ba napapagod sa palipat-lipat ng university, Empress? Please naman. Kung ipagpapatuloy mo lang ang ganitong gawain, then I think, mas makakabuti na lang para sa 'yo ang bumalik sa Pilipinas para magbago—" "No!" saad ko at halos makaramdam ng hiya nang mapatayo pa ako sa kinauupuan ko kanina nang dahil sa labis na gulat. "No, Dad. Please, no. Gagawin ko ang lahat. Hindi na ako mambu-bully. Just please, wag sa Pilipinas, Dad!" "Ano bang mayroon sa Pilipinas na ayaw mo?" tanong ni Kuya Lucho na animong ngayon lang naglakas ng loob na magtanong kahit na kanina pa siya nakikinig sa pagtatalo namin ni Dad. "Aminin mo nga, Empress. May ginawa ka siguro roon kaya ayaw mo nang bumalik, ano?" pang-aakusa niya pa na hindi ko na sinagot. Wala akong ginawang mali. Wala akong ginawang masama. Sa katunayan nga ay ako ang ginawan ng masama pero hindi ko iyon pwedeng aminin sa kanilang dalawa ni Daddy lalo na ngayong nasa harap namin si Kuya Lienzo. Nahihiya ako sa magiging reaksyon nila, lalong lalo na ni Kuya Lucho. Alam kong gagawa siya ng paraan para galitin ako. We don't hate each other. Sadyang buhay niya na ang pambubwisit sa akin kaya alam kong masisiyahan siya once na malaman niya ang nangyari sa akin noon. Iyon kaya ang bumubuhay sa kaluluwa niya, ang bwisitin ako. "No," sagot ko bago lumingon kay Daddy na ngayon ay kunot noo ng nakatitig sa akin. "Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon, Dad. I promise you, hindi na ako mambubuyo ng schoolmate ko. Just please, spare me this time..." "Last na 'to, Empress," aniya sa mababang tono na malungkot kong tinanguan. "Isa pang notice galing sa university, ipapatapon kita sa Pilipinas." Hindi ko alam kung si Daddy ba ang dahilan sa kung bakit nga ba mas pinili ko na lang na magseryoso sa pag-aaral. Si Daddy nga ba at ang mga pangaral niya o ang banta niyang pagpapatapon sa akin sa Pilipinas ang nakapag pabago sa akin? "Wow," natatawang saad ni Pablo na nginiwian ko. Nakatingin siya ngayon sa papel na naglalaman ng outstanding grades ko sa business finance. "Parang hindi na ikaw yung Empress na kilala ko, ah?" "Akin na nga yan," singhal ko sa kanya bago kinuha ang papel na nasa kamay niya. Simula nang inasar ni Kuya Lienzo si Kuya Lucho about sa love stories, hindi niya na kami ginulo. Hindi niya na ginulo si Pablo. Hindi ko alam kung tumigil na ba siya dahil lang sa mga pang-aasar ni Kuya Lienzo sa kanya o baka naman guilty talaga siya. Pinatunayan naman ni Pablo sa kanya na karapat dapat siyang maging kaibigan ko kaya naman hindi kalaunan ay naging okay na rin naman sa kanya ang lahat. Nang dahil sa nangyari, sinikap kong gawin ang lahat ng makakaya ko upang ipakita sa parents ko ang lahat ng ginawa kong pagpupursigi sa pag-aaral. Hindi na rin ako gaanong nagpa-party hindi tulad noon kaya naman naging maluwag din sila sa akin di kalaunan. Kailangan kong magseryoso sa pag-aaral kaya naman ginawa ko ang lahat. Pinutol ko lahat ng hindrances na pwedeng makatanggal sa akin sa konsentrasyon ko at kabilang na roon ang pagpapalit ng number. Hindi ko na rin kinontak pa si Lucas at si Nathalie. Simula nang dumating ako rito sa Spain, hindi na sila gaanong nagpapadala ng message sa akin lalo na nang nagpalit ako ng mobile number. Lahat din ng soical media accounts na mayroon ako, hindi na ako nagdalawang isip pa na i-deactivate lahat ng ito. Ngayon ang pangalawang taon ko sa kolehiyo, at natitiyak kong ganoon na rin sila. Alam ko rin na medyo busy na sila ngayon lalo na't kabi-kabila ang projects at activities na ipinapagawa sa mga estudyanteng tulad namin na nasa kolehiyo at last stage na ng pag-aaral. Actually naging maganda naman ang kinalabasan ng lahat ng sakripisyo ko. Hindi ko na rin gaanong naaalala si Travis ngayon hindi tulad noon na halos buong araw ko siyang iniisip at iniiyakan. Minsan ay hindi ko napipigilan ang sarili kong isipin siya. Kung nasaan na siya ngayon. Kung buhay pa ba siya. Kung healthy ba siya. Kung tinatrato ba siyang tama. Kung may girlfriend na nga ba siya, or kung kasal na siya ngayon. Hindi naman posible, hindi ba? Gwapo si Travis. Kabilang sa isang mayamang pamilya kaya may posibilidad na maipagkasundo siya ng mga magulang niya sa ibang babaeng matitipuhan nila. Matalino si Travis at hindi naman posible lahat ng naiisip ko. Like, baka nga mahalin niya pa yung babae. Utak nga natuturuan, puso pa kaya? "Oh? Ang tahimik mo naman yata?" natatawang puna ni Pablo nang nagkayayaan kaming mamasyal. "Mukhang wala ka sa hulog, ah?" Kasalukuyan naming tinatahak ang daan patungo sa isa sa mga sikat na library rito sa Barcelona. Hindi ko alam kung ano nga bang pumasok sa isip ni Pablo at bakit bigla na lang siyang nag-ayang magpunta roon. Isang linggo na ang nakalipas simula nang magtapos kami sa kolehiyo. Tulad ko, business din ang kursong tinapos ni Pablo. Hindi ko alam kung business nga ba talaga ang course na gusto niyang kuhanin o baka naman request din ng parents niya. Hindi tulad ko, kaisa-isa lang siyang anak kaya naman natitiyak kong siya lang din ang magte-take over sa business nila ng family niya. "Let me guess it," saad niya pa dahilan upang bigyan ko siya ng isang tingin na alam kong makukuha niya. "Dahil ba ito kay Kuya Lienzo? His break up with his fiancé na nasa Pilipinas?" Last month, saksi ako sa kung paanong ka-devastated si Kuya Lienzo. Tama si Pablo. Last month, naghiwalay si Kuya at yung long term girlfriend niya. Hindi kailanman nagbabanggit si Kuya Lienzo tungkol sa relasyon nilang dalawa. May mga salita siyang binitiwan sa akin na hindi ko agad nakuha. Ang sabi niya ay hindi pa raw handa si Chessa sa pagpapakasal sa kanya. Hindi ko alam kung iyon nga ba talaga ang tunay na dahilan sa kung bakit nga ba sila nagkahiwalay. Hindi naman nagbabanggit si Kuya Lienzo sa akin kaya naman wala talaga akong kaalam alam. That's the first time na nakita kong devastated si Kuya. Sa tuwing may problema siya before, ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya upang itago sa amin ang lahat. Tahimik lang siyang gagawa ng solusyon at kapag naayos niya na ang lahat, doon niya lang sasabihin sa amin kung ano nga bang naging problema. Hindi lang ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag-away silang dalawa kaya sigurado akong kung nag-away sila ngayon, there's a possibility na maayos din nila iyon kaagad. Knowing him? He will do everything for her. Para sa mahal niya, gagawin niya ang lahat ng makakya niya upang isalba lang ang relasyon nilang iyon. You waited years for her, pagkatapos ay susuko ka lang? That's a big no-no decision for me. Umiling ako sa tanong ni Pablo. "Baka gutom lang ako. Hindi kasi ako nag-breakfast kanina..." Agad na nanlaki ang mga mata ko nang marahan akong hinila ni Pablo patungo sa kabubukas lang na coffee shop sa street na iyon. "Anong gagawin natin dito?" "Of course, magkakape?" sagot niya bago niya ako hinila patungo sa counter. "Ang sabi sa akin ni Brent, masarap daw ang latte nila rito. Wanna try?" "Of course," sagot ko sa kanya bago kunot noong lumingon sa kanya. "But who the hell is he?" "Who?" "Bent?" Natawa siya nang dahil sa sinabi ko. "That's Brent. Hindi Bent," pagtatama niya na nginiwian ko na lang. "Colleague. Nakasama ko rin sa trip kahapon and nanggaling siya rito. Ang sabi niya sa akin masarap daw ang latte nila rito, so... we need to taste it before we believe it." Siya ang nag-order ng kape ko dahil hindi ko naman ma-pronounce ng tama yung latte na sinabi niya. Nang makapili kami ng mesa malapit sa bintana, doon na kami nagsimulang magdiskusyon tungkol sa ibang bagay. Marami siyang nabanggit sa akin. Na may plano raw siyang magtrabaho rito sa Barcelona bago siya bumalik ng Pilipinas upang doon i-manage ang business nila. Nagsimula rin siyang magbahagi sa akin ng tungkol sa mga plano niyang pagpapatayo ng bagong business, and Pablo wants me to do it with him. "No," sagot ko sa kanya na nginiwian niya. "I don't think so. Ni hindi ko nga magawang i-manage ang sarili kong buhay, business pa kaya?" biro ko na tinawanan niya naman. Sa totoo nga lang ay naiinggit ako kay Pablo. Marami siyang gustong gawin. Ngayong nakatapos na kami sa kolehiyo, malaya na kaming gawin lahat ng gusto naming gawin sa buhay. Si Pablo magma-manage ng maraming business habang ako naman tutunganga muna sa bahay. Maghihintay ng go signal from my parents. Minsan talaga hindi ko mapigilang mainggit sa mga kapatid ko. Pareho kasi silang may pangarap sa buhay. Ganoon lang ang itsura nila, pero may pangarap sila. Hindi sila tulad ko na puro pasarap at wala halos ginagawa sa bahay. Naiinggit ako and I can't help it. "Hindi ka ba kumbinsido sa in-order ko sa 'yo?" tanong ni Pablo nang makita niyang hindi ko man lang nagalaw ang latte na binili niya para sa akin. "Gusto mo bang magpalit ng order?" "Nah," pagtanggi ko. "Okay na 'to. May iniisip lang ako." Nang sandaling hihigupin ko na sana ang kapeng binili niya para sa akin, doon muling bumalik sa alaala ko ang lahat. Biglang nanumbalik sa akin yung mga panahong inaaya ko pa si Travis na magkape kasama ko na palagi niyang tinatanggihan. Na nage-effort pa akong bilhan siya ng kape sa coffee shop sa labas ng campus na hindi niya man lang tinatanggap. Marami akong masamang alaala sa kape at mukhang hindi ko yata kayang sikmurain na uminom ng kapeng tulad nito. Ng kapeng nagpapaalala sa akin kung gaano nga ba akong katanga kay Travis noon. "Oh, anong nangyari?" tanong ni Pablo nang binaba ko ang tasa at inusog palapit sa kanya. "Ayaw mo ba?" "May... hindi ako gusto sa amoy ng latte na iyan." "Pwede kitang—" "Hindi na kailangan. Magtutubig na lang ako," sagot ko sa kanya bago matamis na ngumiti na pabiro niya na lang na inismiran. Marami pa kaming pinag-usapan ni Pablo ng umagang iyon. Nang dahil sa kapeng iyon, muli na namang nagsink in sa akin ang lahat. Lahat ng alaalang pilit kong binaon sa limot noon, naririto na naman at paulit-ulit na namang sumasagi sa isip ko ngayon. Bakit ko pa nga ba siya minahal kung torture lang pala ang aabutin ko bandang huli? "Empress," muling tawag ni Pablo dahilan upang nagugulat akong lumingon sa kanya. "Nakikinig ka ba sa akin?" "Y-Yeah. Of course, P-Pablo." Umayos siya sa pagkakaupo niya at taas kilay na humalukipkip sa harap ko. "Oh, sige nga. Anong sinabi ko sa 'yo kanina?" Nang dahil sa tanong niya, hindi agad ako nakasagot. Totoo. Nang dahil sa pesteng kape na 'yon, hindi ko na nagawa pang makinig sa mga kwento niya. Jusko, Empress! Limang taon na ang nakalilipas simula nang mangyari lahat ng iyon! Deserve mo namang mag-move on, di ba? And besides, may kanya-kanya na rin siguro silang buhay ngayon! Magmove on ka na, Empress! Ikaw na lang yata ang hindi nakakamove on sa inyong dalawa! "See?" sambit ni Pablo bago siya umayos sa pagkakaupo at muling tumitig sa akin. "I'm asking you kung papayag ka." "Papayag saan?" taka kong tanong na ikinangiwi niya. "Nagpaplano akong umuwi ng Pilipinas para sa business ni Papa, and I'm asking you na sumama sa akin even just for a month—" "No!" sagot ko na hindi ko na namalayang nagtunog histerya para kay Pablo. Agad na umangat ang kilay ni Pablo nang dahil sa naging reaksyon ko kaya naman hindi ko naiwasang makaramdam ng kahihiyan. "I-I mean... hindi ako pwede." "At bakit naman, aber?" "Dahil dito ako komportable, Pablo," sagot ko sa kanya na hindi niya binili. "Hindi ako kumportable sa Pilipinas. Kaya nga ako bumalik dito, hindi ba? Hinding hindi mo na ako mapapabalik sa bansang iyon, Pablo. Kahit na magmakaawa ka pa, hinding hindi na ako babalik doon." "Siguro may iniiwasan ka doon, ano?" tanong niya na ikinalaki ng mga mata ko. "Ano namang iiwasan ko roon?" Mapaglaro siyang ngumisi bago nagkibit ng balikat. "Tulad na lang ng kaso. Baka may sinaksak ka tapos nagtapon ka lang ng tao sa ilog—" "Anong tingin mo sa akin? Kriminal?" reklamo ko sa kanya na tinawanan niya. "Wala akong inagrabyado roon. It's just that hindi lang ako kumportable sa tuwing uuwi ako roon at isa pa, wala na kaming bahay doon. Matagal nang binenta nila Mommy yung mansyon na tinirhan namin ni Kuya Lucho doon before." "Problema ba iyon? E 'di bumili tayo ng bago," natatawa niyang suhestiyon na inismiran ko na lang. "Based on your look kasi, parang may pinagtataguan ka talaga. Siguro may tinakbuhan ka roon, ano?" "Tulad naman ng ano? Inuutangang tao?" "I'm not sure," saad niya na muli ko na namang inismiran. "Mga taong pinaikot mo siguro noon." "Tulad naman nino?" Bahagya pa siyang napaisip bago mapaglarong ngumiti sa akin. "Tulad ni Chester Travis?" aniya. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. Nang makita ang reaksyon ko, mabilis siyang bumulalas ng tawa na mas lalo kong ikinagulat. Paano niya nalaman ang tungkol sa hayop na yon? Ni minsan wala akong matandaang may naikwento ako sa kanya about kay Travis. Yes, may naikwento ako pero hindi naman umabot sa point na nabanggit ko sa kanya ang tungkol sa pangalan ni Travis! "Paano mo nalaman ang tungkol sa kanya, Pablo?" nagugulat kong tanong. Mapaglaro siyang ngumiti sa akin na animong tuwang tuwa siya sa naging reaksyon ko. "Hindi mo na dapat tinatanong ang tungkol dyan, Empress. May mga koneksyon ako," aniya dahilan upang bumagsak ang mga balikat ko at humalukipkip na lang na humarap sa kanya. "Crush mo siya, hindi ba? As far as I know, you like each other." "Gusto ko siya pero hindi niya ako gusto," sagot ko sa kanya bago nag-iwas ng tingin na ikinatawa niya. "Well, hindi mo man lang ba siya na-miss?" "Stop asking me that question, Pablo. You're not funny," singhal ko sa kanya na ikinatawa niya. "Why?" tanong niya pa na hindi ko na sinagot. "I'm just asking you, Empress. Masyado ka namang guilty." Marami pa siyang tinanong sa akin tungjkol sa kanya. Nang dahil sa paulit-ulit niyang tanong, wala tuloy akong nagawa kung hindi ang sagutin asiya. Ni hindi ko na nga napansin na marami na pala akong naikwento sa kanya tungkol sa lalaking iyon. Para akong humukay ng sarili kong libingan nang dahil sa ginawa ko. Sa paglipas ng maraming araw, nagpatuloy lang si Pablo sa pag-encourage sa akin na umuwi. Habang patuloy siya sa pamimilit sa akin, patuloy lang ako sa pag-reject sa offer niya. "Malay mo maganda ang mapasok sa portfolio mo kapag sa Manila ka nagtrabaho," aniya na saglit ko pang pinag-isipan. "Lahat halos ng company ngayon, preferred ang overseas. Why don't you try first sa Manila? I'm sure mas lalo lang titibay ang portfolio mo kung sakali..." "I'm not planning na mag-apply sa ibang kompanya. May sarili akong kompanya." "s**t, Empress. You don't have to mention na may sarili kang kompanya. Nagmumukha kang pretentious," sambit niya na tinawanan ko na lang. "Ayaw mo ba ng suhestiyon ko? Makikita mo si Travis kapag—" "No," sagot ko bago umupo sa bench at doon nagpahinga. Kanina pa kasi kami nagjo-jogging sa park. Hindi ko alam pero tila ba mas lalo lang akong napapagod sa tuwing naiisip ko si Travis. Thinking about him makes me sick. "Hindi na ako magsasayang ng oras na makita at makausap pa siya," sagot ko. Umupo si Pablo sa gilid ko at nangingiti akong pinagmasdan. "What are you looking at?" kunot noo kong tanong. "Kung talagang naka-move on ka na sa kanya, bakit iritado ka pa rin sa kanya?" tanong niya. This time, muli na naman akong sumimangot. Heto na naman tayo, Lord. "May feelings ka pa rin sa kanya, ano?" "Hindi porket galit ako sa kanya, may nararamdaman pa rin ako. Galit lang 'to, Pablo. Wag mo nang bigyan pa ng ibang kahulugan," sagot ko sa kanya na ikinatawa niya. "Para kang sirang plaka. Paulit-ulit ka na lang sa mga tanong mo." Magkasabay kaming lumingon sa sapang nasa harap namin. May mga bibeng lumalangoy di kalayuan sa pwesto namin at doon ako tumitig ng ilang minuto upang maipakalma ko lang ang sarili ko. Ang buong akala ko, mananahimik na si Pablo, ngunit mukhang nagkamali pa yata ako sa inakala ko. "Kung kailan ka lumalayo sa kanya, tsaka ka lang binibigyan ng pagkakataon na muling mapalapit pa sa kanya. Alam mo ba kung anong tawag doon, Empress Faye?" aniya dahilan upang kunot noo akong bumaling sa kanya. "Tadhana," dagdag niya sabay ngiti sa akin. Tadhana? Anong salita iyon? Never akong naniwala sa mga ganyan kaya naman lahat ng sinasabi ni Pablo ngayon, pinapalabas ko na lang sa kabilang tenga ko. Mga jologs na lang ang naniniwala sa mga ganyan. Tadhana. Tadhana. Naniniwala lang ako sa tadhana kapag hindi ko na siya nakita pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD