CHAPTER SEVENTEEN

2322 Words
I don't believe in fate or even destiny. If we meant for each other, then it is! Ang paniniwala lang sa mga bagay na iyon para lang sa mga jologs. Fate? Ni hindi nga ako naniniwala sa mga wishing well, sa mga ganyan pa kaya? Hindi ko alam kung ano nga bang pumasok sa isip ni Pablo at bakit naisip niya ang tungkol sa bagay na iyon. Yes, lumaki kaming magkasama pero it doesn't mean na pareho lang kami ng paniniwalaan di kalaunan. Destiny. Destiny. Destiny. Is that even true? "I don't believe in that, Pablo," sagot ko sa kanya pagkatapos ng ilang segundong pananahimik. Nanatili lang ang mga mata ko sa sapa habang ang isip ko naman ay patuloy lang sa paglalakbay sa sinabi ni Pablo. If we are meant for each other and kung si Travis talaga ang pinana para sa akin ni kupido, then ibabalik ko na lang sa kanya ang pana niya. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para baliin ang panang iyon. That's impossible though. I hate him. I loathed him, and that's impossible. Imposible namang gustuhin niya ako. Kung may gusto siya sa akin nung una pa lang, e 'di sana hindi niya na ginawa ang bagay na iyon. If he really likes me then he hindi niya sana ako pinahiya sa harap ng ibang tao. He can defend me in public and explain it to me in private. Hindi niya ako kailangang i-humiliate sa harap ng maraming tao. What he did offended me. Ang hirap kasi kay Travis, hindi nag-iisip. Oo, may mali ako pero may mali rin siya. "Well, hindi naman kita pinipilit na maniwala sa mga ganyan," aniya na ikinasimangot ko. "Ang akin lang, maipaliwanag ko sa 'yo kung ano ang mga naiisip ko." Nagtagal pa muna kami sa ganoong posisyon bago kami nagdesisyong magpatuloy sa paglalakad pabalik ng bahay. Hindi na rin naman nagtagal kay Travis ang usapan namin dahil alam kong iniiwas na lang ni Pablo ang tungkol doon. Ang buong akala ko, iniiwasan niya lang na magalit ako pero mukhang may kung anong naglalaro sa isip niya nang sandaling maihatid niya na ako sa labas ng gate ng bahay namin. "So, nagkasundo na tayong dalawa, huh?" aniya na ikinakunot ng noo ko. "Magpapa-book na ako ng ticket nating dalawa mamaya." "Ticket para saan?" "Duh? Ticket pabalik sa Manila," nakangisi niyang sagot na unti-unting ikinalaki ng mga mata ko. "What?" gulantang kong tanong. "Who told you na sasama ako sa 'yo? Sinabi ko na sa 'yo, Pablo, hinding hindi na ako babalik sa bansang iyon!" "Why?" natatawa niyang tanong. Agad na nanlisik ang mga mata ko nang mabakas ko sa tono ng boses niya ang pang-aasar na mas lalong ikinakulo ng dugo ko. "Ang akala ko ba naka-move on ka na, Empress Faye? Kung naka-move on ka na ngang talaga, ipakita mo sa akin—" "At bakit ko naman gagawin iyon?" reklamo ko sa kanya kasabay ng singhal na ikinatawa niya. "Oo, nakamove on na ako. Hindi porket galit ako sa kanya, hindi pa rin ako nakakamove on, Pablo. Oo, galit ako pero nakamove on na ako. I don't want to make uwi. I will stay here no matter what. Hinding hindi na ako uuwi sa Pilipinas!" "Paano mo maipapakita sa akin na nakamove on ka na?" natatawa niyang tanong dahilan upang dismayado akong umiling sa harap niya. "Hanggat hindi mo naipapakita sa akin na nakamove on ka na, hinding hindi ako maniniwala sa 'yo, Empress. You have to prove it to me. Make me believe na hindi mo na siya gusto. In that way, kapag nakita kong kumportable ka na nga roon kahit na naroon pa siya sa harap mo at wala ka na talagang reaksyon whenever he's around, then maniniwala na ako sa 'yo. You just have to prove it to me, Empress." Thinking of him looking at me makes me sick. Hindi ko alam kung paano na nga ba akong napapayag ni Pablo sa kagustuhan niya. Pakiramdam ko talaga ay minanipula niya ako na sumama sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung he's doing it for the sake of their company o baka naman trip niya lang talaga akong pagtripan ngayon. Travis, Travis, I don't want to see you again. Please, kung nasaang lupalop ka man ng mundo ngayon, mag-stay ka na lang dyan. I don't want to bump into you. I don't want to see you again. Thinking of you makes me p**e. I just... I don't want to see you again! Hindi ko alam kung paanong ie-explain sa sarili ko kung gaano ko nga ba siyang kadisgusto. Half of my heart wants to see him, while the other want secretly hates him. Para bang gusto ko na lang magbayad ng mangkukulam para ipatira siya, na hindi ko naman magawa dahil hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin ako sa kanya. Kung kaya ko lang talagang kausapin ang puso ko na maghinay hinay kay Travis, baka ginawa ko na. He's such an asshole, ano bang nagustuhan ko sa lalaking iyon? "Uuwi ka ng Pilipinas, Empress?" tanong ni Mommy nang makasalo ko sila sa hapunan. Kunot noong lumingon sa akin ang mga kuya ko habang si Dad naman ay pasimpleng nagmasid sa reaksyon ko. Lahat halos sila ay nagulat nang dahil sa desisyon ko kaya naman wala na akong ibang nagawa kung hindi ang huminga nang malalim. Remember, Empress. Wag na wag kang magpapakita ng reaksyon sa kanila lalo na kung ganyan sila kakuryoso sa desisyon mo. "Anong gagawin mo roon?" tanong ni Kuya Lienzo dahilan upang bahagya pa akong huminga nang malalim. Bakas kasi sa tono ng pananalita niya na hindi siya kumbinsido sa plano ko. "Wala na tayong properties sa Pilipinas, Empress. Ano pang babalikan mo roon?" muli niya pang tanong na ikinasimangot ko. Bakas talaga sa mukha niya na hindi siya kumbinsido. Hindi ko naman siya masisi dahil biglaan nga naman ang desisyon ko. Bakit nga ba naisipan kong bumalik sa Pilipinas? Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila na b-in-lackmail ako ni Pablo na kapag hindi ako sumama sa kanya, ipapatira niya raw ako sa gunman. Ayaw ko namang idawit ang pangalan ni Pablo rito dahil baka muli na naman siyang buyuin ni Kuya Lucho kapag nagkataon na hindi niya nagustuhan ang isasagot ko sa kanya. Lumalim ang titig sa akin ni Kuya Lienzo kaya naman hindi ko naiwasang mapanguso na lang at nagbaba ng tingin. Hindi tulad ni Kuya Lucho, si Kuya Lienzo yung medyo may pagka istrikto. Oo, minsan ay kinukunsinti niya ako sa isang bagay. Minsan lang iyon dahil madalas, siya palagi ang umaawat sa akin sa mga bagay na gusto ko lalo na kung ipapahamak ko ito. Hindi siya tulad ni Kuya Lucho na easy-going. Kung maihahalintulad ko silang dalawa sa aso, si Kuya Lucho yung askal, pitbull naman si Kuya Lienzo. At kapag sinabi kong nakakatakot ang pagiging mailap at istrikto ni Kuya Lienzo, seryoso ako. "Baka may babalikan," natatawang komento ni Kuya Lucho na inismiran ko. "Tulad ng?" tanong ni Mommy bago lumingon sa akin. "Boyfriend," sagot ni Kuya Lucho. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. Gusto kong sipain ang mga paa niya sa ilalim ng mesa ngunit medyo malayo siya sa gawi ko. Baka nga si Daddy ang masipa ko kapag nagkataon. "I don't have a boyfriend, Kuya! Wag ka ngang commentator dyan," singhal ko na ikinatawa niya lang. "Barcelona was a bit boring for me. I'm not allowed to do the things I wanted to do. Hindi ako makalabas ng bahay dahil kailangan ko palagi ng permissions sa inyo. Mom, gusto kong magliwaliw naman kahit na papaano, at isa pa... may gusto lang akong... bisitahin... sa Manila." "At sino namang bibisitahin mo roon?" tanong ni Daddy na ngayon lang yata sumabat. "Mga boyfriend," muling komento ni Kuya Lucho dahilan upang samaan ko siya ng tingin. "Ang sabi ko wala akong boyfriend, Kuya Lucho! Please stop commenting nonsense," reklamo ko sa kanya bago nagmakaawa sa mga parents ko. "Please, Dad, Mom, Kuya Lienzo, gusto ko lang namang bumalik sa Pilipinas. I want to visit my old friends. It's been six years simula nung huli ko silang makita." "Six years?" tanong ni Mommy na marahan kong tinanguan. "Baka nga hindi ka na kilala ng mga iyon," si Kuya Lucho na ngayon ay nagpatuloy lang sa pagkain ng dinner. "Kilala pa man nila ako o hindi, wala ka ng pakialam doon," reklamo ko sa kanya bago muling nakiusap sa parents ko. "Kahit ilang buwan lang, Mom, Dad, Kuya Lienzo. I just want to breathe some fresh air." "Ang daming hangin dito, Empress. Kung makapagsalita ka para ka namang pinagdadamutan ng hangin dito," biro pa ni Kuya Lucho dahilan upang samaan ko siya ng tingin. It's a good thing na napansin niya ang pagbabanta sa mga titig ko sa kanya kaya naman mabilis niyang zi-in-pper ang bibig kahit na may ngiting nakaukit pa sa labi niya. "Saan ka naman titira kung ganoon?" tanong ni Daddy na marahan kong ikinanguso. "Empress Faye, wala na tayong property roon. Matagal nang binili ang bahay natin doon." "May... condo ako near BGC," sagot ni Kuya Lienzo dahilan upang magkakasabay kaming bumaling ng tingin sa kanya. "You can use that for the mean time habang nagi-stay ka roon. Puntahan mo na lang ako sa kwarto ko para maibigay ko sa 'yo ang susi." "Hindi ko alam na may condo ka sa BGC, anak," saad ni Mommy. Pekeng ngumiti si Kuya Lienzo sa kanya. "Binili ko five years ago. Ginagamit ko lang sa tuwing umuuwi ako sa Pilipinas sa tuwing binibisita ko si... Chessa." "Hindi ko alam na umuuwi ka pala sa Pilipinas," saad naman ni Daddy bago uminom ng tubig sa basong nasa gilid niya. "So you're keeping this for five years from us?" "I'm sorry, Dad," sagot ni Kuya Lienzo sa kanya. "Don't worry, ibebenta ko na rin iyon sa susunod na taon. Hindi ko lang maasikaso ngayon dahil nandito tayo sa Spain." "Speaking of Chessa, how is she na nga ba?" tanong muli ni Mommy. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano. Hindi ko alam kung paanong magpapaliwanag sa mga parents ko sa biglaan kong pagdedesisyon sa pag-uwi sa Pilipinas. Dapat nga ba na maging thankful ako sa nangyari lalo na ngayong si Kuya Lienzo ang tumatanggap ng consequences sa ginagawa ko? I don't think my brother deserve this kind of punishment gayong gusto niya lang naman akong tulungan. "I'm sorry, Kuya..." May luhang lumandas sa pisngi ko nang dahil sa labis na guilt. Nang makita iyon ni Kuya Lienzo dali-dali niya akong niyakap nang may ngiting nakaukit sa labi. Mukha pa siyang natatawa sa biglaan kong pagiging emosyonal sa harap niya kaya naman hindi ko na naiwasan ang sarili kong suntukin siya sa balikat na ikinatawa niya. "You're telling me you're sorry, but you're hurting me," natatawa niyang sambit dahilan upang huminto ako sa pagyakap sa kanya at mukhang hampaslupa na umiyak sa harapan niya. "I'm just kidding, Empress. Hindi mo naman kailangang humingi ng sorry, baby. Wala naman ginawa sa akin sila Daddy. Hindi naman nila ako sinaktan." "But they kept mentioning your ex-girlfriend," may halong guilt kong sagot na ikinatipid ng ngiti niya. "Sorry. Alam ko kung gaano mong iniiwasan na pag-usapan si Chessa." "That's not a big deal, Empress. Mutual naman ang decision namin ni Chessa. You don't have to say sorry," aniya bago ngumiti na animong ipinapakita niya sa akin na okay lang siya even though mukha namang hindi! "Maaga pa ang flight mo bukas, hindi ba? Matulog ka na. Wag mo nang sisihin ang sarili mo. Hindi mo kailangang makaramdam ng guilt, okay? Hush, baby. Everthing's fine." May luhang lumandas sa pisngi ko nang lumabas ako sa kwarto ni Kuya Lienzo dala ang susing ipinangako niya kanina. Agad akong nahinto sa paglalakad nang bigla na lamang may humila sa braso ko at mahigpit akong niyakap. "Kuya?" gulat kong tanong lalo na ang ibinaon niya ang mukha ko sa dibdib niya. "Anong ginagawa mo ritong tukmol ka?" "Narinig kong umiyak ka nang dahil sa nangyari kanina," aniya sa mababang tono na ikinalambot ng puso ko. "Okay lang yan, Empress. Alam kong kasalanan mo talaga kung bakit naungkat yung relasyon ni Ate Chessa at Kuya. Tama lang talaga na sisihin mo yung sarili mo—aray!" Reklamo niya. Mabilis niya akong binitiwan nang maramdaman niya ang kuko kong bumakat sa tagiliran niya. Masama ko siyang tinitigan dahilan upang bahagya pa siyang natawa nang makita ang itsura ko. "Ang akala ko talaga iko-comfort mo 'ko sa nangyari. Sisisihin mo rin pala ako," reklamo ko. Natatawa niya akong muling hinila bago tuluyang niyakap na ikinanguso ko na lang. "Of course nagbibiro lang ako, Empress. Kuya Lienzo was right, you don't have to say sorry lalo na kung hindi mo naman talaga kasalanang curious ang mga magulang natin. Of course, malaking asset si Ate Chessa sa pamilya natin. Nadismaya sila but then it doesn't mean na pwede na nilang i-blame si Kuya. If Ate Chessa doesn't like him, then don't. Maraming babae dyan na pwede niyang gustuhin. If they weren't meant for each other, then it's okay." "Meant for each other," I mimicked na ikinatawa niya bago niya ako hinarap. "Naniniwala ka sa destiny, ano?" Nagkibit balikat siya nang dahil sa tanong ko. "Well, it depends sa situation. Nasa sa 'yo naman iyan kung maniniwala ka. For me, wala namang masama kung maniniwala ka. At the end of the day, ikaw lang din naman ang uukit sa kapalaran mo." Kuya Lucho was right. It doesn't matter kung naniniwala ka man sa kapalaran o tadhana mo dahil bandang huli, ikaw at ikaw rin ang uukit sa daang tatahakin mo. Kung sakali mang magkita kami ni Travis o kung sakali mang swertehin akong makausap siya, hahayaan ko na lang siguro ang lahat, dahil tulad ng agos ng tubig sa ilog, may kahahantungan din naman ang lahat ng gagawin ko, whether it's good or... bad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD