"Baka naman kapag umuwi ka rito, buntis ka na, ah?" reklamo ni Kuya Lucho dahilan upang samaan ko siya ng tingin. Marahan siyang lumingon kay Pablo at agad na nagtaas ng kilay. "Just make sure na walang hayop ang aaligid dito sa kapatid ko aside sa 'yo, ah?" bilin niya kay Pablo bago siya tumalikod at umalis.
Lumingon ako kay Pablo nang sandaling umusog siya sa upuan ko.
"Why do I feel like kasama ako sa mga hayop na tinutukoy niya, Empress?" pasinghal niyang bulong dahilan upang bahagya pa akong natawa sa sinabi niya.
Si Kuya Lienzo ang naghatid sa amin sa airport. There's this kind of gloomy atmosphere kapag siya talaga ang kasama namin. Hindi tulad ni Kuya Lucho, si Kuya Lienzo yung mysterious one sa aming magkakapatid. Siya yung kill joy kumbaga. Kung mahilig kaming dalawa ni Kuya Lucho sa mga deadliest rides sa theme park, siya naman yung mahilig sa mga carousel. Kill joy, tahimik, introvert. Ni hindi ko nga alam kung paano silang nage-enjoy ni Ate Chessa kung sakali mang nagkikita silang dalawa.
"What are you looking at, Faye?" tanong ni Kuya Lienzo nang makita niya ang tingin ko sa kanya sa rearview mirror. "Is there a problem?"
Lumingon sa akin si Pablo kaya naman wala akong ibang nagawa kung hindi ang ngumuso.
"Curious lang ako sa relasyon niyong dalawa ni Ate Chessa before," sagot ko sa kanya dahilan upang bahagya pa siyang nag-iwas ng tingin sa akin sa salamin. "Gusto ko lang magtanong kung... paano kayong nagkakilala at saan kayo palaging... nagkikita before."
Lumipas pa ang ilang segundo na hindi siya sumagot sa tanong ko kaya naman wala akong ibang nagawa kung hindi ang manahimik na lang. Pasimple akong siniko ni Pablo sa tagiliran ko kaya naman mas lalo lang ako napanguso nang dahil sa kakitiran ng utak ko.
Halata naman na ayaw pag-usapan ni Kuya Lienzo ang tungkol sa bagay na iyon pero bakit ba kating kati ka, Empress?
Interesado ka ba talaga sa kanilang dalawa o baka naman umaasa ka lang na masasabit sa batang lalaki na kapatid ni Chessa ang pag-uusapan niyong dalawa ni Kuya Lienzo?
Wait. Hindi naman ako interesado sa abnoy na 'yon kaya bakit ba palagi ko na lang siyang naiisip? Kung sakali mang magkatuluyan si Ate Chessa at si Kuya Lienzo, then there's a possibility na maging parte pa ng pamilya namin ang gagong iyon? Somehow, I'm complacent sa break up nilang dalawa ni Ate Chessa. In that case, hindi ko na siya makakasama pa sa iisang lugar. In that case, hindi ko na siya makikita pa.
But then, that's when I remember Kuya Lienzo. Devastated siya sa nangyari sa kanila kaya naman hindi ko alam kung kailangan ko ba talagang matuwa sa nangyari. Kailangan ko nga ba talagang magpakasaya lalo na ngayong malungkot ang kapatid ko?
"Kilala na namin ang isa't isa nung una pa lang," saad ni Kuya Lienzo dahilan upang agad akong nag-angat ng tingin sa kanya. "Bago pa man tayo bumisita sa bahay nila, magkaibigan na kaming dalawa. Nakilala ko siya sa playgrouund na malapit sa bahay natin noon. She's with her little sister, Empress. The one who called you...."
"Aso," dagdag ko na nakangiti niyang tinanguan.
"Simula noon, naging magkaibigan na kami. walang alam ang parents natin na umuuwi ako ng Pilipinas nang ako lang ang mag-isa. Never ko ring binabanggit sa kanila ang tungkol sa friendship naming dalawa ni Chessa hanggang sa... nagustuhan na nga namin ang isa't isa."
"How sweet," komento ni Pablo na ikinangiti ni Kuya Lienzo sa driver seat.
"Two years ko siyang niligawan before hanggang sa sinagot niya na nga ako sa mismong anniversary naming dalawa," nakangiti niya pang dagdag bago ko nakita ang unti-unting paglaho ng ngiting iyon. "Until I decided to propose to her na hindi niya tinanggap. Ang rason niya, she's too young for that. Na hindi pa siya handa at marami pa siyang pangarap na kailangang gawin sa buhay. Hindi ko siya sinisi. Kasalanan ko dahil masyado akong atat na makasama siya. Kasalanan bang nagmahal lang ako? Sigurado na kasi ako na siya na ang makakasama ko sa hinaharap kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na... mag-propose sa kanya sa anniversary naming dalawa."
Marahan akong tumango sa kanya bago muling nagtanong.
"Totoo ba na hiwalay na talaga kayo?" tanong ko na ikinangiwi niya. "Don't get me wrong, Kuya, ah? Curious lang talaga ako sa inyong dalawa."
"Curious o nakikitsismis ka lang sa relasyon ng dalawa?" singit ni Pablo dahilan upang kurutin ko siya sa tagiliran na ikinatawa ni Kuya Lienzo.
"I made a promise to her the night before we decided to part our ways," sagot niya na marahan kong tinanguan. "Nagpromise ako sa kanya na hihintayin ko siya at nagkasundo rin kaming dalawa na kami lang ang magpapakasal sa hinaharap."
"Yun naman pala, eh. May pinagkasunduan pala kayong dalawa," saad ko bago humalukipkip sa backseat. "So, ano pa lang ikinakalungkot mo dyan, Kuya? Bakit nalungkot ka nung naghiwalay kayong dalawa?"
"Hindi ka pa pumapasok sa isang relasyon kaya alam kong hindi mo pa maiintindihan lahat ng iyon," sagot niya sa akin.
Bumungisngis si Pablo nang marinig ang sinabi ni Kuya kaya naman wala akong ibang nagawa kung hindi ang ngumuso kahit bahagya ko nang nararamdaman ang pamumula ng mukha ko sa sinabi niya.
"I'm too old na for that, Kuya. Baka nakakalimutan mong bente-tres na ako?" paalala ko sa kanya sa edad ko na ikinangiti niya na lang.
Ilang sandali pa kaming nagkaasaran tungkol sa edad ko hanggang sa tuluyan na nga kaming nakarating sa airport. Hinatid kami ni Kuya Lienzo hanggang sa loob at nang makarating na nga kami sa waiting area, doon niya na kami tuluyang iniwan.
"Buti pa yung kapatid mong iyon, ano?" saad ni Pablo habang naghahanap kami ng upuan sa eroplano. "Sana ganoon din ang ugali ni Lucho."
"Mabait din naman si Kuya Lucho, Pablo. Hindi lang kayo magkasundo kaya ganoon," sagot ko sa kanya bago umupo sa designated seat na para sa akin.
Nakangiti kong pinagmasdan ang madilim na paligid sa bintana. Kung hindi man lang kami nag-away ni Travis before, baka hindi ako ganito ka-nerbiyos ngayon. I just wish na hindi na sana magkrus ang landas naming dalawa. Hindi naman sa ayaw ko na siyang harapin. Natatakot lang ako sa maaari niyang gawin sa akin.
Nakamove on na nga kaya aiya? Paano kung hanggang ngayon ay binubuyo siya ng mga kaibigan namin nang dahil sa ginawa ko? Paano kung dinala niya ang galit na iyon hanggang ngayon?
"Para kang nakakita ng multo, Empress," puna ni Pablo nang makarating kami sa condo ni Kuya Lienzo. "Namumutla ka."
"Hindi lang siguro maganda yung gising ko kanina," sagot ko na lang sa kanya bago ko binagsak ang katawan ko sa sofang nakita ko roon sa living room. "Nakakapagod."
"Are you hungry ba? Gusto mo ipagluto kita, Empress?"
"No. Thank you," sagot ko sa kanya habang mariing nakapikit. "Matutulog lang siguro ako."
Naramdaman ko ang paglalakad niya sa harapan ko kaya naman marahan kong iminulat ang mga mata ko.
"Pupunta nga pala ako sa Bonifacio High Street mamaya. Want mo bang sumama?" tanong niya na marahan kong inilingan. "Are you sure? Baka naman gusto mong sumama. Minsan lang akong mag-aya, Empress."
"Ano namang gagawin natin doon?" tanong ko sa kanya na nginisian niya.
"E 'di magna-night out," natatawa niyang sambit na inismiran ko na lang. "Come on, Empress. Ngayon lang tayo nakabalik sa Pilipinas. Ngayon ka pa ba magpapa killjoy dyan?"
"Hindi ako kill joy, Pablo. Sadyang pagod lang ako nang dahil sa biyahe natin," sagot ko sa kanya bago mariing tumitig sa kanya. "Don't tell me hindi ka man lang napagod sa tagal ng ibiniyahe nating dalawa?"
"No and I will never be," natatawa niyang sambit bago nagtanggal ng coat. "Are you sure na hindi ka talaga sasama? Iiwanan ko na lang ang susi rito kung ganoon."
"Yeah. Text me na lang when you get there," bilin ko pa sa kanya.
Inubos ko ang buo kong magdamag sa pagtulog sa dating kwarto ni Kuya Lienzo. Pasado alas singko ng umaga nang gumising ako upang mag-breakfaat. Nang matapos akong kumain ay muli na naman akong bumalik sa kwarto ni Kuya Lienzo upang doon magliwaliw. Wala namang kainte-interes sa social media account ko kaya naman muli ko ulit binaba ang phone ko sa bedside table.
Agad na nangunot ang noo ko nang makita ko ang isang photo album na naroon sa drawer ng beside table ni Kuya. Marahan ko iyong pinagmasdan at agad na napanguso nang makita kong mga pictures naming magkakapatid ang ilan sa mga naroon. Halos ngumiwi ako nang makita ko sa photo album na naroon ang mukha ni Kuya Lucho nung maliit pa siya. Durog halos lahat ng ngipin niya sa photo album na iyon kaya naman hindi ko naiwasang mangiti na lang.
"I'm sure mapipikon ko siya once na i-post ko 'to sa social media account ko," natatawa ko pang bulong sa sarili bago ko nilipat ang pahina.
Agad na naglaho ang ngiti ko nang makita ko ang isang pamilyar na pigura ng isang lalaki di kalayuan sa picture ni Ate Chessa at Kuya Lienzo. Bahagya itong nakatalikod kaya naman hindi ko gaanong maaninag ang mukha nito kahit na ilang beses ko pang i-focus ang mata ko sa larawang iyon.
"Gaano ka ba kabaliw kay Travis at bakit ba sa tuwing nakakakita ka ng likod, naiisip mo siya?" reklamo ko sa sarili bago ko tuluyang sinarado ang photo album.
Nang dahil sa nakita ko, tila ba nawala na rin ako ng ganang silipin kung ano nga bang itsura ni Chessa at kung bakit bakliw na baliw si Kuya Lienzo sa kanya.
"Empress, nandito na ako!" tawag ni Pablo sa labas dahilan upang agad ko na siyang nilapitan upang salubungin.
Sa ilang araw kong pananatili sa Pilipinas, ni minsan ay hindi man lang sumagi sa isip ko ang lumabas ng condo unit ni Kuya Lienzo. Wala lang. Gusto ko lang mag-relax sa condo habang paulit-ulit na pineperwisyo si Pablo sa mga trabahong iniwan sa kanya ng daddy niya. Minsan nga ay natatawa na lang ako dahil sa tuwing lalapit ako para guluhin siya, si Pablo na mismo ang kusang umiiwas sa akin.
"Sinisira mo lang ang konsentrasyon ko, Empress," reklamo niya na tinawanan ko na lang. "Kung alam ko lang na magiging ganito ka kaperwisyo, e 'di sana hindi na kita sinama rito," dagdag niya pa na tinawanan ko na lang.
Minsan ay lumalabas si Pablo para mag-party with his friends sa The Bar. Minsan ay iniimbitahan niya ako pero dahil nga sa kill joy ako, never ko siyang sinamahan sa lahat ng errands niya. Hindi ko lang alam. Feeling ko kasi makakabungguan ko si Travis kung sakali mang lumabas ako rito sa lungga ko, at ayaw ko nang mangyari iyon dahil ayaw ko na siyang makita pa.
Ayaw mo na siyang makita, Empress? Are you sure o baka naman niloloko mo lang ang sarili mo?
"You're planning to stalk him?" natatawang tanong ni Pablo nang ibinahagi ko sa kanya ang plano ko. "Saan mo naman siya hahanapin? Alam mo ba kung saan siya nagtatrabaho? Ikaw na rin mismo ang nagsabi sa akin na wala ka ng contact sa kanya at sa mga kaibigan niyo."
"Kaya nga kailangan ko ng tulong mo, Pablo," nakanguso kong saad sa kanya dahilan upang natatawa niya akong inilingan. "I can die breaking my own rules. Gusto ko lang siyang makita. Curious lang ako sa kung anong buhay niya ngayon. Kung successful na nga ba siya ngayon. Kung... kung nagbunga ba yung kahiligan niya sa libro before or kung... kung already married na siya ngayon."
"At paano kung kasal na nga siya sa ibang babae?" tanong niya habang naniningkit ang mata niya akong pinagmasdan sa pwesto ko. "Don't tell me you're planning to make agaw him from his wife."
"No, I'm not desperate, Pablo!"
"Ano pa lang tawag sa ginagawa mo ngayon, Empress?" tanong niya dahilan upang marahan akong ngumuso na ikinatawa niya. "Sige, tutulungan kita in one condition."
"What?"
"Kapag nakahanap tayo ng information na kasal na nga siya sa ibang babae, titigil ka na. Is it okay with you?"
"Of course!" tango ko sa kanya dahilan upang ngingisi-ngisi siyang humalukipkip sa harap ko. "Hindi naman ako desperada tulad ng iniisip mo and I'm not planning na magpakita pa sa kanya after what he did to me before. Just like what I said, curious lang ako sa buhay na mayroon siya ngayon."
"Oo na. Ang dami mo namang talak," singhal niya na ikinatawa naming dalawa.
Pagkatapos ng halos dalawang buwan naming pag-iimbestiga ni Pablo, bandang huli ay kusa na rin kaming sumuko. Wala kaming makuhang impormasyon about kay Travis maski isang impormasyon. Maski isang line ng information, wala kaming makita! We even hired some private investigator na bandang huli ay wala ring nangyari.
"Sumuko na lang tayo," saad ni Pablo bago siya pabagsak na umupo sa gilid ko. "Ano bang klase ng buhay mayroon ang lalaking iyon at bakit ni isang impormasyon tungkol sa kanya, wala tayong mahagilap?"
Wala akong nagawa kung hindi ang ngumuso. Ang kaisa-isang impormasyon lang na nakuha namin sa imbestigasyon namin ay ang tungkol kay Lucas at Nathalie. Kasalukuyang engineer si Lucas ngayon sa isang private firm. Si Nathalie naman, as usual, nagtatrabaho bilang isang marketing assistant sa isang pribadong kumpanya. Wala kaming nakitang single information about those companies kaya naman masasabi kong palpak talaga lahat ng ito.
"Tutulong pala sa business, ah?" reklamo ko kay Pablo kasabay ng paghagis sa kanya pabalik ng ticket at passport na dadalhin niya pabalik sa Barcelona.
Oo. Ni hindi ko nga alam na babalik na pala siya sa Barcelona. Ni hindi niya man lang sinabi sa akin na may plano pa pala siyang bumalik sa lugar na iyon! Ang buong akala ko niloloko niya lang ako kahapon, seryoso pala siya sa mga sinabi niya kahapon.
"Paano ba yan, Empress?" natatawa niyang sambit dahilan upang pabagsak akong umupo sa couch. "For the mean time, ikaw na lang muna ang magpatuloy sa paghahanap dyan sa lalaki mo. Kailangan na ako ni Dad sa Barcelona. Alam mo namang ako lang ang inaasahan no'n."
"Oo na," singhal ko sa kanya bago ngumuso na tinawanan niya lang. "Katulad mo rin sila. Iiwanan mo rin ako."
"Hoy, babae. For your information, ikaw ang nang-iwan sa mga kaibigan mo," aniya na ikinatawa ko na lang.
Nang gabi ring iyon ay pinanood ko siyang magbalot ng gamit niya sa bagahe. Kinabukasan ay ako rin ang naghatid sa kanya sa airport gamit ang kotse ni Kuya Lienzo na sinadya niyang iwanan dito sa condo niya.
"Tatawag ako kapag nakauwi na ako roon, Empress," bilin pa ni Pablo dahilan upang ngumiwi na lang ako. "Balitaan mo ako sa mga errands mo this week, okay? At isa pa, balitaan mo rin ako kung nahanap mo na siya."
"What for?"
"Para ma-judge ko siya," natatawa niyang biro na nakangiti ko na lang na inismiran.
May dalawang linggo na ang nakalipas simula nung umalis patungo sa Barcelona si Pablo. Minsan ay tinatawagan niya ako pero madalas ay kino-contact niya lang ako sa social media account ko. Sa tuwing may bakante akong oras, nagdedesisyon na lang akong magliwaliw sa kung saan-saan. Ginagamit ko ang kotse ni Kuya Lienzo every time may errand ako. Ginagamit ko rin ang cards ni Kuya Lucho every time na mapapagawi ako sa shopping mall malapit dito sa BGC.
"Tatlong buwan ka pa lang sa Pilipinas, Empress, pero milyon na itong nabawas sa card ko!" singhal ni Kuya Lucho sa kabilang linya dahilan upang natatawa akong nagpatuloy sa paglalakad sa gitna ng mall.
Maraming namimili ang nagkalat sa kung saan. May ilan din akong nakikitang magbabarkada ang nagkakatuwaan sa malayo. Ang ilan sa mga taong nakikita ko rito ay nagwi-window shopping lang tulad ko. Pampatanggal ika nga ng stress.
"Kasalanan mo yan. Bakit mo kasi iniiwan sa kwarto ko lahat ng cards mo?" natatawa ko pang pang-aasar sa kanya dahilan upang maghisterya pa siya sa kabilang linya. "At saka, wag ka ngang OA dyan. Babayaran naman kita kapag na-open ko na yung account ko. I promise you, Kuya, ita-transfer ko na lang sa account mo."
"Dapat lang dahil pera ko yan," singhal niya pa sa kabilang linya.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa hindi ko namalayang nabunggo ko ang isang babaeng nakasalubong ko. Mabilis na natapon sa kulay puting coat niya ang kapeng hawak niya kanina sa paglalakad. Mabilis akong napatalon at napaigik sa nangyari kaya naman hindi na ako nagtaka nang marinig kong paulit-ulit na nagtanong sa kabilang linya si Kuya Lucho sa kung anong nangyari sa akin.
"f**k it!" singhal ng babaeng nasa likod ko.
Mabilis kong dinampot ang paperbag na naglalaman ng sapatos na binili ko bago ko nilingon ang babaeng nakatalikod sa akin.
"I'm s-sorry, Miss. Hindi kita napansin," paumanhin ko ngunit nanatili lang siyang nakatalikod sa akin habang patuloy sa pagpupunas ng coat na suot niya na nabasa ng kapeng dala niya. "Hindi ko talaga s-sinasadya..."
"Are you f*****g kidding me?" singhal niya bago siya lumingon sa akin at nagtanggal ng shades na suot niya. "Do you even know how much I paid for this one..."
Magkasabay kaming natigilan nang mamukhaan namin ang isa't isa. Natatawa lang ako dahil tila ba kakaiba ang pagtitig na ginawa niya sa kabuuan ng katawan ko. Tila ba may galit sa mga mata niya nang sandaling pinasadahan niya ako ng tingin magmula ulo hanggang paa.
"Oh, freaking f*****g bullshits. What the hell, Empress?" sigaw niya dahilan upang makuha niya pa ang atensyon ng ibang mamimili na naroon. "Buhay ka pa pala?" dagdag niya pa na ikinakunot ng noo ko.
Bakit ganito ang reaksyon niya?
Tingin ba nila namatay ako?