CHAPTER NINETEEN

2340 Words
"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya na nagmistulang reklamo. Pinag.asdan ko siya magmula ulo hanggang paa. Hindi ko maitatangging malaki nga ang ipinagbago ni Nathalie ngayon. Kung noon ay masyado siyang pakikay, iba na ngayon. Hindi na siya yung Nathalie na nakilala ko noon. May nagbago sa kanya. Hindi ko alam kung sa mukha niya ba o baka naman ang ugali niya talaga ang nagbago. Aaminin kong natutuwa ako na makita siyang muli ngayon. Hindi ko inaasahan na muling magkukrus ang landas naming dalawa. Matagal ko na rin siyang hinahanap. Aminin ko man o sa hindi, hindi lang naman si Travis ang sinadya ko rito. Sinadya ko rin silang dalawa ni Lucas. Gusto ko silang bisitahin, kumustahin, dahil alam kong tulad ko, matagal din silang nangulila sa akin. Kumusta na nga ba sila? Agad na naglaho ang ngiting nakaukit sa labi ko nang taas kilay akong nilingon ni Nathalie magmula ulo hanggang paa. Sarkastiko siyang ngumisi na animong hindi pa siya natutuwa na nagkrus ang landas naming dalawa ngayon. Para bang sa ekspresyon pa lang ng mukha niya, alam kong hindi na siya natutuwa na makita ako nagyon. "Anong ginagawa mo rito, Empress?" ulit niya sa tanong na hindi ko man lang nasagot kanina. "N-Naghahanap ng sapatos," sagot ko. Sarkastiko siyang tumawa bago humalukipkip sa harap ko. Muli ay pinagmasdan niya ako magmula ulo hanggang paa. Naroon ang sarcastic sa paraan niya ng pagtitig sa akin kaya naman hindi ko naiwasang makaramdam ng hiya. Galit na galit siya at alam ko iyon. Nararamdaman ko iyon base sa ekspresyong nakikita ko sa mukha niya ngayon. Yes, I get it. Alam kong magagalit siya once na magkrus ang landas naming dalawa dito. Sino nga bang hindi magagalit kung umalis ang kaibigan mo nang hindi man lang nagpapaalam sa 'yo? Wala silang ideya sa kung anong nangyari sa akin sa loob ng anim na taon kaya naman natitiyak kong may galit sila sa akin. Never pumasok sa isip ko na kamustahin sila o hindi naman kaya ay muli silang contact-in dahil natatakot ako na baka magkaroon lang si Travis ng pagkakataon na mahanap ako. Alam ko namang maiintindihan nila ako sa oras na marinig nila ang eksplenasyon ko. Yun ay kung bibigyan pa nila ako ng pagkakataong ipaliwanag ang sarili ko. "I want to talk to you," saad ko sa maliit na boses na ikinangisi niya sa harapan ko. "Gusto kong... mag-usap tayong dalawa." "Para saan?" natatawa niyang singhal na ikinatikom ng bibig ko. "Tingin mo ba pagkatapos ng ginawa mo sa aming dalawa ni Lucas, maniniwala pa ako sa mga sasbabihin mo sa akin ngayon? Don't worry, Empress. Matagal na naming inisip na patay ka na." Nakangisi niya akong pinagmasdan magmula ulo hanggang paa bago niya ako tinalikuran. Hindi roon natapos ang pagkikita naming dalawa dahil sa tuwing lalabas ako upang mamasyal, madalas ko siyang makitang nakasundo sa akin. Matagal na raw nila akong inisip na patay na pero hanggang ngayon ay nakasunod siya sa akin. Kinakain niya na ba lahat ng sinabi niya? "Anong kailangan mo, Nathalie?" tanong ko sa kanya nang minsan na siyang bumangga sa likuran ko sa kakasunod sa akin. "May kailangan ka ba?" Taas kilay siyang humalukipkip sa harapan ko na animong nagsusuplada naman. Nang hindi siya nagsalita, nagdesisyon akong muli siyang talikuran upang maglakad na sana palayo ngunit bago ko pa man maihakbang ang mga paa ko, agad na siyang nagsalita. "Ang galing mo rin, ano?" tanong niya. Marahan akong pumikit dahil sa frustration bago ako kunot noong lumingon sa kanya. "After all those years ng absence mo, babalik ka ulit dito." "Anong inaasahan mong gagawin ko gayong may bahay kami rito?" sagot ko sa kanya na animong naiirita na sa mga sinasabi niya. "Nathalie, ginusto kong makipag-usap sa 'yo nung nakaraang linggo para sana magpaliwanag. Hinfi mo ako pinagbigyan. Hinayaan kita. Nirespeto ko ang desisyon mo. Kung wala kang balak na makipag-usap sa akin, please lang, wag mo na akong sundan at guluhin," saad ko pa bago siya tinalikuran upang muling maglakad palayo sa kanya. Narito kami ngayon sa baywalk. Gusto ko sanang magmuni muni rito ngayon upang klaruhin sana ang isip ko. May ilang araw ko na kasi silang iniisip. Gusto kong burahin lahat ng mga bagay na bumabagabag sa isip ko. Si Nathalie na rin naman mismo ang nagsabi sa akin na ayaw niyang makipag-usap sa akin. Muntik niya na nga akong ipagtabuyan palayo noong hinabol ko siya, pagkatapos ngayon ay naririto na naman siya para guluhin ako. Like, ano bang problema niya? "Empress..." tawag niya dahilan upang bahagya pa akong tumigil sa paglalakad ko. "Gusto mong makipag-usap sa akin, hindi ba? Sige, pagbibigyan kita," aniya dahilan upang marahan akong lumingon sa kanya ng may kunot sa noo nang dahil sa kuryoso sa sinabi niya. Ngumuso siya sa akin bago nagtaas ng kilay. "Since mukha ka namang seryoso at apologetic sa mga ginawa mo before, then fine. Makikipag-usap na ako sa 'yo." Why do I feel like ako pa ngayon ang nangungulit sa kanya? Ako kasi yung tipo ng babae na once na tinaboy mo ako, hinding hindi na ako babalik pa sa 'yo upang magpaliwanag. Yes, before ay hindi ko pa nai-aapply sa sarili ko iyon, but then, nang mangyari ang away namin ni Travis noon, doon ko lang na-appreciate ang kahalagahan ko bilang isang tao. Normal lang magmahal, wag lang abusuhin tulad ng ginawa niya noon. Agad ko siyang tinaasan ng kilay ngunit hindi na rin ako nagmatigas sa offer niya. Ako ang lumabas na namimilit sa kanya, but that's okay. I just want us to reconcile at hindi mangyayari iyon kung tataasan ko pa ang pride ko. Curious din naman ako sa buhay na mayroon sila ngayon kaya... tatanggi pa ba ako? "Saan mo gustong mag-umpisa? Sa mga tsismis ko sa 'yong may anim na taon kong inimbak o sa mga dahilan mo sa kung bakit mo pinutol ang koneksyon mo sa amin?" sarkastiko niyang tanong. Bandang huli ay dito niya ako inaya sa loob ng coffee shop na malapit sa baywalk. May dalawang dipa ang layo ko sa kanya nang nagsimula kaming lumakad dito. Para bang dinidistansya ko lang ang sarili ko sa kanya dahil alam kong malaki ang galit niya sa akin kahit na hindi niya aminin. "Gusto ko munang magpaliwanag," saad ko dahilan upang umangat ang kilay niya. "Una sa lahat, I'm so sorry." "You should, Empress," aniya dahilan upang bahagya pa akong huminga nang malalim. "Umalis ka nang walang pasabi. Ni hindi namin alam kung saan ka pupunta." "Sinabi ko sa 'yo, hindi ba? Sinabi ko sa inyo na babalik ako sa Barcelona," singhal ko sa kanya na bahagya niyang ikinanguso. "At isa pa. Pwede bang hayaan mo muna akong magpaliwanag? Paano tayo matatapos kung paulit-ulit mong pinuputol lahat ng sasabihin ko?" "Oo na. Ang dami mo namang sinasabi," saad niya bago siya umirap sa akin na ginantihan ko rin ng irap. Isang buntong hininga pa ang ginawa ko bago muling nag-umpisa. "Tinanggal ko ang connection ko sa inyong dalawa ni Lucas dahil alam kong mas makakatulong sa akin iyon para makalimutan ko ang lahat." "Ah, so, dinamay mo kami. Ganoon ba, Empress?" "Let me f*****g finish my explanation, Nathalie!" "Fine!" singhal niya bago galit na tumitig sa akin. "Masakit para sa akin yung ginawa ni Travis, Nathalie," dagdag ko pa bago dismayadong umiling nang hindi man lang nagbago ang reaction niya. "Naaalala ko ang lahat every time na maaalala ko kayong dalawa ni Lucas. I had no choice, Nathalie. Ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko para lang kalimutan siya pero hindi ko magawa. Alam mo ba kung bakit? Dahil sa tuwing makikita ko ang pangalan niyong dalawa ni Lucas na naka-register sa contacts ko, pakiramdam ko bumabalik lang sa akin lahat ng alaala ko sa kanya. Lahat ng masasakit na salitang binitiwan niya noon, bumabalik lang sa alaala ko sa tuwing makikita ko kayong dalawa..." "That's your fault then." "Alam ko na kasalanan ko ang lahat. Hindi mo na kailangan pang ipamukha sa akin ang kamalian ko before. Hindi ko naman itinatanggi iyon. Gusto ko lang ipaliwanag sa 'yo ang side ko. Ngayong nasabi ko na ang tungkol sa reasons ko then it's up to you kung papatawarin mo ako. Kung gusto mo pang ibalik ang pagkakaibigan nating dalawa tulad ng dati, that's fine, pero kung ayaw mo na, irerespeto ko iyon." "Tingin mo ba papakawalan kita pagkatapos ng lahat ng nangyari?" naniningkit ang mata niyang sambit na ikinakunot ng noo ko sa kuryoso. Ni hindi ko man lang nakuha ang ipinupunto niya. "Of course, patatawarin pa rin kita. May isang salita ako, Empress. Kapag sinabi kong kaibigan kita, kaibigan kita kahit na ano pang mangyari." "You're accepting my apology?" "Isn't it obvious? Malamang!" saad niya na ikinahinga ko nang maluwang bago ngumiti nang pilit sa kanya. "Pero kailangan mo munang mangako sa akin. Ipangako mo sa akin—sa aming dalawa ni Lucas na hinding hindi ka na aalis tulad ng ginawa mo noon. Sa oras na gawin mo ulit ang bagay na iyon, hinding hindi na talaga kita mapapatawad kahit na lumuhod ka pa." "Kahit na kumain ako ng putik?" natatawa kong sambit na ikinasama ng mukha niya. "Okay. I was just kidding, okay?" "Alam mo," pauna niyang sambit bago siya sumandal sa upuan. "Hindi ka pa rin nagbabago after all those years. Korni ka pa rin tulad ngd dati," saad niya bago siya umiling dahilan upang bahagya pa akong matawa. Ilang kumustahan pa ang ginawa namin ni Nathalie bago muling tumuntong sa ibang subject ang tsismisan naming dalawa. Marami akong kinumusta sa kanya and of course, hindi kasama si Travis doon. Oo, aaminin kong kating kati na akong magtanong tungkol sa kanya at hindi ko ipagkakaila iyon. Hahayaan ko na lang na magkwento si Nathalie ng tungkol sa kanya kahit na abutin pa kami ng gabi sa lugar na ito. "Tapos ganoon nga ang nangyari sa kanya," muli niya pang kwento sa kaibigan ng kapatid ni Travis. Ni hindi ko na nga namalayan na napunta na pala kay Travis ang usapan. Mas lalo lamang akong nabuhayan nang malaman ko mula kay Nathalie na may kapatid pala si Travis. Hindi lang basta kapatid dahil kakambal niya pa! May kakambal si Travis! "Sobrang bait pa man din ni Zamiel," kwento niya pa sa kaibigan ng kapatid ni Travis. Boring. Marami pa siyang ikinuwento tungkol sa mga taong nakilala nilang dalawa ni Lucas before. Kesyo nakilala niya raw ang lahat ng iyon. Na mababait daw ang mga iyon. Na wala raw ako nung nakilala ko sila. Yeah, right. Ipinamukha niya talaga sa akin na wala ako nung mga panahong nagkakasiyahan sila. "Sa kasamaang palad, maaga siyang nawala," patuloy niya pa sa kwento niya. Hindi ko ipinahalata kay Nathalie na naboboring na ako sa mga kwneto niya sa mga taong never ko namang nakilala before. I did my best na makinig sa kanya even though lumilipad na ang isip ko tungkol kay Travis at sa kung anong buhay na nga ba mayroon ito ngayon. "Anong ikinamatay?" tanong ko. Kitang kita ko ang lungkot s a mga mata niya bago siya sumandal sa kinauupuan niya. "Sakit sa puso," saad niya bago siya matamang lumingon sa akin. "Hindi mo alam iyon kasi wala ka noon dito," muli niya pang pambubwisit na ikinangiwi ko na lang. Ang buong akala ko talaga ay tapos na ang usapan namin tungkol sa mga hinanakit niya sa pagkawala ko noon kaya naman muling bumagsak ang mga balikat ko sa dismaya nang muli na naman niyang inungkat ang tungkol sa pag-alis ko noon. Wala naman akong nagawa kung hindi ang makinig sa kanya kahit na medyo napipikon na rin ako sa mga sinasabi niya. Of course, hidndi ko ipinakita sa kanya iyon dahil alam kong mas hahaba lang ang alitan naming dalawa kung sisinghalan ko pa siya. "Hindi mo man lang nakilala si Zamiel. Actually, marami kang na-missed na events. Yung graduation namin ni Lucas, hindi mo man lang nasaksihan. Pati nga yung engagement party ni Travis—" Wait. What? Anong engagement party? "H-Huh?" gulat kong tanong dahilan upang mas lalo lang sumama ang tingin niya sa akin. "A-Anong engagement party ang sinasabi mo, Nathalie?" "Engagement party, duh? Hindi mo man lang ba alam kung ano iyon?" tanong niya na ikinatikom ng bibig ko. "Yung party na magaganap before kayo ikasal—" "f**k it, Nathalie! Alam ko ang meaning no'n!" "Alam mo pala, eh, bakit nagtatanong ka pa?" "Hindi iyon ang ibig kong sabihin," singhal ko sa kanya at halos mangiti siya nang makita niya ang pagkapikon sa mukha ko. "A-Anong engagement party? Engagement party ni Travis? Ikakasal na siya?" "Yeah," aniya bago pabuntong hininga na sumandal sa kinauupuan niya at humalukipkip habang nakatitig sa akin. "Ang balita ko, ready na raw silang mag-settle down ng fiance niya. Why? Gulat ka, ano? Ine-expect mo ba, Empress, na hihintayin ka ni Travis o tingin mo may nararamdaman pa siya sa 'yo after all those years? He's already engage sa kaibigan ng twin sister niya, and within this year or next year I think, alam kong ikakasal na sila." Bahagyang bumagsak ang mga balikat ko sa dismaya at nang mapansin iyon si Nathalie, wala siyang ibang ginawa kung hindi ang pagtawanan ang reaksyon ko. "Wala ka sa fairy tale na kapag umalis ka, hihinto na lang sa pag-ikot ang mundo, Empress. Nasa reyalidad ka. Lahat ng bagay na nasa paligid mo, iikot kahit na mawala ka pa," makahulugan nitong sambit na hindi ko na kinibo. Oo may ilang taon na ang nakalilipas at deserve naman ni Travis ang makahanap ng babaeng magpapasaya sa kanya. Naroon na siya. Hawak niya na ang lahat. May girlfriend na siya at paniguradong naabot niya na rin ang pangarap niya. Tama si Nathalie, Empress. Hindi hihinto ang mundo ng ibang tao sa oras na umalis ka. Hindi nakasalalay sa 'yo ang pag-ikot nila. Umalis ka man o hindi, magpapatuloy lang ang buhay nila. Nakakatawa lang isipin na habang masaya siya sa kamay ng iba, heto pa rin ako... siya pa rin ang nasa puso ko hanggang ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD