Ang sabi nila natuturuan daw ang puso na magmahal. Sinungaling sila. Ilang beses ko nang tinuruan ang sarili ko noon na kalimutan si Travis. Ilang beses ko na ring sinubukan na magmahal ng iba ngunit kahit na anong gawin ko, si Travis at si Travis pa rin ang tinitibok nito.
Ang sabi ko masaya ako. Masaya ako dahil sa wakas ay ikakasal na siya. Masaya ako dahil nagpatuloy lang ang buhay niya kahit na wala ako sa tabi niya. I wonder kung naging tahimik nga ba ang buhay niya noon simula nung nawala ako. Baka nga nagpapasalamat pa iyon dahil kung hindi ako nawala sa path, niya baka nga naging disaster pa ang buhay niya nang dahil sa akin.
Wala naman akong ibang hatid kung hindi puro kamalasan para sa kanya. Siguro nga tama ang sinasabi nila. Na sadyang malas lang talaga ako. Swerte nga ako sa pamilya, malas naman ako sa pagmamahal mula sa ibang tao. Sa mga taong mahal ko na hindi naman ako mahal.
Nagpatuloy lang si Nathalie sa pagkukwento sa akin tungkol sa naging buhay ni Travis simula nung nawala ako. Hindi tulad noon, nag-iba na raw ang ugali nito. Kung dati ay tahimik lang daw ito, ngayon daw ay medyo mayabang at arogante na 'to. May bago ba doon? Taray ni Travis, ah? May pa-character development, pero yung character development niya, paatras. Sa halip na maging mabuti siya, mas lalo lang siyang lumala.
Kung totoo nga ang sinasabi niya na medyo arogante na si Travis ngayon, then there's a chance na baka hindi ko na siya malapitan pa. Hirap na hirap na nga ako nung high school, mas papahirapan ko pa ba ang sarili ko ngayon? At saka may fiance na siya. Ano pa bang use kung magpapakita pa ako sa kanya?
Hindi ko na namalayan ang oras. Marami siyang binanggit tungkol sa kanya na hindi ko na magawang sundan pa. Simula kasi nang marinig ko ang engagement party na tinutukoy niya tila ba mas lalo lang akong nawalan ng gana sa lahat.
Siguro mas okay siguro kung bumalik na lang ako sa Spain. Pilitin ko na lang siguro si Pablo na magpaka lalaki at siya na lang siguro ang pakakasalan ko sa hinaharap.
"Pero alam mo, Empress, bilib din ako sa dalawang iyon," sambit ni Nathalie dahilan upang walang emosyon akong lumingon sa kanya.
As usual, si Travis at yung finace niya na naman ang tinutukoy niya. Wala na yatang katapusan lahat ng kwento niya tungkol sa lalaking iyon.
Para bang hindi siya nauubusan. Bakit nga ba ang dami niyang impormasyon tungkol kay Travis? Para bang pati pag-ikot ng bituka nito ay alam niya. Don't tell me ini-stalk niya si Travis? Bakit niya nga ba alam lahat ng personal infos ni Travis?
"Pakiramdam ko mahal na mahal naman ni Travis si Ma'am Georgina. Minsan nakikita ko silang magkasama sa opisina ni Travis. Madalas ko rin silang makitang kumain sa labas. Minsan nga ay naiinggit ako sa relasyon nilang dalawa. Fixed marriage lang pero ramdam na ramdam mo talagang mahal na mahal nila yung isa't isa. I wonder kung may nangyayari na sa kanilang dalawa. Iba kasi yung mga titig ni Travis kay Ma'am Georgina..."
"Hindi ka pa ba inaantok, Nathalie?" tanong ko sa kanya nang makita kong medyo madilim na sa labas. "Mukhang nagbabadya rin ang ulan sa labas—"
"Are you jealous?" natatawa niyang putol dahilan upang kunot noo akong lumingon sa kanya. "Nagkukwento ako tungkol kay Travis at sa fiance niya tapos bibira ka ng ganyan? Don't tell me you're jealous?"
"I'm not, Nathalie," singhal ko sa kanya na ikinabungisngis niya. "Inaalala lang kita. Medyo malalim na rin ang gabi at baka nga umulan. Hindi ka... pa ba... inaantok?"
"Come on, Empress. Nandito tayo sa coffee shop. Nakailang tasa na tayo ng kape tapos ine-expect mo na aantukin ako? Lalo na sa topic nating dalawa?" natatawa niya pang sambit na ikinangiwi ko. "Bakit kaya hindi mo na lang aminin sa akin na nagseselos ka whenever babanggitin ko si Travis at si Ma'am Georgina? Hindi mo ba matanggap na masaya na siya sa iba?"
"I'm not jealous, Nathalie," mataman kong sambit na muli niyang ikinahagikgik.
"Okay, fine. Sabi mo, eh."
Hindi roon natapos ang kwentuhan at pagkikita namin ni Nathalie. Tulad nga ng sinabi niya, marami siyang ikinwento tungkol kay Travis at sa fiance raw nito. Minsan sa sobrang dami ng kwento niya, tila ba hindi ko na ito nagagawa pang sundan. Baka nga dahil sa sobrang tagal ng absence ko kaya ganito na lang karami ang kwento niyang tila ba inipon ng panahon.
Tuloy-tuloy ang pagbuhos ng impormasyon sa akin tungkol kay Travis. Nakakatawa lang isipin na tila ba nawalan ako ng gana simula nang nabanggit niya sa akin na engaged na raw ito. Kung engaged na nga ito at talagang masaya na siya sa fiance niya, then I think wala na akong magagawa pa roon.
Oo, mahal ko siya pero hindi naman yata tamang sumira ako ng relasyon para lang makuha ko ang gusto ko, hindi ba? Ang pangangabit ay para lang sa mga jologs at jejemon.
"Hindi ka ba nabo-bored sa condo mo?" tanong niya habang naglalakad kami sa seaside. "I mean, well... may dalawang buwan ka na rin naman dito sa Pilipinas. Nakaka-bored kaya kapag wala kang ginagawa sa suite mo. Ikaw na rin mismo ang nagsabi sa akin na hindi na rin active ang social media accounts mo."
"Dahil wala namang interesting sa newsfeed ko," sagot ko sa kanya bago kami huminto sa paglalakad at umupo sa bench na nadaanan namin. "Hindi rin naman ako magtatagal dito sa Pilipinas. Expected na ng parents ko na uuwi ako sa susunod na linggo."
Nang dahil sa sinabi ko ay agad na umangat ang kilay niya. "Aalis ka na naman?" singhal niya na marahan kong tinawanan. "Pwede ba, Empress? Kailan ka ba mananatili sa iisang lugar? Sa s*x nga hindi ka pwedeng mag-stay sa iisang posisyon. Syempre dapat—"
"Paano tumalon sa s*x ang usapan?" Singhal ko na tinawanan niya. "Hindi naman sa aalis ako. May mga bagay kasi akong kailangang balikan sa Spain."
"Tulad ng ano? Boyfriend?"
Bahagya akong natawa sa sinabi niya. "Wala akong boyfriend, Nathalie," saad ko bago lumingon sa kanya. "Ikaw ba? I'm sure may boyfriend ka na. Baka nga engaged ka na ngayon. Hindi mo lang binabanggit sa akin."
"Wala pa akong boyfriend, Empress, and wala akong panahon para dyan. Medyo strict ang boss ko kaya kailangan kong magpaka hands on sa work ko," sagot niya bago sumandal sa kinauupuan at lumingon sa akin. "So, you're single now?"
"May sinabi ba akong taken ako?"
"Wag mo nga akong pinipilosopo!" singhal niya na marahan kong tinawanan. "Single ka pala. Bakit kaya hindi ka na lang makipag-connect kay Lucas? I'm sure hanggang ngayon ay may gusto pa rin sa 'yo yon."
Sumama ang mukha ko nang dahil sa sinabi niya. Hindi naman niya napansin ang reaksyon ko kaya naman wala akong ibang nagawa kung hindi ang bumuntong hininga.
"Kapatid na ang turing ko kay Lucas at... imposibleng magkagusto ako sa kanya, Nathalie."
"Why naman?" natatawa niyang saad na hindi ko kinibo. "Gwapo naman si Lucas at mabait kumpara kay Travis. Misnan nga napapatanong na lang ako sa sarili ko. Almost parehas lang naman silang dalawa. Lumamang lang si Travis sa looks habang si Lucas naman ang nangunguna sa kabutihang asal."
Muli siyang lumingon sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit tila ba may pang-aakusa sa mga mata niya nang binalingan niya ako ng tingin.
"So mas preferred mo na pala ngayon ang looks over attitude?"
"What?" natatawa kong sambit saka ko lang na-relaize ang tungkol kay Lucas at kay Travis. "No, Nathalie. Hindi mo kasi nakukuha ang ipinupunto ko."
"Nah. Wag ka nang mag-explain. Buko na kita," aniya na ikinasimangot ko na lang.
Tulad ng inaasahan ko, muli na namang tumalon nang tumalon ang usapan naming dalawa. Ang topic namin tungkol sa dalawa ay agad na napalitan ng tungkol sa tsokolate. Nang mapunta ang usapan namin tungkol sa background ko sa Spain, tsaka pa lang ako nabuhayan ng loob. Paulit-ulit niyang tinanong sa akin kung anong tinapos ko sa collge at tulad nga ng inaasahan ko, kabi-kabilang offer na naman ang ibinigay niya sa akin.
"Magsasama tayo sa iisa g firm kung papayag ka!" natatawa niyang sambit.
Tulad ng inaasahan ko, paulit ulit niya akong pinilit sa isang bagay na ayaw ko. Sinabi ko na sa kanya na dalawang buwan lang akong mananatili rito sa Pilipinas. Wala akong intensyong patagalin ang pananatili ko rito at mas lalong wala akong balak na manirahan dito upang dito magtrabaho. Hindi ako kumbinsido na manirahan dito. Hindi nga ako uuwi dito kung hindi dahil kay Pablo. Minsan ay sinisisi ko siya. Pagkatapos niya kasi akong dalhin dito, iiwanan niya na lang ako nang walang paalam. Pakiramdam ko tuloy ay isa akong kuting na iniwan sa gilid ng daan ng nanay niya.
Nakakapikon, sa totoo lang. But then, narito na ako. May magagawa pa ba ako gayong nandito na ako?
"Ikaw si Empress Faye Tyler?"
Pinagmasdan ako ng head manager magmula ulo hanggang paa. Wala akong nagawa kung hindi ang lihim na ngumuso habang patuloy siya sa pag-e-exam-in sa kabuuan ng mukha ko. Paulit-ulit din ang tingin niya sa mga dokumentong hawak niya na naglalaman ng mga credentials ko.
Nagkasundo na kaming dalawa ni Nathalie na never akong magtatrabaho rito sa Pilipinas. Nasabi ko na rin sa kanya na hindi ako magtatagal rito. Hindi ko alam kung bakit tila ba nagbago na naman ang isip ko. Para tuloy akong nahipnotismo sa paulit-ulit niyang pamimilit sa akin.
Nagtapos ako sa isang esklusibong paaralan sa Spain kaya I'm sure na matatanggap ako sa kumpanyang ito lalong lalo na sa posisyon ko. Hindi ko gamay ang ganitong klase ng line of work, but then I had no choice. Kung hindi lang dabil sa pinilit ako ni Nathalie na mag-apply rito sa trabaho niya, baka nga hindi na ako sumubok pa.
"Bakit ngayon ka lang?"
Mabilis na lumapit sa akin si Nathalie at agad na niyugyog ang mga balikat ko. Kapapasok ko lang sa wing. Halos lahat ng kasama namin roon ay aligaga na sa mga trabaho nila. This is my first day of work kaya naman expected ng lahat na gagawa ako ng mga bagay na pwede nilang ika-impress. Sa halip na pa-impress-in sila, tila ba nadismaya ko pa sila.
Intern na medyo palpak sa first day. Ganito ko mailalarawan ang sarili ko.
"This is your first day of work, Empress!" muli pang paalala ni Nathalie na pasikreto kong inismiran. "Dapat pumaaok ka nang mas maaga! Bago ka kaya dapat lang magpa-impress ka sa lahat!"
"Malay ko bang traffic pa rin dito sa Pilipinas," singhal ko sa kanya bago ko tinanggal ang mga kamay niya sa balikat ko.
"Traffic? Tingin mo ba tatanggapin yang reason mo ng boss natin?" singhal niya na muli kong inismiran. "Kanina pa siya nandito, Empress! Kanina pa naipakilala lahat ng intern na kasabayan mo sa trabaho! Ikaw lang ang hindi niya inabutan! Ikaw lang ang hindi niya nakita!"
"Kumalma ka nga, Nathalie," singhal ko sa kanya bago ibinaba ang bag ko sa mesa ng cubicle ko.
Hindi pa man ako nakakaupo sa swivel chair ay agad na akong hinawakan sa braso ni Ma'am Elisse. Aaminin kong nagulat ako. Hindi lang kasi iyon basta hawak. Hinigit niya ang braso ko para lang mapaharap ako sa kanya!
"First day of your work pero late ka?" saad nito na bahagya kong ikinayuko at ikinanguso. "Anong reason mo ngayon, Miss Empress?"
"Traffic po kasi—"
"Ma'am Elisse, nandyan na po si Sir!" sabat ng isa na nakakuha sa atensyon ng babaeng kaharap ko.
Umismid siya rito bago lumingon sa akin ng may nagbabantang tingin sa mga mata niya.
"Huwag kang magpaliwanag sa akin. Sa kanya ka magpaliwanag," saad nito patungkol sa boss namin.
Nang nagdesisyong lumakad palayo sa akin si Ma'am Elisse saka lang nagkaroon si Nathalie ng pagkakataon na lumapit sa akin. May ngising nakaukit sa labi niya nang makita niya ang reaksyon ko. Wala naman akong nagawa kung hindi ang magbaba ng tingin nang dahil sa labis na pagkapahiya.
"Nandyan na raw si Sir. Anong kayang mararamdmaan mo kapag nakita mo siya?" natatawa niyang tanong.
"Matatakot?" patanong kong sagot na ikinatawa niya.
Inabot pa ng ilang minuto bago ko narinig ang pagiging abala ng mga empleyadong kasama namin. Base sa mga kilos at galaw nila, tila ba takot na takot sila sa boss na tinutukoy nila. Ang sabi ni Nathalie at ng manager na nakausap ko last week ay medyo suplado at istrikto raw ito. May kaba akong nararamdaman pero hindi naman iyon ganoon kalala. Syempre mas lamang pa rin para sa akin yung takot na muling magkrus ang landas naming dalawa ni Travis.
Speaking of him, until now ay wala pa rin akong balita tungkol sa kanya. Hindi ko na rin ninais na makibalita kay Nathalie tungkol sa kanya dahil baka kung ano na lang ang isipin niya. And aside doon, tila ba nawalan na rin ako ng interes sa kanya lalo na nung malaman kong ikakasal na siya sa ibang babae.
"I'm sure magugustuhan mo siya," sambit ni Nathalie bago siya mapaglarong ngumiti sa akin. "Matagal ka rin niyang hinanap, Empress. Paniguradong magugulat iyon kapag nalaman niyang nandito ka at nagtatrabaho ka mismo sa kumpanyang siya mismo ang nagmamay-ari."
"Anong sinasabi mo, Nathalie?" tanong ko.
Bago pa man siya makasagot, kitang kita ko na ang paghinto ng sapatos ng kung sino sa harapan ko. Pinagmasdan ko ang makintab nitong sapatos at halos manliit ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang repleksyon ko rito.
"Ito nga pala si Empress Faye Tyler, Sir. Bagong intern sa departamentong ito," pakilala ni Ma'am Elisse sa akin sa lalaking nakatayo sa harapan ko.
Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa harapan ko hanggang sa tuluyan na ngang nagkrus ang mata naming dalawa ng lalaking nasa harapan ko.
"Empress, this is Georgina and Chester Travis," pakilala ni Ma'am Elisse.
Napako ang tingin ko kay Travis. Tila ba naging bingi rin ang tenga ko sa mga sinasabi ni Ma'am Elisse. Sa gilid ni Ttavis ay naroon ang rumored girlfriend niya. Tila ba nagtataka siya sa reaksyon ko sa harap ng boyfriend niya.
"T-Travis," utal kong sambit sa pangalan niya.
Gulat at takot ang unang bumakas sa mukha ko nang mariin niya akong tinitigan magmula ulo hangang paa. May ngiting umukit sa labi niya nang lumingon ako roon pero agad din iyong naglaho nang mapansin niya siguro ang titig ko roon. Mabilis niyang pinasadahan ng dila ang labi niya bago siya umayos ng pagkakatayo sa harapan ko. Humalukipkip siya at mataman akong tinitigan magmula ulo hanggang paa.
"So, ikaw pala ang bagong intern na magiging sakit ng ulo ng kompanya ko?" saad ni Travis dahilan upang mas lalo akong manliit. "Ayusin mo ang trabaho mo rito, Empress. Bawal ang tamad at bawal din ang late tulad ng ginawa mo kanina. Hindi pwede ang makikitid ang utak sa kompanya ko, Miss Tyler."
"Do you know her, Travis?" tanong ng babae sabay pulupot ng kamay sa braso ni Travis.
Bahagyang nagtiim bagang si Travis bago siya ngumiti sa babae at umiling.
"No at hindi ako interesado sa kanya," sagot ni Travis.
Hinintay ko silang maglakad palayo habang ako naman ay walang ibang nagawa kung hindi ang manahimik sa posisyon ko.
Makikitid ang utak? Tingin niya makitid ang utak ko?
Hindi raw siya interesado sa akin.
Bahagya akong natawa nang dahil sa mga naiisip ko pero agad ding naglaho iyon nang mapagtanto ko kung anong ibig niyang sabihin kanina. Hindi siya interesado sa akin. Dapat ko bang ikatuwa ang bagay na iyon?