CHAPTER TWENTY-ONE

2478 Words
May parte sa akin ang natuwa dahil natitiyak kong hindi na ako mahihirapan lalo na't hindi naman pala siya interesado sa akin. Ibig lang sabihin no'n ay wala siyang pakialam. May parte rin naman sa akin ang nalungkot nang dahil sa narinig. Nalungkot nga ba ako nang dahil lang sa sinabi niyang wala siyang pakialam sa akin, o baka naman nalungkot lang ako nang dahil sa nasaksihan ko kanina? Maraming nagbago kay Travis. Medyo nagkaroon siya ng laman ngayon. Bahagyang tumangkad at naging matipuno ang katawan. Aaminin ko na medyo gumwapo nga siya ngayon at hindi ko ipagkakaila ang bagay na iyon. Tulad ng dati, naroroon na naman ang walang kwenta niyang emosyon. Lastly, ito pa lang ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko siyang ngumiti, hindi nga lang sa akin. Ngumiti siya sa girlfriend niya. Ang buong akala ko dati, magagawa ko siyang pangitiin noon. Sa bagay, sino nga bang matutuwa sa mga paghahabol ng ginawa ko sa kanya noon? Wala naman akong ibang ibinigay sa kanya kung hindi ang dismaya at kahihiyan, hindi ba? Pakiramdam ko tuloy ay gusto kong bumalik sa nakaraan. Kung maibabalik ko lang ang oras, e 'di sana ay hindi ko na siya ginulo. Kung hindi ko ba siya hinabol, may chance ba na maging magkaibigan kaming dalawa? Kahit hindi na magkaibigan basta't tratuhin niya lang ako nang civil. Tratuhin niya akong bilang tao, hindi bilang isang ligaw na hayop na animong itinataboy palayo sa kanya. "Tulala ka yata?" natatawang puna ni Nathalie pagkalipas ng ilang oras. Dumiretsyo si Travis at yung girlfriend niya sa opisina nito. May ilang oras na silang nananatili roon sa loob. Ni hindi ko nga alam kung anong ginagawa nila roon. Ang sabi ni Nathalie ay hindi naman daw nagtatrabaho yung babae rito kaya naman hindi ko tuloy maintindihan kung bakit naroon pa rin sila hanggang ngayon. Ano namang gagawin ng dentista sa opisina niya? May appointment ba si Travis sa kanya? Baka naman bubunutan niya ng ngipin si Travis? "Empress..." Kunot noo akong lumingon kay Nathalie nang bahagya niyang tinapik ang balikat ko. Tulad ng nakagawian ko na, naroroon na naman ang ngisi sa labi niya habang nakatitig sa akin. "Tulala ka, ah? May problema ba?" natatawa niyang tanong bago siya humila ng upuan at umupo sa tabi ko. "Dahil ba 'to kay Travis?" dagdag niya pa. Hindi ako kumibo kaya naman mas lalo siyang natawa. "Gulat ka, ano? Nawala ka bigla sa sarili mo nung nakita mo siya kanina," puna niya pa na mas lalo kong ikinagalit. "Gwapo pa rin ba o baka naman nagseselos ka lang—" "Hindi mo man lang sinabi sa akin na siya ang boss dito, Nathalie!" singhal ko. Mabuti na lang at lunch break ngayon. Nasa cafeteria ang ilan sa mga kasama namin sa wing habang ang ilan naman ay natutulog. Medyo malayo sa amin ang cubicle ng mga natutulog kaya naman kahit na papaano ay kampante ako na walang makakarinig sa usapan naming dalawa ni Nathalie. "Kung alam ko lang na siya ang boss dito, e 'di sana ay hindi na ako pumasok dito!" singhal ko pa na ikinatawa niya lang. "Sana pala bumiyahe na lang ako pabalik sa Spain..." "Aalis ka na naman?" singhal niya dahilan upang masama ko siyang balingan ng tingin. "Sabagay, trabaho mo nga pala yan. Hilig mo nga pala ang tumakas." "Nathalie, hindi mo kasi ko nage-gets," singhal ko na inismiran niya. "Alam mo naman yung hirap na dinanas ko nang dahil sa kanya, hindi ba? May isang taon din akong bumibisita sa psychiatrist nang dahil lang sa traumang inabot ko sa kanya! Palibhasa kasi, wala kang pakialam sa nararamdaman ko." "Hindi ka naman magkakatrauma kung nung una pa lang, iniwasan mo na siya, Empress," aniya dahilan upang iiling iling akong nagbaba ng tingin. "Nandito na tayo, Empress. Nakita ka na niya. Nakita mo na siya. Sa tingin mo ba may magbabago pa kung aalis ka?" May magbabago kung hindi lang ako napasubo sa opportunity na sinasabi ni Nathalie. Hindi ko alam na ito pala ang opportunity na sinasabi niya! Kung nung una pa lang, sinabi niya na sa akin na si Travis ang boss niya, e 'di sana ay hindi na ako umuwi rito. Kaya nga ako pumasok dito dahil gusto ko siyang makalimutan! Gusto kong libangin ang sarili ko! Paano ko na lilibangin ang sarili ko niyan kung kasama ko na naman sa iisang lugar yung lalaking iyon? Tila ba nakatulong para sa akin ang makita muli si Lucas. Pagkaraan lang ng dalawang linggo, nakatanggap din ako sa wakas ng tawag mula kay Lucas at nang sandaling magyaya siyang kumain kasama ni Nathalie, hindi na ako nagdalawang isip pa na pagbigyan siya. "Empress, mas lalo ka yatang gumanda ngayon, ah?" natatawa niyang sambit sabay yakap sa akin na nakangiti ko namang ginantihan. Wala kaming off sa trabaho. Medyo busy rin si Lucas sa trabaho niya sa isang private firm kaya naman sobrang hirap para sa amin ang makahanap ng oras para lang magkita-kita. Narito kami ngayon sa lobby ng company ni Travis. It's a good thing at wala siya. Kahit na papaano ay nagkaroon naman kami ng chance na makapagmuni-muni. Hindi ko alam kung sinasadya ba talaga ni Travis na pahirapan ako. Intern pa lang ako pero kabi-kabila na ang trabahong ipinapabigay niya sa akin. Minsan ay hindi ko na siya maintindihan pa. Mabuti na lang talaga at bihira lang siya kung lumabas sa opisina niya. "It's so nice to see you again, Empress," saad niya bago kami umupo sa couch. "Pwera biro, mas lalo kang gumanda ngayon." Suminghal si Nathalie sa gilid ko kaya naman bahagya pa kaming lumingon sa kanya. "Paano naman ako, Lucas? Mukha ba akong pangit para sa 'yo?" "No," sambit ni Lucas dahilan upang bahagya pa siyang napanguso. "Actually, mas gusto ko lang ang features ng mukha ni Empress. Mukhang anghel, unlike you, mukha kang siopao na walang palaman." "What the heck?" singhal ni Nathalie bago siya umamba ng suntok kay Lucas dahilan upang natatawa itong bumaling ng tingin sa akin. Maraming nagbago sa mukha ni Lucas. Medyo tumangkad ito tulad ni Travis. Tulad ng dati, gwapo pa rin ito. Naroon pa rin ang pagsasalubong ng mga kilay niya sa tuwing magsasalita siya. Medyo nag-matured ang mukha niya. Hindi ko alam kung dulot ba iyon ng stress o sadyang nag-matured lang talaga ng kaunti ang itsura niya. Marahan akong bumaling ng tingin sa peklat na nasa gilid ng sintido niya. Hindi ito halata sa malayo pero kung susuriin mo sa malapitan, halatang halata ito. Ang kwento ni Nathalie at kwento niya rin ngayon, muntik na siyang mamatay sa car accident may ilang taon na ang nakalilipas. Wala siyang lisensya noon at dahil nga sa kagustuhang makapag-drive ng kotse, hindi niya na nagawa pang i-check ang kotse bago niya ginamit. Mabuti na lang daw at mabilis silang naisugod sa ospital dahil kung hindi, baka wala na sila ngayon dito sa harap ko. Gusto ko ngang magulat dahil hindi naman nabanggit sa akin ni Nathalie na kasama siya ni Lucas nung mangyari ang aksidente. Sa kabutihang palad ay wala naman itong natamong sugat, hindi tulad kay Lucas na muntik nang mawalan ng utak. "Okay ka na ba ngayon kung ganoon?" tanong ko. Mabilis kong pinasadahan ng haplos ang peklat na nasa gilid ng sintido niya. Kitang kita ko naman ang pamumula ng kabuuan ng mukha niya kaya naman wala akong ibang nagawa kung hindi ang matawa lalo na nang siya na mismo ang umiwas sa mga haplos ko sa kanya. "Stop doing that, Empress. Alam mo namang—" "Oo na," pagsuko ko kasabay ng pagtawa. Sa loob ng ilang araw na pananatili ni Lucas sa Taguig, mas lalo lang napapadalas ang pagkikita namin. Minsan ay lumalabas kami upang mag-party at kumain na rin. Minsan naman ay nanonood kami ng sine nila Nathalie. Syempre kapag usapang sine, si Nathalie ang bida dyan. Sa tuwing wala naman kaming time na magkita-kita sa labas, si Lucas naman ang bumibisita sa amin ngayon sa lobby. Minsan ay magdadala siya ng lunch para sa aming dalawa ni Nathalie lalo na sa tueing hindi kami nakakalabas nang dahil sa trabaho. Ewan ko ba pero para bang binabawi lang namin yung mga oras na nasayang naming tatlo nang dahil sa kakitiran ng utak ko noon. "Oh, nandito ka na naman?" natatawang sambit ni Nathalie nang makita niya si Lucas. Agad kaming nagtungo roon nang tinawagan niya kami kanina. Mabuti na lang at hindi gaanong strict sa lobby. Doon kami madalas na nagkikita-kita at kapag sinuswerte at hindi gaanong busy, doon na rin kami kumakain. He's wearing navy blue na suit. Bagay na bagay rin sa kanya ang clean cut niyang buhok. Mas lalo lang nitong nadepina ang serious look niya. "Napapadalas ang pagbisita mo kay Empress, Lucas, ah? May plano ka ba?" ngisi ni Nathalie bago siya nakangising lumingon sa akin na inismiran ko. Umupo kami sa tapat ni Lucas at marahang pinagmasdan ang mga pagkaing binili niya bago pa man siya nagpunta rito. "Parang gusto ko na ring mag-apply rito," sagot ni Lucas sa kanya bago sila natawa. "Imposible yang sinasabi mo. Bawal raw ang makikitid ang utak dito," saad ni Nathalie bago siya ngingisi ngising lumingon sa akin na pasimple kong inirapan. "Hindi ba, Empress?" "Paano ka nakapasok dito kung ganoon?" biro ni Lucas dahilan upang mag-away pa sila sa harap ko. "Bumili nga pala ako ng chicken curry. Alam kong paborito mo yan, Empress. And of course..." Inabot niya sa akin ang isang maliit na tupperware na nakanguso kong binuksan. "Pickled r****h. Of course hindi mawawala iyan." "Thank you, Lucas. May... anim na taon ko ring hindi natikman 'to," natutuwa kong sambit na ikinangiti niya. Nagsimula kaming kumain. Hindi nawala ang kwentuhan sa amin kaya naman inabot pa kami ng ilang sandali bago kami natapos sa lunch namin. "Kumusta ka naman, Empress?" muling pagbubukas ni Lucas ng usapan dahilan upang mag-angat ako ng tingin sa kanya. "I mean... nabanggit na sa akin ni Nathalie na boss mo raw si... Travis. I just want to ask kung pinapahirapan ka ba niya?" "Hindi naman..." "Anong hindi?" singhal ni Nathalie bago siya lumingon kay Lucas habang nakaduro sa akin. "Paulit-ulit niyang binibigyan ng trabaho 'to, to the point na hindi na siya nakakapag lunch nang maayos." "Totoo ba yon, Empress?" kunot noong baling nito sa akin na bahagya kong ikinanguso. "Kind of..." "Kind of mo mukha mo," singhal niya dahilan upang umismid na lang ako at hindi na nagsalita. "Alam mo yang si Travis, konting konti na lang talaga, mapipikon na ako dyan. Kung hindi ko kang talaga siya boss, baka sinaksak ko na yung tagiliran ng lalaking iyan. He's such an asshole—" "Miss Choi," tawag ng isang pamilyar na boses sa likuran namin. "Yes, Sir?" Dagliang tumayo si Nathalie sa kinauupuan niya at gulat na gulat na lumingon sa direksyon ni Travis na ngayon ay kunot noong nakatitig sa amin. Lumipat ang mga mata niya sa mga tupperware na nasa ibabaw ng mesa bago siya lumingon sa akin at sa pickled r****h na naroon. Kitang kita ko ang panguso niya bago niya pinasadahan ng dila ang labi niya. "Proceed to my office, now," utos nito kay Nathalie bago siya lumingon kay Lucas. "At ikaw, visitors are not allowed during office hours. Bumalik ka na sa lungga mo kung saan ka nanggaling." Ako naman ang binalingan niya ng tingin ngayon bago siya umismid at bumulong. "Bonehead," dagdag niya pang insulto sa akin bago siya lumayas. "B-Bonehead?" singhal ko sabay duro sa sarili. "Tama ba ang narinig ko? Tinawag niya akong bonehead?" Lumingon ako sa mga kaibigan ko. Nakakunot langa ng noo ni Lucas habang si Nathalie naman ay animong nagpipigil ng tawa. Nang mahusto ay agad niya nang inayos ang sarili bago siya sumunod kay Travis. "That man. Wala pa rin siyang pinagbago," bulong ni Lucas kasabay ng pag-iling na binalewala ko na lang. Hindi lang doon natapos ang pagkikita namin ng mga kaibigan ko. Minsan nga ay lumiliban pa kami sa work dahil napupuyat kami sa pagna-night out tuwing gabi. Well, ako lang ang lumiliban dahil para kay Nathalie, importante ang trabahong ito. Minsan niya na ring nasabi sa akin na sobrang proud daw sa kanya ang daddy niya nang malaman ng mga ito na nakapasok siya sa CNB kaya naman natitiyak kong hinding hindi siya gagawa ng kalokohan para lang matanggal sa posisyong mayroon siya sa kompanyang ito. Kung gaano siya ka-eager na magtrabaho rito, siya namang ikinatamad ko. Well, para sa akin ay wala na akong pakialam kung matanggal ako sa trabaho ko. To be honest, iyon na lang talaga ang hinihintay ko para lang makaalis ako sa impyernobg ito at nang sa ganoon ay hindi na rin kami magkita pa ni Travis. "Nahihilo na ako, Nathalie," saad ko nang makita siyang nilalagyan na naman ng alak ang baso ko. "Hindi ako pwedeng magpakalasing. Magmamaneho pa ako." "Wag ka ngang kill joy, Empress. Ngayon lang 'to oy," sagot niya sa akin na inismiran ko na lang. "Parang hindi ka sanay na p-um-arty, ah? Mahigpit ba sa 'yo yung mga magulang mo nung nasa Espanya ka?" Sa halip na sumagot ay umismid na lang ako sa kanya. Wala silang kaalam-alam na medyo wild ako sa Barcelona hindi tulad dito. Siguro kung hindi lang ako nalulong kay Travis before, baka nga wala na sa akin ngayon ang virginity ko. Biruin mo yon, may maganda pa lang maidudulot sa akin ang pagkakalulong ko sa kanya. "Tara, sayaw!" saad ni Nathalie bago niya sinubukang yayain sa dance floor si Lucas. "Tumayo ka naman dyan! Kanina ka pa nakaupo dyan, ah? Wala ka bang planong lumandi?" "Nahihilo na ako, Nathalie, and please lang... ayaw kong sumayaw lalo na kung ikaw lang ang makakasayaw ko," sagot ni Lucas. Bahagyang ngumuso si Nathalie sa kanya bago umismid dito at lumingon sa akin. Dahil nga sa hindi niya magawang hilahin si Lucas, ako ang pilit niyang hinila patungo sa dance floor. Maraming ilaw. Maraming tao sa paligid. Halos lahat ng naroroon ay tumatalon talon sa saliw ng musika. Bahagya akong nahilo sa mga nakita ko. Hindi ko alam kung epekto lang ba iyon ng alak o baka naman sadyang sensitive lang ang mga mata ko sa ilaw ngayon. Bahagyang nangunot ang noo ko nang makita ko ang isang pamilyar na pigura ng isang lalaki sa gilid. Nang sinubukan kong kusutin ang mga mata ko, wala na ito roon nang muli ko siyang binalingan ng tingin. "Imposible naman naririto si Travis," bulong ko sa sarili kasabay ng panguso. Nawala na sa dagat ng tao si Nathalie kaya naman sinubukan kong bumalik ulit sa table namin nila Lucas. Bago pa man ako makarating sa table namin, agad na akong natigil sa paglalakad nang bigla na lamang may humila sa akin pabalik sa pwesto ko kanina. "What the f**k!" singhal ko bago bumaling sa lalaking nagayon ay nakangiti sa harapan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD