CHAPTER TWENTY-TWO

3063 Words
Si Travis? Imposibleng magpunta sa ganitong klase ng lugar yung lalaking iyon kaya imposible yung bulto ng lalaking nakita ko kanina sa dulong bahagi ng service island. Travis. Ano nga bang gagawin niya sa ganitong klase ng lugar? Hindi ba't kill joy iyon? Nandito ba siya para guluhin ang night out naming tatlo ng mga kaibigan ko? "What the f**k?" singhal ko nang bigla na lamang may humatak sa braso ko palayo sa lugar na iyon. "Ano ba!" sigaw ko pa. Kunot noo kong nilingon si Travis na ngayon at tiim bagang na nag-iwas ng tingin sa akin. Gusto kong magulat dahil hindi ko inaasahan na magkakasalubong kami sa lugar na ito, pero nanaig sa akin ang galit nang dahil sa ginawa niyang paghatak sa braso ko. Pakiramdam ko ay ito pa lang ang kauna-unahang pagkakataon na hinawakan niya ako. Tama, hindi ba? Ito pa lang ang kauna-unahang pagkakataon na hinawakan niya ako. Dati rati ay para siyang babae kung makapandiri sa tuwing magkakadikit kaming dalawa. Nakakagulat lang talaga. Sandali lang. Ano nga bang ginagawa niya rito at bakit niya ako hinatak palayo sa lugar na iyon? "Anong problema mo at bakit nandito ka?" singhal ko sa kanya dahilan upang matalim niya akong binalingan ng tingin. "Sinusundan mo ba ako?" Tumawa siya. Sarkastiko tulad ng paraan ng pakikipag-usap niya sa akin magmula noon hanggang ngayon. "Why would I?" tanong niya bago humalukipkip. "I just want to ask you. Anong ginagawa mo rito?" "Hindi ba obvious? Malamang nagpa-party," sagot ko sa kanya. "Nagpa-party?" natatawa niyang sambit. "Nagpa-party? Yan ba ang reason kung bakit hindi ka pumasok sa opisina kanina? Para mag-party?" "Ano namang pakialam mo?" reklamo ko sa kanya. "At saka, kung ayaw mo sa lahat ng ginagawa ko, tanggalin mo na lang ako sa trabaho ko, Travis. Hindi mo na ako kailangang ipahiya sa harap ng maraming tao tulad ng ginawa mo noon." "Bakit nahihiya ka ba?" Kunot noo akong lumingon sa kanya na ikinangisi niya. "Pumasok ka bukas," bilin niya pa. Wait lang. Nagpunta ba siya rito para sabihin sa akin ang bagay na iyon? Kung hinanap niya ako sa opisina kanina at kung gusto niya akong pumasok sa trabaho ko bukas, bakit kaya hindi niya na lang ipinadala kay Nathalie ang message niya para sa akin? "Talagang nag-effort ka pang hanapin ako rito sa bar para lang ipaalala sa akin ang bagay na iyan?" singhal ko sa kanya na ikinasama ng mukha niya. "Okay, Travis. Papasok ako bukas. Masaya ka na ba?" "I am your boss, so tawagin mo ako sa paraan ng pagtawag mo sa akin sa tuwing nasa opisina tayong dalawa." "Too bad. Wala tayo sa opisina ngayon," sagot ko sa kanya kasabay ng ngisi na animong nang-aasar. "Tatawagin kita sa pangalang gusto ko kapag nasa labas tayo. Naiintindihan mo ba ako, Jumbo?" Maa lalo lamang sumama ang mukha niya nang dahil sa sinabi ko. Hindi ko na rin siya hinintay pa na magsalita at sa halip na makinig sa mga reklamo niya, ngingisi ngisi na lang akong umalis sa lugar na iyon. "Anong ngiti yan, Empress?" tanong ni Lucas nang makalapit ako sa table naming tatlo. "Siguro..." "Wala," sagot ko sa kanya. Bahagya siyang natawa nang umismid ako. Ewan ko ba pero tila ba mas lalo lang akong nabuhayan nang magkrus ang landas naming dalawa ni Travis kanina. Kanina lang ay langong lango na ako sa alak, pero nawala ang pagkalasing ko nang magkita kaming dalawa, sa mismong dance floor pa. Ano namang ginagawa niya sa dance floor kanina at doon kami nagpang-abot? Nandito rin ba yung fiance niya? Marahan kong inikot ang mata ko sa buong club upang hanapin ang girlfriend niya. Habang inililibot ko ang mga mata ko sa bar, hindi ko na naiwasang mapainom sa wine na hawak ko. Nang muling magkrus ang mata naming dalawa mula sa malayo, halos pumasok sa ilong ko ang wine na ininom ko nang dahil sa labis na pagkabigla. "Oh, anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Lucas bago siya nag-abot ng tissue sa akin na tinanggap ko. Kitang kita ko ang pag-ismid ni Travis sa direksyon ko bago siya lumingon sa bartender na nasa harap niya. Anong ginagawa niya? Ito na ang pangalawang pagkakataon na nakikita kong sumusulyap siya sa pwesto ko, ah? "Why do I feel like nakita ko si Travis sa service bar kanina?" tanong ni Nathalie nang bumalik muli siya sa mesa namin. Hindi tulad kanina, bahagya nang namumula ang mukha niya ngayon. Medyo malamig rito ngayon kaya naman kahit na bakas na bakas na sa mukha ni Nathalie ang pagod, ni minsan ay hindi ko siya nakitaan ng pawis. "He's actually here," sagot ko sa kanya dahilan upang kunot noo silang bumaling ng tingin sa akin. "Hinila niya ako sa dance floor kanina." "Oh really?" gulat at animong binudburan ng asin na sambit ni Nathalie bago siya sumandal sa mesa at lumingon sa akin na animong excited sa balita ko. "Nagsayaw ba kayong dalawa? Inaya ka ba niyang mag-date? Mag-lunch?" "Ininsulto niya ako," sagot ko. "What?" si Lucas. Nang dahil sa sinabi ko ay bahagyang nangunot ang noo nilang dalawa. Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang ngumiwi at tuluyan na ngang umamin sa kung ano nga ba ang sinabi sa akin ni Travis kanina. Tulad ng inaasahan ko, humalakhak si Nathalie habang si Lucas naman ay walang ibang nagawa kung hindi ang umismid at muling bumaling ng tingin sa phone niya. "Pumasok siya rito para lang insultuhin ka?" natatawa niya pang sambit na muli kong inismiran. "Ang buong akala ko talaga, inaya ka na niyang magsayaw. Talagang walang katapusan yang away niyong dalawa, ano? Kailan ba kayo titigil?" "Kapag tinantanan niya na ako." Nang dahil sa sinabi ko ay wala ng ibang nagawa si Nathalie kung hindi ang bumulalas sa kakatawa. Hindi ko alam kung ilang oras pa kaming nanatili sa bar na iyon. Pasado ala una na ng madaling araw ngunit hanggang ngayon ay puno pa rin ng mga tao ang bar kung nasaan kami. Ang sabi ni Nathalie ay dinadagsa raw talaga ng mga tao ang bar na ito lalo na tuwing saturday. Muli akong lumingon sa service bar upang hanapin ang pamilyar na bulto ng tao kanina ngunit halos makahinga ako nang maluwag nang hindi ko na siya makita pa. Muli kong nilingon ang dance floor kung saan ko siya nakita kanina at nang makita kong wala na siya, doon pa lang ako nakaramdam ng kaginhawaan. "Si Travis ba ang hinahanap mo?" tanong ni Nathalie dahilan upang kunot noo akong lumingon sa kanya. "Nakita ko siyang nagpunta sa parking lot kanina. Hindi ko alam kung umuwi na siya pero nung lumabas siya, hindi ko na siya nakitang pumasok." "That's good." "Hmm. That's good pero mukha kang nadismaya sa sinabi ko," pang-aasar pa niya na inismiran ko na lang. Lumingon ako kay Lucas nang makita kong abala pa rin siya magpahanggang sa ngayon. Kitang kita ko ang pagkakaunot ng noo niya habang nakatitig sa screen ng cellphone niya kaya naman hindi ko na naiwasan ang sarili kong kwestyunin siya. "Kanina ka pa tahimik dyan, Lucas, ah? May problema ba?" Lumingon siya sa akin at nakangiting umiling. Nang dahil sa tanong ko ay muli na naman naming nakuha ang atensyon ni Natahlie. "Bakit?" tanong nito. "Don't tell me may kinalaman na naman iyan sa tatay mo?" Hindi sumagot si Lucas sa sinabi niya kaya naman walang ibang nagawa si Nathalie kung hindi ang tatango tangong lumingon sa kanya habang nakangiwi. "Kung ako sa 'yo, umalis ka na sa bahay niyo," suhestiyon pa niya. "He's no good. Nawawala ka lang sa konsentrasyon mo nang dahil sa kanya." "Hindi maaayos ang alitan naming dalawa kung aalis ako and besides, ayaw kong iwanan si Mama, Nathalie," sagot nito. Mapaglarong ngumiti sa akin si Nathalie kaya naman natitiyak kong ang pag-alis ko na naman noon ang pupuntiryahin niya ngayon. "Narinig mo ba iyon, Empress?" Bwisit! "Hindi raw maaayos ang alitan nila kung aalis siya." "Tantanan mo nga ako, Nathalie," singhal ko sa kanya na tatawa tawa niyang inismiran. No'n ko lang nalaman at ikinuwento sa akin ni Lucas na may aiitan nga raw silang dalawa ng daddy niya. Hindi naman ito ganoon kaseryoso tulad ng inaakala ni Nathalie. Simpleng tampuhan lang at hindi naman ganoon kaseryoso. Alam ko naman na maaayos ang alitan nila kung mag-uusap lang silang dalawa. Kung hindi ba ako tumakas noon sa alitan naming dalawa ni Travis, may chance nga ba na magkaayos kaming dalawa? Malay ko baka kung nagdesisyon lang akong personal na humingi ng tawad sa kanya, e 'di sana ay magkaibigan na rin kami ngayon... or else baka kami pa ang nagkatuluyan. "Imposible," bulong ko sa sarili. Muli na namang nangunot ang noo ko nang hawakan na naman ako ni Nathalie sa braso. Sinubukan niya akong hilahin patayo kaya naman wala akong ibang nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya lalo na nang muli niya akong hinatak patungo sa dance floor. Nagsimulang magbago ang beat ng music kaya naman muli na namang naging wild ang mga taong abala na ngayon sa pagtalon. "Come on, Enpress! Sumayaw ka naman!" pamimilit niya pa. "Pagod na ako, Nathalie, at isa pa, lasing ka na!" "No! Hindi pa ako lasing," saad niya na inismiran ko na naman. "Tama na ang pagiging birhen, Empress. Magpadilig ka naman!" biro niya pa. "Huh?" saad ko na hindi niya na narinig. Sa pangalawang pagkakataon, muli na namang natabunan si Nathalie ng mga taong sumasayaw. Hindi ko alam kung saan na siya napunta o kung saang sulok na naman siya sumuot. Babalik na sana ako sa mesa namin ni Lucas nang bigla na namang may humila sa braso ko upang mapirmi ako sa posisyon ko kanina. Halos manlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko na lang na may sumasayaw sa likod ko. "Saan ka pupunta?" bulong nito sa tenga ko. Kunot noo akong lumingon sa direksyon ng lalaki at agad na lumayo dahilan upang bahagya pa itong matawa sa naging reaction ko. "Relax, baby girl. Gusto ko lang namang makipagsayaw sa 'yo," dagdag pa niya bago ngumisi sa akin at nagsimulang sumayaw habang paulit-ulit na humihimas sa braso ko na pilit kong iniiwasan. "Come on. Ang kill joy mo naman. Kaya kong iparanas sa 'yo ang langit kung sasama ka sa akin." "Pasensya na. Pagod na kasi ako," pagdadahilan ko pa. Nang sandaling tumalikod ako sa kanya, agad na nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang kamay niyang humimas sa pang-upo ko. Pakiramdam ko tuloy ay nag-init ang mukha ko nang dahil sa ginawa niya. Muli akong lumingon upang komprontahin sana siya pero nang sandaling makita ko ang pagngisi niya sa harapan ko nang dahil sa ginawa niya, doon ko lang naramdaman ang pagdilim ng paningin ko sa kagustuhang saktan siya. "Gago ka, ah?" sigaw ko sa kanya kasabay ng pagtulak sa kanya. Agad siyang napahiga sa sahig nang dahil sa ginawa ko. Hindi na ako nagsayang pa ng pagkakataon at mabilis na siyang pinatungan upang sakalin. Mas lalo lamang siyang nahilo nang tumama ang ulo niya sa sahig na ikinasama ng mukha niya. "Ang kapal ng mukha mong bastos ka, ah!" sigaw ko pa habang paulit ulit siyang binibigyan ng sampal. Hindi ko na rin pinansin ang paghinto ng music lalo na nang magsimula ang eskandalo sa pagitan naming dalawa. Pinalilibutan na rin kami ng mga tao nang dahil sa ginawa ko. Hindi ko alam kung pinagbibigyan lang ba talaga ako ng lalaki sa mga sampal ko sa kanya kaya hindi siya gumaganti o baka naman ng dahil sa labis na kalasingan, hindi niya na magawang ipagtanggol ang sarili niya. Naagaw ko ang atensyon ng lahat dahil sa halip na magsayawan kaming dalawa, naroon kami at nagsasampalan. "Gusto mo ng langit, hindi ba?" gigil kong sambit sa lalaki sabay angat ng kamay ko sa ere. "Ipaparanas ko sa 'yo ngayon ang langit!" Nabitin ang kamay ko sa ere nang bigla na lamang may humawak sa pulsuhan ko. Tila ba pinipigilan ako ng kung sinuman na saktan ang lalaking nasa ilalim ko. Hindi ko pa man naiaangat ang sarili ko nang bigla na lamang niya akong hinila mula sa pagkakaluhod sa pagitan ng lalaki at agad akong hinila palayo sa lugar na iyon. Bakas ang galit sa bawat hakbang na ginagawa ni Travis. Hindi ko alam kung bakit nga ba siya nagagalit. Ako ang dapat na magalit, hindi ba? Dahil ako ang hinipuan at panigurado akong hindi niya nakita ang ginawa sa akin ng lalaking nakahiga roon! Mabilis niya akong hinarap at mariing isinandal sa harap ng kotse niya. Bahagya pang umuga ang kotseng nasa likod ko nang dahil sa lakas ng pagkakasandal niya sa akin doon. Nanatili lang ang kamay niya sa mga balikat ko na hindi ko na pinagtuunan ng pansin. Tila ba pinipirmi niya ako sa pwesto ko ngayon para lang hindi makatakas sa ginawa ko sa lakaking nasa loob. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon, Empress Faye?" galit niyang tanong dahilan upang bahagya pang manginig ang mga labi ko nang dahil sa labis na pagtitimpi. "Pati ba naman dito sa bar, nageeskandalo ka? Kasama ba sa bucket list mo yan o talagang hilig mo lang talaga ang mag-eskandalo?" "Ano bang ginagawa mo, Travis—" "Just answer my f*****g question!" sigaw niya na bahagya ko pang ikinapikit. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Empress? Talaga bang hindi ka na nadala?" "Ako pa ngayon ang may kasalanan? Bakit, Travis? Naroon ka ba kanina?" singhal ko sa kanya habang patuloy sa pagpipigil ng luha ko sa harapan niya. "Gusto ko lang namang mag-enjoy—" "Sa ganoong klase ng paraan, Empress? Really?" singhal niya habang nakaduro sa lugar kung saan kami nanggaling kanina. "Sa ganoong paraan? Mambugbog ng mga taong walang kalaban-laban?" Bahagya akong huminga nang malalim kasabay ng pagpikit. Nang sandaling iminulat ko ang mga mata ko hindi ko naman inaasahan na iyon na rin pala ang magiging hudyat upang mag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko. Lumabas din ang hikbing kanina ko pa pinipigilan. Bahagyang nawala ang galit sa reaksyon niya nang makita niya akong umiiyak sa harapan niya. Naroon ang takot, pag-aalala... awa... Si Travis, maaawa sa akin? Asa ka pa, Empress! "Bakit ba sa tuwing may eskandalo, ako agad ang nakikita mo, Travis? Palagi na lang ako ang may kasalanan para sa 'yo. Sa tuwing may gulo expected mo na agad na ako ang nagsimula. Bakit, Travis, naroon ka ba kanina?" naiiyak kong tanong sa kanya bago ko tinakpan ang mukha ko ng mga kamay kong kanina pa pala nanginginig nang dahil sa takot at galit. "Palagi na lang ako ang may mali. Kailan ba ako naging tama sa 'yo? P-in-rotektahan ko lang naman ang sarili ko..." "Anong ginawa niya sa 'yo?" Isang hikbi muna ang ginawa ko bago ako sumagot sa tanong niya. "Hinipuan niya ako, Travis," sumbong ko sa kanya na animong bata na ikinakunot ng noo niya. "Narinig mo ba yung sinabi ko?" Hindi siya nagsalita kaya naman nagdesisyon na akong lumingon at tumitig sa kanya nang masama. Wala na talaga akong pakialam kung puro uhog ang mukha ko nang humarap ako sa kanya. "Hinipuan niya ako!" sigaw ko sa kanya bago siya hinawakan sa dibdib at marahang tinulak na hindi niya naman ikinaatras. Bahagyang nanghina ang mga kamay ko sa kakatulak sa kanya kaya naman hinayaan ko pa muna iyong manatili sa didbib niya. Rinig ko ang bawat pintig nito na sa bawat minutong lumilipas, mas lalo lang na bumibilis. "Anong gusto mong gawin ko? Magpahipo na lang? Hayaan lang siyang haplus-haplusin ako? May kapatid kang babae, Travis! Kapag ba nangyari iyon sa kapatid mo, hahayaan mo na lang?" singhal ko sa kanya bago ko iniwas ang mga kamay ko sa dibdib niya. "Kung wala ka talagang pakialam sa akin, sana hinayaan mo na lang ako. Sana hinayaan mo na lang akong ipagtanggol ang sarili ko..." Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak sa harapan niya. Pakiramdam ko tuloy ay ako na ang pinaka pangit na nilalang sa buong mundo. Ang sabi ko ayaw ko nang nakikita ang sarili kong umiiyak nang dahil sa kanya lalo na kung nakaharap siya, pero anong ginagawa ko ngayon? Hayop ka, Travis. I f*****g hate you! "Get in," aniya pagkatapos ng ilang sandaling pagtitig sa akin. "Ihahatid na kita sa condo mo," dagdag niya pa. Nang dahil sa pagod at puyat, hindi na rin naman ako nakipagtalo pa sa kanya sa paghatid sa akin. Magsasayang lang ako ng lakas kung gagawin ko pa iyon at isa pa, baka maaksidente lang ako kung tatanggihan ko pa siya sa offer niya. Siguro ite-text ko na lang si Lucas mamaya upang siya na ang mag-uwi sa kotse ko sa condo ni Kuya Lienzo. Ang buong akala ko, pagsakay ko sa kotse ay sasakay na rin siya. Halos mangunot ang noo ko nang makita ko siyang nagmartsa papasok sa loob. Siguro ay may kasama siya sa loob at baka nagpaalam lang siya sa mga kaibigan niya na iuuwi niya na ang eskandalosa niyang empleyado. Isang ismid lang ang ginawa ko bago ako nagdesisyong ayusin ang mukha ko. Gusto kong mahiya dahil tila ba nanlalagkit na ang mukha ko nang dahil sa kakaiyak ko kanina. Ramdam ko rin ang pamamaga ng mga mata ko nang dahil sa matinding pag-iyak kaya naman bago pa man makabalik si Travis, mabilis ko nang inayos ang sarili ko. Hindi nagtagal ay bumalik din si Travis. Halos mangunot nga ang mukha ko nang makita ko ang galos sa kamao niya nang humawak siya sa manibela. "Ibigay mo na lang sa akin ang address ng condo unit mo. Ako na ang maghahatid sa 'yo," aniya na hindi ko na sinagot. Hinayaan ko lang siyang ipagmaneho ako. Nagpatuloy lang ako sa pagtitig sa mga punong nadaraanan namin habang si Travis naman ay tila ba hindi man lang makabasag pinggan. Kung gaano akong katahimik, ganoon din siya katahimik. Ni hindi ko man lang nga marinig ang paghinga niya sa gilid ko kaya naman wala akong ibang nagawa kung hindi ang ngumuso na lang. "Salamat," saad ko bago lumabas sa kotse niya. Naglalakad na ako palayo nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kotse niya. Ramdam ko ang paglalakad niya patungo sa akin ngunit sa halip na balingan siya ng tingin, nagdesisyon na lang akong nagpatuloy sa paglalakad at ignorahin siya. "Empress..." tawag niya ngunit sa halip na bumaling, inignora ko na lang siya. E-Empress-Empress ka ngayon dyan. Tang ina mo, Travis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD