"Kung wala ka talagang pakialam sa akin, sana hinayaan mo na lang ako. Sana hinayaan mo na lang akong ipagtanggol ang sarili ko..."
Wala akong ibang nagawa kung hindi ang ilubog ang namumula kong mukha sa mga pillow na nasa gilid ko. Nandito ako ngayon sa kama ko, abala sa paggulong habang inaalala ang sitwasyon namin ni Travis kanina. f**k! Gusto kong tumili nang dahil sa pinaghalong inis at kahihiyan. Natatawa nga ako sa sarili ko sa tuwing maaalala kong umiyak na naman ako sa harapan niya! Naiinis ako sa sarili ko dahil bakit sa dinami-rami ng pwede kong sabihin, bakit iyon pa ang pumasok sa isip ko?
Bakit iyon ang sinabi ko?
Hindi ko na mabilang kung ilang beses nang umugong sa tenga ko ang katagang iyan ngayong umaga. Bakit pakiramdam ko ako pa ang hindi makatulog ngayon sa halip na siya?
Tama iyan, Travis. Tamaan ka sana ng konsensya at humingi ka ng sorry sa akin. I f*****g deserve your apology! Hindi ako bato tulad ng dati na animong walang nararamdaman kahit na ilang beses mo na akong ipinagtabuyan noon. Nakakaramdam na ako ng sakit ngayon, Travis!
Pasado alas kwatro na ng umaga ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako dinadapuan ng antok. Hindi ko na rin mabilang kung ilang tasa na ng tsaa ang nainom ko magmula pa kanina para lang tamaan ng antok. Hindi ko alam pero tila ba mas lalo lang akong nabuhayan sa ginawa ko.
"Nakauwi na kaya sila?" tanong ko sa sarili bago tumihaya at tumitig sa ceiling na nasa itaas ko. "Malamang, Empress. Sino bang tanga ang magi-stay sa bar ng hanggang umaga?" saad ko pa sa sarili.
Muli akong lumingon sa gilid ko at pinagmasdan ang phone ko na ngayon ay nakalapag sa tabi ng bedsheet ko. Marahan ko iyong kinuha at sinubukang tawagan ang numero ni Pablo. Sakto at paniguradong alas diyes na ngayon ng gabi sa Barcelona.
"Oh, napatawag ka, bakla?" bati nito sa akin sa kabilang linya na ikinanguso ko. "May problema ka ba?"
"About kay Travis, Pablo."
"Jusko," saad nito sa kabilang linya dahilan upang bahagya ko pang makagat ang labi ko. "Oh, what about him? Nakita mo na ba siya? Jusko, Empress. Out of nowhere kakausapin mo ako nang tungkol sa kanya. Anong oras na ba dyan?"
"Four o'clock in the morning—"
"At siya ang naiisip mo?" natatawa nitong tanong na ikinahaba ng nguso ko. "Gaano ka na ba kabaliw sa lalaking iyon? Natutulog ka pa ba?"
"Pablo, may sasabihin nga ako tungkol sa kanya. Just let me finish my words, okay?"
"Okay, fine. Ano yon?"
"Nakita ko na siya," sagot ko sa kanya dahilan upang marinig ko ang tili niya sa kabilang linya na halos ikapikit ko pa nang dahil sa sobrang tinis nito. "Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko sa 'yo, sweety."
"Spill the tea, Empress."
"Actually," pauna kong sambit. "Actually, he's my boss."
"What?" gulat nitong tanong sa kabilang linya bago ko narinig ang pagbulalas nito sa kakatawa. "Anong sinasabi mong he's your boss? Pwede bang paki-explain nang maigi? Paano mo siya naging boss kung nariyan ka lang sa condo unit mo?"
"Nag-apply ako ng trabaho rito sa Manila. Nagkita kasi kami ng best friend ko before and she forced me na mag-apply sa kompanyang pinapasukan niya," paliwanag ko sa kanya kasabay ng pagnguso. "Hindi niya naman sinabi sa akin nung una pa lang na... si Travia ang boss niya rito."
"So, are you saying na sinadya niya?"
"Kind of," sagot ko na tinawanan niya na lang.
Hindi ko na alam kung ilang oras kaming nag-usap ni Pablo ng mga oras na iyon. Sa katunayan nga ay ayaw ko at wala sa plano ko ang putulin ang tawag naming dalawa pero nang malaman niyang alas sais na ng umaga dito ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako natutulog dahil sa kwentuhan naming dalawa, wala na kaming nagawa kung hindi ang tuluyang magpaalam sa isa't isa.
Sa huli ay nagdesisyon akong umidlip kahit na dalawang oras lang, at nang pumatak ang alas otso sa orasan, wala na akong ibang nagawa kung hindi ang bumangon at mag-ayos ng sarili ko. Alas otso ang oras ng pasok ko, pero nang dahil sa nangyari, alam ko namang bibigyan ako ng exception ni Travis lalo na at naroon siya ng mangyari ang insidente. Nakita niya kung paano akong umiyak kaya naman expected niya na ang mangyayari.
Swerte nga siya dahil kung hindi siya nag-effort na puntahan ako sa bar kagabi upang paalalahanan na pumasok ako, hindi talaga ako papasok ngayon.
"Good thing at pumasok ka!" bungad agad ni Nathalie nang pumasok ako sa department namin.
Wala akong ibang nagawa kung hindi ang umupo sa mesa ko habang pinapanood siyang tumakbo patungo sa direksyon ko.
"Tapos na ba ang bakasyon mo, hija?" nanlalaki ang mata niyang pamimikon na inismiran ko na lang. "Parang kulang ka pa sa tulog, ah?"
"Parang hindi tayo nagkasama kagabi, ah?" singhal ko na tinawanan niya. "Jusko, Nathalie, ang aga-aga. Wag mo munang sirain ang umaga ko. Sira na nga kagabi, sisirain mo pa ngayon."
"Pinapatawa lang kita, Empress. Ang seryoso mo naman," aniya bago humalikipkip na inismiran ko na lang. "Sige ka. Kapag ipagpapatuloy mo yan, baka tumanda ka nang maaga."
Wala akong ibang nagawa kung hindi ang umismid sa kanya. Agad na nangunot ang mga noo ko nang makita ko ang mga dokumentong nakalapag sa ibabaw ng mesa ko.
"Ano 'tong mga 'to?" tanong ko sa kanya habang nakatitig sa lahat ng iyon. "Bakit nandito lahat ng 'to?"
"Ipinalagay ni Travis lahat ng 'yan nung isang araw. Nung lumiban ka," sagot niya dahilan upang mas lalo lamang mangunot ang noo ko.
Is he planning to torture me? Nakaligtas lang ba ako dahil um-absent ako nung nakaraan? Ayos ng trip niya, ah?
"Siya nga pala. Hindi ka maniniwala sa tsismis ko ngayong umaga," natatawa niyang sambit bago humila ng upuan at umupo sa tabi ko.
Singkit si Denise. Palibahasa kasi ay may lahing intsik. Mapupula ang labi niya at marami siyang itim na nunal sa mukha. I find her attractive lalo na at medyo may kabilugan ang mga pisngi niya. Hindi siya mataba, hindi rin naman siya payat. Sakto lang ang kurba ng katawan niya. Nasa tama lang tulad ng sinasabi nila.
Mas lalo lamang dumedepina ang singkit niyang mga mata sa tuwing tititig siya sa akin. Kung hindi ko lang talaga kaibigan 'to, kanina ko pa tinusok ng pitchfork ang mga mata nito.
"Kung walang kabuluhan iyan..."
"Psh. Patapusin mo nga kasi muna ako, okay?" aniya kasabay ng pag-irap at pag-usog sa direksyon ko.
Parang hindi pa siya kumbinsido sa agwat sa pagitan naming dalawa.
Wala akong ibang nagawa kung hindi ang ituon ang atensyon ko sa computer na nasa harap ko. Alam ko na ang gagawin ko. Ever since nagtrabaho ako sa company nila, palagi na lang ako ang binibigyan ng maraming trabaho. Hindi ko alam kung may kinalaman ba siya rito pero natitiyak kong walang kinalaman ang buong department sa mga dokumentong itinatambak nila sa mesa ko. Mahahalata mo naman talaga na may sama ng loob ang kung sino mang nagbibigay ng regalo sa akin. Nakakatawa lang dahil mukhang... ginagawa niya ang lahat ng ito para makapag higanti.
I mean, bakit siya maghihiganti kung siya ang may kasalanan sa akin? Ako ang ipinahiya niya sa harap ng maraming tao, hindi ba? Ako dapat ang sinusuyo niya rito ngayon, hindi yung ako ang ginagawan niya ng mali.
"Alam mo ba si Travis..." panimula niya.
Mabilis at kunot noo akong bumaling ng tingin sa kanya na sinuklian niya ng isang mapaglarong ngiti.
"Anong mayroon kay Travis?" tanong ko na animong ngayon niya lang nakuha ang atensyon ko.
"Yan," aniya na mas lalong ikinadepina ng kilay ko. "Kapag si Travis ang pag-uusapan, kailangan palagi kang updated. Patay na patay ka ba sa gagong iyon?"
"Sagutin mo na lang ang tanong ko, Denise," demand ko sa kanya na ikinatawa niya na lang. "Anong mayroon sa kanya?"
Wala siyang ibang nagawa kung hindi ang magkibit ng balikat bago muling ngumiti sa akin.
"Alam mo ba na kabi-kabila nag usapan tungkol sa nangyari kay Travis kagabi?"
"Oh? Anong mayroon?"
Tsaka ko lang naaalala na tambak nga pala ang mga trabaho ko. Sa halip na makipagkwentuhan kay Nathalie, nagdesisyon na lang akong magpatuloy sa pagtitipa habang nakikinig sa mga sinasabi niya.
"Yung boss mo, nakipag-away kagabi sa bar," aniya.
Bahagya akong natigilan sa pagtitipa bago ako nagugulat na bumaling ng tingin sa kanya.
"Ano?" gulat kong tanong. Hindi na rin ako nagtaka nang bumulalas siya ng tawa nang dahil sa naging reaksyon ko. "Bakit? Anong nangyari? Bakit siya nakipag-away?"
"Relax, Empress. Kahit ngayon lang, wag mo namang ipakita sa akin na hanggang ngayon, patay na patay ka pa rin sa kanya," natatawa niyang sambit dahilan upang umismid ako at muling nagpatuloy sa pagtitipa.
Ano naman ngayon kung nakipag-away siya kagabi, Empress? Kasalanan ko ba iyon kung bakit pati sa mga club na ganoon, napapaaway siya? Ano naman kaya ang pinag-awayan nila ng nakaaway niya?
Agad akong natigil sa pagtitipa nang maalala ko ang galos na nasa kamao niya kagabi bago siya humawak sa manibela at dumiretsyo sa condo unit ko. Posible bang doon nanggaling ang galos sa kamao niya?
Sino naman ang makakaaway niya? Baka naman may nakasagutan siya sa loob ng bar kagabi bago niya ako nilabas...
Posible bang...
Ginantihan niya ako?
Bahagya akong napanguso nang dahil sa mga naisip bago ako muling lumingon kay Nathalie upang humingi ng karagdagang impormasyon.
"Please naman, Empress. Wag mo namang ipakita sa akin na hanggang ngayon patay na patay ka pa rin dyan sa lalaking nagbigay ng trauma sa 'yo," natatawa niyang biro na hindi ko na kinibo. "Actually wala akong alam sa kung bakit niya ginawa iyon. Pati nga si Lucas ay nagulat nung makita namin siyang may kasuntukan sa gitna ng dance floor kagabi. Kung alam mo lang, Empress, basag na basag yung mukha ng lalaking sinapak niya kagabi! Naaawa nga ako, eh, mukhang bagang na lang yung ngipin na natira sa kanya."
Tuluyan na akong nilamon ng mga isipin tungkol sa mga ibinalita sa akin ni Nathalie. Posible na ginantihan niya ako sa ginawa sa akin ng lalaking iyon. Yung galit pa lang na nakita ko sa mga mata niya nung makita niya akong umiyak, alam kong may gagawin na siya. Alam kong nagtitimpi na lang siya nung mga oras na iyon.
Agad na kumurba ang ngiti sa labi ko bago ko ito sapilitang itinago mula kay Nathalie. Baka kwestyunin niya pa ako kapag nakita niya akong nangingiti.
Speaking of Lucas, may alam ba siya? Wala na akong balita sa kanya magbuhat kagabi. I wonder kung nakarating sa kanya yung eskandalong ginawa ko kagabi sa gitna mismo ng dance floor.
Ang buong akala ko, wala talaga siyang pakialam sa akin. Hindi ko alam na kinokonsensya na pala siya. Baka nga nakonsensya iyon sa ginawa kong pag-iyak sa harapan niya kagabi. Sa totoo lang ay malaking bagay na ang ginawa niya para sa akin. Pakiramdam ko, indirect niya akong ipinagtanggol.
Dahil nga sa matayog ang pride niya, alam kong hindi niya aaminin sa akin ang bagay na 'yon kahit na pilitin ko pa siya.
Habang abala si Denise sa pagkukwento, hindi na namin namalayan ang paglapit ng anino sa direksyon namin. Tila ba hangin kung lumakad siya kaya maging si Denise na bagamat nakaharap sa akin, hindi namalayan ang paglapit niya.
"Mabuti na lang talaga at may balak si Lucas na ligawan ka..."
"Nathalie..." pigil ko sa kanya ngunit nagpatuloy lang siya sa pagsasalita.
Marahang huminto sa paglalakad si Travis anang magsalubong ang mata naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang dumiin at dumilim ang titig niya sa akin. Para bang may narinig siya na hindi niya nagustuhan.
"Sa katunayan nga ay mas gusto ko si Lucas para sa 'yo, Empress. Maganda ka at gwapo naman si Travis, but aminin ko man o sa hindi, medyo attractive para sa akin si Lucas," dagdag pa niya. Pabuntong hiningang humalukipkip si Travis sa likod niya habang ako naman ay walang ibang nagawa kung hindi ang namumulang nag-iwas ng tingin sa kanya. "Hindi ko sinasabi 'to dahil kaibigan natin siya. Talagang attractive lang siya sa akin for me. Gwapo na, mabait pa medyo caring pa. Ni hindi ko nga alam kung anong nagustuhan mo sa Travis na iyon at nagawa mong i-reject si Lucas. He's such an angel compared sa tosser na yon—"
"Miss Choi," tawag ni Travis dahilan upang mabilis na napatalon si Nathalie sa gulat nang marinig niya itong nagsalita sa likuran niya. "Do your reports, Miss Choi. Hindi yung ang aga-aga, naririto ka habang nakikipag tsismisan sa kaibigan mo."
"Yes, Sir. Sorry, Sir," natatawa niyang sambit na inismiran ni Travis.
This time, si Travis naman ang lumingon sa akin. Ang buong akala ko, ako naman ngayon ang iinsultuhin at pagsasabihan niya ngunit halos makahinga ako nang maluwag nang may ibinilin siya.
"Go to my office may idi-discuss ako sa 'yo," bilin niya bago niya kami tinalikuran.
Pabagsak na naupo si Nathalie sa upuan niya dahilan uopng harapin ko siya at pikunin.
"Tosser pala, ah?"
"Haharangin talaga kita kapag nalaman kong may balak kang makipagbalikan sa gagong yan," aniya na tianwanan ko na lang.
Kabi-kabila ang tingin sa amin ng mga kasama namin sa wing ngunit natitiyak ko namang walang nakarinig sa mga pinag-uusapan namin dahil medyo malayo sila sa direksyon naming dalawa ni Nathalie.
Pinatay ko lang ang computer ko bago ako nagdesisyong lumakad patungo sa opisina ni Travis.
Kung sakali mang tanungin niya ako sa nangyari, then wala na akong magagawa kung hindi ang magsinungaling. Lasing ako kagabi at kahit na malinaw pa rin sa alaala ko ang lahat, magsisinungaling na lang ako.
Ayaw ko rin namang magkaroon ng conversation sa kanya dahil baka kung saan na naman humantong ang usapan naming dalawa.
"Ano pong kailangan niyo sa akin, Sir?" tanong ko na may halong diin ang huling itinawag ko sa kanya.
Sinubukan kong itago ang ngiting sumusugat sa labi ko lalo na sa tuwing maaalala ko ang ikinuwento sa akin ni Nathalie kanina. Ginantihan ka niya sa lalaking iyon, Empress. Hindi ka man lang ba magpapasalamat sa kanya?
Dapat lang talaga na ipaghiganti niya ako dahil masyado siyang nag-react sa ginawa ko kagabi! Ni hindi niya man lang ako tinanong kung anong ginawa sa akin ng lalaki at kung bakit ko ginawa sa kanya iyon kagabi! Inuna niya akong husgahan bago niya pa man ako nagawang tanungin!
Pinagmasdan ko siya na nakaharap sa malawak na bintana ng opisina niya. Nasa likuran ang mga kamay niya at animong may gumugulo sa isip niya habang pinagmamasdan niya ang matatayog na gusali sa baba.
"May ipapagawa po ba kayo, Sir—"
"How are you?" tanong niya na ikinatigil ko.
Bakit niya tinatanong kung kumusta lang ako? Dapat ko ba siyang sagutin ng okay lang?
"Huh?" lito kong tanong.
Doon na siya naglakas ng loob na lumingon sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang kunot noong lumingon sa kanya. Wala siyang ibang nagawa kung hindi ang bumuntong hininga at pinagmasdan ang kabuuan ng mukha at katawan ko bago siya muling nag-angat ng tingin sa akin.
"Tinatanong ko kung kumusta ka," aniya na hindi ko sinagot. "Are you... okay?"
Why is he asking me?