CHAPTER TWENTY-FOUR

1922 Words
Why is he asking me? Of course, I'm f*****g okay! May posibilidad nga ba na nag-aalala siya sa akin? Pakiramdam ko ay may mga paru-parong paulit-ulit na lumilipad sa sikmura ko nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi ko alam pero tila ba kinikilig ako sa itinanong niya sa akin. God, Empress! Ano 'tong nararamdaman ko ngayon? Why is he asking me? "W-What do you mean?" nalilito kong tanong. Kunot noo siyang nag-iwas ng tingin kaya naman hindi ko naiwasang pagmasdan ang itsura niya. Kagabi ay hindi ko man lang nakita nang buo ang mukha niya nang dahil sa labis na iritasyon. Tila ba ngayon ko lang nakita ang mga galos na nasa mukha niya. Ang sabi ni Nathalie ay nakipagsuntukan daw si Travis kagabi sa dance floor. Imposible namang humatak lang siya ng kung sino sa loob at sinuntok niya nang walang dahilan, di ba? And besides, mukha namang wala siyang kilala sa bar kagabi. Kung may kaibigan nga siya roon o kung talagang may sinadya siyang puntahan doon, then I think hindi naman siya gagawa ng eskandalo. Knowing him, isa sa mga kinaaayawan ni Travis ay yung mga eskandalo—eskandalosang katulad ko, so imposible talaga na humanap siya ng gulo roon kagabi nang walang dahilan. Ayaw niya pala sa eskandalosa, pero bakit nandito ako ngayon? "Hindi ka ba marunong sumagot, Empress?" singhal niya dahilan upang mas lalo lang magsalubong ang mga kilay ko nang dahil sa labis na kuryoso sa inaakto niya ngayon sa harapan ko. "Tinatanong kita kung okay ka lang. Hindi ka ba marunong sumagot sa tanong? Talagang inugali mo na ang magbalik ng tanong, ah?" aniya niya pa na animong iniinsulto na naman ako. Jusko, Travis, ang aga-aga! Ni hindi pa nga ako nag-aalmusal! Pinatawag niya ba ako rito para pakainin ng mga insulto niya? Ito na ba ang almusal ko ngayong araw? "Of course, I'm f*****g okay!" singhal ko sa kanya. Agad na kumuyom ang kamao ko nang dahil sa labis na pagtitimpi. Unti-unting bumaba ang mga mata niya sa kamay ko at agad na lumitaw ang ngisi sa labi niya nang makita niya iyon. Kung hindi ko lang talaga siya boss, baka kanina ko pa binasag ang mga ngipin nito sa kakasuntok. Pasalamat ka't gwapo ka. Kung hindi lang talaga ako nanghihinayang sa mukha mo, baka inubos ko na iyang mga ngipin mo. Agad akong natigilan sa pag-iisip ng kung ano ano nang marahan siyang bumuntong hininga at humalukipkip sa harapan ko. Lumapit siya sa direksyon ko habang ako naman ay walang ibang ginawa kung hindi ang manatili sa kinatatayuan ko, sa harap niya mismo. "I'm just asking you. Bakit mo ba ako pinagtataasan ng boses?" mahina niyang sambit bago siya sumandal sa harap ng mesa niya. "Iyan ba ang mga natututunan mo sa boyfriend mo, Empress?" Boyfriend? Anong boyfriend ang sinasabi niya? Sa halip na sagutin siya sa mga insulto niya, taas kilay ko lang na pinanatili ang postura ko sa harapan niya. Ni hindi ko man lang ipinahalata sa kanya na napipikon na ako sa usapan naming dalawa. Bakas kasi sa mukha niya na mukhang nasisiyahan siya sa tuwing nakikita niya akong seryoso at napipikon sa mga sinasabi niya. Mukha siyang demonyo na animong tuwang tuwa sa tuwing makikita niya akong napipikon sa mga salitang sinasabi niya. "Bakit mo naman tinatanong at tsaka ano namang pakialam mo?" singhal ko sa kanya bago ko ginaya ang postura niya sa harapan ko. "Ganito kami kung mag-usap ni Lucas. Hanggang ngayon ba, hindi ka pa rin ba nasasanay sa relasyon naming dalawa?" tanong ko pa patungkol sa pagkakaibigan naming dalawa ni Lucas. Kitang kita ko ang pagtiim ng bagang ni Travis nang dahil sa narinig kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang mag-angat ng kilay sa kanya. "At saka, ano namang pakialam mo, Travis, sa aming dalawa? Pwede ba? Wag mo ngang isama si Lucas sa galit mo sa akin. Kung galit ka sa akin, sa akin ka magalit. Hindi yung pati siya, dinadamay mo. Para kang bata na naagawan ng laruan..." "Bakit ba napaka protective mo sa kanya?" singhal niya dahilan upang mas lalong mangunot ang noo ko nang dahil sa katanungan niya. "Ganyan mo ba talaga siya kamahal?" Mahal? I don't love him romantically! He's just my best friend! Anong mahal-mahal ang tumatakbo sa isip ng gagong 'to? "Ano naman ngayon sa 'yo, at anong pakialam mo?" singhal ko sa kanya. "Pwede ba? Bakit ba sa aming dalawa ni Lucas umiikot ang usapang ito? Pinatawag mo ba ako rito para kwestyunin kung anong namamagitan sa aming dalawa—" "I was just asking you kung kumusta ka na," aniya na ikinatikom ng bibig ko. "Wala akong pakialam sa shota mo." Shota? Kailan pa niya natutunang banggitin ang street word na iyon? Shota. Haha. "Ikaw ang nagpasok sa kanya sa usapan nating dalawa," paninisi ko sa kanya bago nag-angat ng tingin sa kanya. "I'm f*****g okay. Pwede na ba akong umalis ngayon?" Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang mag-angat ng kilay sa akin kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang ngumuso at mag-iwas ng tingin sa kanya. Ano namang pumasok sa isip niya at bakit niya naisip na boyfriend ko nga si Lucas? Is he jealous? Kung nagseselos siya, bakit niya pa ipapasok sa usapan naming dalawa si Lucas? Gago ba siya? Resulta ba ito ng kahiligan niya sa libro noon? "Una sa lahat, hindi mo kailangang magselos," sambit ko na ikinataas ng kilay niya. "Me and Lucas were just a—" "I'm not jealous at bakit naman ako magseselos?" nakangiti niyang sambit bago muling nag-angat ng kilay sa akin. "Hayaan mo akong umpisahan ulit ang lahat, Empress, nang hindi ka malito at kung ano-anong maglaro sa isip mo. Are you... okay?" "Yes, I a-am," sagot ko sa kanya. "Pinapunta mo ba ako rito para lang dyan?" "Yes." "Wow," natatawa kong sambit bago siya pinalakpakan na ikinalawak ng ngisi niya. "Thank you for wasting my time, Travis." "You're welcome," sagot niya na inilingan ko na lang bago siya tinalikuran. Hindi pa man ako nakakahakbang palayo ay muli ko na naman siyang narinig na nagsalita. "I'm just checking on you..." "We're not a thing," sagot ko bago kunot noong lumingon sa kanya. "Hindi mo ako kailangang i-check oras-oras. At isa pa, kaya ko ang sarili ko. If I'm not okay, then that's my problem. Hindi mo na problema iyon." "Problema ko iyon," sagot niya dahilan upang tuluyan ko na siyang hinarap. "You are my employee. Responsibilidad kita." May... ganoon ba? "Oo, responsibilidad mo ako bilang employee kung nandito ako sa loob ng kompanya mo't nagtatrabaho. Wala kang responsibilidad kapag nasa labas ako," sagot ko sa kanya bago ko naalala ang ginawa niyang paghila sa akin kagabi palabas ng bar. This fucker. "Hindi mo rin responsibilidad na pumasok sa loob ng bar at padarag akong hilahin palabas habang ipinagtatanggol ko ang sarili ko. Wala kang responsibilidad na ipahiya ako sa harap ng maraming tao nang dahil lang sa maling akusasyon mo sa 'kin." Nang dahil sa sinabi ko ay unti-unting nawala ang pagkakakunot ng noo niya. Maging ang ngising nakaukit sa labi niya kanina ay unti-unting natunaw hanggang sa nakita ko iyong napanguso dahil na rin mismo sa sinabi ko. Ano? Wala ka ngayon, ano? Akusa pa more! Hampaslupang 'to. "Alam kong may pagkakamali ako," aniya na hindi ko sinagot. "Gusto ko lang namang tanungin kung okay ka na. Ang dami mong sinasabi." Wala akong nagawa kung hindi ang mag-iwas ng tingin sa manya. Bahagyang nag-init ang mukha ko nang marinig ko ang sinabi niya. "I'm okay. I really am. Okay na ba?" sagot ko sa kanya. "Pwede na ba akong lumabas?" Hindi siya sumagot kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang muling lumingon sa kanya. Nakatitig na siya sa akin ngayon. Tila ba pinagmamasdan niya ang kabuuan ng mukha ko. Unti-unting bumaba ang titig ko sa mga kamay niya. Hindi tulad kagabi ay may band aid nang nakakabit sa mga galos niya ngayon. I wonder kung ano nga bang ginawa niya sa loob kagabi. Nasabi na sa akin ni Nathalie yung nangyari kay Travis kagabi, pero bakit pakiramdam ko, ang hirap paniwalaan ng mga sinabi niya kanina? Para bang ang hirap paniwalaan na ginantihan niya ako sa lalaking iyon. Tsaka ko lang naalala na hindi pa nga pala ako nagpapasalamat sa kanya. Kailangan ko bang magpasalamat sa kanya? Ayaw ko namang mapahiya. Paano kung hindi niya naman talaga ginawa para sa akin ang bagay na iyon? Paano kung talagang napaaway nga siya kagabi pero hindi ako ang dahilan kung bakit napaaway siya? Ako nga ba talaga? "Tungkol nga pala sa..." Agad ko ring pinutol ang sasabihin ko lalo na nang makita ko siyang nakangiti sa akin. "Anong itinatawa tawa mo dyan?" Wala siyang nagawa kung hindi ang nakangiting umismid na mas lalong ikinakunot ng noo ko. Baliw ba 'to? "Alam mo... forget about it," patungkol ko sa sasabihin ko sana kanina. "Kung wala ka ng kailangan, mauuna na ako. Mas mabuti pang unahin ko na lang ang trabaho ko kaysa sa makipag-usap pa sa 'yo," paalam ko pa bago umirap sa kanya at naglakad patungo sa pintuan. "Lunch with me, Miss Tyler," aniya nang mahawakan ko ang door knob ng pintuan niya. Muli akong lumingon sa kanya na animong naguguluhan sa mga sinasabi niya. Kanina lang ay panay siya sa pang-iinsulto sa akin pagkatapos naman ngayon ay naghahangad siya na makipag-lunch sa akin? Lunch with me my ass. Anong tingin niya sa akin? Marupok tulad noon? Kung wala siyang character development, pwes ako, meron! "May asawa ka, hindi ba? Balit hindi siya ang ayain mo?" singhal ko sa kanya dahilan upang umangat pa ang labi niya. "At saka isa pa, isipin mo ang iisipin ng ibang empleyadong makakakita sa ating dalawa. Respetuhin mo naman ang girlfriend mo. Ano na lang ang mararamdaman niya kapag nakita niya tayong magkasamang kumakain sa labas. Nag-iisip ka ba, Travis?" "Don't worry, Miss Tyler dahil matured mag-isip ang girlfriend ko. Hindi makitid ang utak no'n tulad mo," aniya na ikinapula ng mukha ko nang dahil sa labis na iritasyon sa pamamahiya niya. "It's just a business meeting. Wag kang mag-ilusyon." Marahan aiyang lumapit sa akin kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang umatras hanggang sa napasandal na ako sa pintuang nasa likod ko. "Katulad nga ng sinabi ko kanina, tungkol lang sa meeting ang pag-uusapan nating dalawa. Hindi ako magsasayang ng oras na kumain sa labas kasama ka tulad ng iniisip mo," aniya bago niya niya hinawakan ang door knob na nasa gilid ko. "Wag kang mag-alala dahil hinding hindi ako gagawa ng bagay na pwedeng ikaselos ni Georgina. Tulad nga ng sinasabi ko at paulit-ulit kong sasabihin sa 'yo, mahal na mahal ko si Georgina at hinding hindi ako gagawa ng bagay na pwede niyang ikasakit," dagdag niya pa bago ko narinig ang pagpihit niya sa door knob na nasa gilid ko. "You can now go. Hindi na kita kailangan dito." Nang dahil sa sinabi niya ay mabilis ko siyang tinulak palayo sa akin. Bahagyang sumilay ang ngiti sa labi niya bago niya ako kunot noong pinagmasdan sa pwesto ko. May gumuhit na sakit sa puso ko nang marinig ko ang sinabi niya ngunit sa halip na makipag bardagulan pa sa kanya, nagdesisyon na lang akong lumabas at tumakbo patungo sa mesa ko. Ramdam ko ang galit sa boses niya kanina. Kung mahal niya si Georgina, bakit niya pa kailangang ipamukha sa akin ang bagay na iyon? E 'di mahal niya! Tingin niya ba magseselos ako? Fuck you, Travis! I f*****g hate you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD