CHAPTER TWENTY-FIVE

2881 Words
I used to like him, oh no, erase that thing... I used to love him dati, pero ngayon... sa lahat ng mga ginagawa niya sa akin ngayon at sa mga salitang naririnig ko sa kanya ngayon, hindi ko alam. Tila ba nagbago lang ang pananaw ko nang dahil sa mga salitang naririnig ko sa bibig niya tungkol sa akin. Makitid ang utak? Ganyan ba talaga ang tingin niya sa akin? Makitid ang utak? Oo, gusto ko siya noon at hindi ko maipagkakaila ang bagay na iyon. Mysterious type kasi siya at bihira lang siya kung makisalamuha sa ibang tao, which is my type. Hindi siya mahirap mahalin, sa totoo lang, lalo na kung mananahimik lang siya. Siya yung klase ng lalaking mananatiling walang kibo kahit na ilang beses mo na siyang pagtripan at ipahiya sa ibang tao. Ngayong nag-iba ang ugali niya, tila ba mas lalo lang nag-iba ang pagtingin ko sa kanya. Hindi ko alam na may pag-asa pa palang magbago ang nararamdaman mo sa isang tao kahit na baliw na baliw ka sa kanya noon. Tsk. Oo, baliw na baliw ako sa kanya at hindi ko maipagkakaila iyon. Dati iyon at hindi na ngayon. Ngayon, wala na akong ibang nararamdaman para sa kanya kung hindi galit lang. Maliban doon ay wala na. "Oh? Gabi na, ah?" saad ni Lucas nang inaya ko siyang uminom ng juice sa labas. Nginitian ko siya nang makita ko siyang maglakad patungo sa upuang nasa harapan ko. Pinagmasdan ko siyang hubarin ang coat na suot niya bago siya nagdesisyong umipo sa upuang kasalungat ng inuupuan ko. "Bakit mo ako pinapunta rito, Empress?" Aniya. "May... kailangan ka bang sabihin sa akin?" "Wala," iling ko sabay higop sa juice in-order ko kanina habang naghihintay sa kanya. "Wala kasi akong kasamang magpalipas ng gabi ngayon. Gusto ko sanang makipagkwentuhan." Bahagya siyang ngumiwi sa sinabi ko kaya naman wala akong ibang ginawa kung hindi ang ngumiwi. "I hope you don't mind..." "No, it's okay. Palagi akong may bakanteng oras para sa 'yo," aniya bago ngumiti at lumingon sa menu na ibinigay ng waitress na nagtungo sa mesa namin. Pinanood ko siyang um-order hanggang sa tuluyan na nga siyang makapili. "What do you want to talk about? May problema ka ba? Don't forget na palagi lang akong naririto para sa 'yo, Empress." "Thank you, Lucas." Ngumiti siya sa akin bago muling nagsalita. "So, ano nga bang nakakapag pagabag sa isip mo ngayon? May kinalaman ba ito sa work mo? Inaway ka ba ni Nathalie or... may kinalaman ang lahat ng ito kay... Travis?" "Kind of," maikli kong sagot na ikinahinga niya nang malalim. "May hindi lang ako naiintindihan sa mga sinabi ni Travis kanina. I used to love him, alam mo naman iyon, di ba? Hindi ko lang maintindihan kung bakit... iba na ang nararamdaman ko sa kanya ngayon." "May kinalaman ba iyan sa nangyari before? When he humiliated you sa harap ng maraming tao?" "Hindi ko alam," sagot ko sa kanya. "Posible. Alam mo naman kung gaano akong kabaliw sa kanya before given na may gusto ako sa kanya. Hindi ako ganito before. May ilang beses niya na rin akong sinaktan dati pero... nagpatuloy lang ako sa paghahabol sa kanya. Hindi ko lang maintindihan ang sarili ko kung bakit at paanong nangyari na ganito ko na siya kadisgusto ngayon." "Maybe na fall out of love ka," mahina niyang sambit dahilan upang kunot noo akong lumingon sa kanya. "Mataas ang chance na ma-fall out of love ang isang tao lalo na kung malaki ang naging epekto niya sa buhay mo. May anim na taon ka rin sa Spain, Empress, so may chance talaga na may-fall out of love ka sa kanya kahit na sabihin mong siya ang greatest love mo." Bahagya akong napaisip sa sinabi niya bago muling pumasok sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Travis kanina. Ang trabaho ko lang naman ang main priority ko kung bakit hanggang ngayon ay nananatili pa rin ako sa puder niya. Kung hindi lang talaga ako magkakaroon ng bad record, baka tinakasan ko na sila, and besides, naaawa na rin ako sa mga kaibigan ko. Nangako ako kay Nathalie na kahit na anong mangyari ay hinding hindi na ako aalis sa lugar na ito. Nangako ako sa kanya na kahit na maulit ang nangyari sa akin noon, hinding hindi ko na tatakasan ang lahat ng iyon. Kung maibabalik ko lang talaga ang panahon, sana hindi ko na siya ginusto nung una pa lang. Hindi ko alam na magsisisi pala ako bandang huli. Kung hindi lang talaga ako marupok tulad ng dati pagdating sa kanya... "Lucas, pwede ba akong magtanong sa 'yo?" tanong ko sa kanya dahilan upang marahan siyang ngumiti at tumango sa akin. "Kayong mga lalaki, anong ginagawa niyo kapag nagseselos kayo?" "What do you mean?" Pansamantala pa muna akong umayos sa pagkakaupo ko bago lumingon sa kanya nang seryoso. Wala namang nagawa si Lucas kung hindi ang magtaas ng kilay sa tanong ko. Sasagot lang naman kasi bakit kailangan pang magtanong! "Sagutin mo na lang," sagot ko sa kanya nang hindi ko magawang ipaliwanag ang mga katanungang pumapasok sa isip ko. "Anong mga bagay ang madalas niyong ginagawa kapag nagseselos kayo? Like... anong ginagawa niyo sa sarili niyo para mabawasan lang ang selos na nararamdaman niyo?" Bahagya pa muna siyang nag-isip bago lumingon sa akin nang makahanap sigurado ng sagot sa katanungan ko. "Hindi kami showy every time na nagseselos kami. Parang... ipinapakita lang namin na okay kami pero deep inside, masakit na sa amin ang ginagawa niyo," aniya patungkol sa lahat ng kababaihan. "Nakakabawas daw ng p*********i kapag ipinakita mo na nagseselos ka. Minsan sumisimangot din kami every time na may binabanggit kayong ibang lalaki sa harap mismo namin. Kumbaga, nag-iiba ang timpla ng mukha namin lalo na kung kasama niyo yung mga lalaking pinagseselosan namin." Bigla ay nanumbalik sa isip ko kung paano akong pinakitaan ng emosyon ni Travis kanina. Hindi ko naman ito kaagad napansin lalo na't ganoon naman palagi ang itsura niya lalo na sa tuwing makakasama ko si... Marahang akong lumingon sa direksyon ni Lucas. Tila ba binudburan ng asin ang lamang loob ko nang maalala ko ang usapan naming dalawa kanina sa opisina niya. May posibilidad nga ba na nagseselos siya kay Lucas? "O hindi naman kaya ay nagiging possessive siya sa 'yo. He was trying to control you and your work..." It's so obvious that Travis was trying to control me! He was trying! Halata naman dahil sa tuwing may ginagawa ako sa trabaho, palagi lang siyang naroroon at nakabantay. Akala mo may gagawin akong masama sa kanya na pwede niyang ikapahamak. Palagi rin niyang alam ang schedule ng mga events na dinadaluhan ko. Hindi pa ba pagkontrol ang ginagawa niya kapag ginagawa niya ang bagay na iyon? "Bakit? Kinokontrol ka ba niya?" tanong ni Lucas dahilan upang kunot noo akong umiling sa knaya. "Umamin ka nga sa akin, Empress. May kinalaman na naman ba ito kay Travis?" "Of course, not! Anong pakialam ko sa lalaking iyon?" singhal ko sa kanya bago nanginginig na hinablot ang baso ng juice na nasa harapan ko at marahang uminom roon upang kahit na papaano ay mapahinahon ko ang sarili ko. "Kahit kailan hindi na ako magkakaroon ng interes sa lalaking iyon, Lucas. Sapat na sa akin yung isa't kalahating taong paghahabol ko sa kanya. He wasted me at hindi ko na problema ang bagay na iyon. Sayang siya... pinakawalan niya 'ko." "That's a good thing, Empress," puri ni Lucas na ikinanguso ko lang. "Dapat lang." Hindi lang roon natapos ang usapan naming dalawa ni Lucas. Ayaw ko namang iparamdam sa kanya na pinapunta ko siya roon sa kalagitnaan ng gabi para lang tanungin ng tungkol kay Travis. Kahit na minsan ay nababagot ako ng kaunti sa kwentuhan naming dalawa, ginawa ko pa rin ang lahat ng makakaya ko para lang ipakita sa kanya na interesado ako kahit na minsan ay inaantok na rin ako. "Mukhang inaantok ka na," puna ni Lucas na sa wakas ay napansin niya. "May dala ka bang kotse? Gusto mo... ihatid na kita?" "That's great," sagot ko sa kanya bago naunang tumayo sa upuan ko. Aaminin kong kahit na papaano ay natuwa ako dahil sa tuwing kailangan ko ng kasama, palagi lang naririto si Lucas upang samahan ako. Aaminin kong medyo malaki akong abala sa kanya nang dahil sa ginawa ko. Kung hindi ko lang siya pinilit kanina, e 'di sana ay nagpapahinga na siya ngayon? "Bakit nga pala hindi mo inaya si Nathalie?" tanong ni Lucas habang naglalakad kami patungo sa kotse niya. "As far as I know, mas close ka sa kanya." "Come on, Lucas. Hindi ako makakapag-isip nang mabuti kapag siya ang kasama ko," sagot ko na tinawanan niya. "Alam mo naman iyon. Parang binubudburan ng asin sa bituka sa tuwing mababanggit ko ang pangalan ni Travis..." "So, siya ang tinutukoy mo kanina?" Agad akong natigil sa paglalakad dahilan upang kunot noo akong nilingon ni Lucas. Nang makita niya ang pagkabigla ko, wala na siyang ibang nagawa kung hindi ang tumawa bago ako hinila sa braso upang ipagpatuloy lang ang paglalakad namingd alawa. "Hindi mo kailangang magtago sa akin, Empress, dahil kilalang kilala kita," aniya bago niya ginulo ang buhok ko na parang bata. "Don't worry dahil hindi ako tulad ng mga lalaking kinaaayawan mo." Ramdam ko ang pag-angat ng labi ko nang dahil sa sinabi niya. Tulad ng ipinangako niya, hinatid niya ako sa condo unit ni Kuya Lienzo. Halos magulat nga siya dahil medyo malapit dito ang condo unit na pagmamay-ari niya. "Simula kasi nung nag-away kami ni Dad, wala akong choice kung hindi ang bumili ng sarili kong condo unit. Para in case na mag-away ulit kami... hindi ko na kailangang mag-hotel," kwento niya habang naglalakad kami papunta sa suite ko. "Alam mo naman ang daddy ko, kaunting tampuhan lang, layas agad. Hindi mo talaga alam kung saan ka lulugar." "Kumusta na nga pala kayo?" kuryoso kong tanong ko nang huminto kami sa tapat ng unit ko. "Medyo okay naman kami ngayon," aniya bago nagkibit ng balikat at ngumiti sa akin. "Pumasok ka na, Empress. Medyo malalim na ang gabi. Baka mapuyat ka lang." "Thank you, Lucas," saad ko. Bahagya akong lumapit sa kanya upang gawaran ng isang mababaw na halik ang pisngi niya. Nang sandaling umayos ako sa pagkakatayo sa harap niya, hindi na ako nagtaka nang makita kong mamula ang kabuuan ng mukha niya. "Why are you..." "Nakagawian na sa Spain yan," saad ko bago siya tinulak sa balikat na ikinanguso niya. "Wag ka ngang mag-isip ng kung ano dyan, Lucas." "Well, hindi mo ako masisisi, Empress. Hindi mo naman ginagawa 'to dati," aniya sabay nguso na ikinatawa ko. Nagtagal pa kami ng ilang minuto sa kwentuhan roon bago ako nagdesisyong pumasok sa loob ng unit ko. Mga alas dose na ng gabi nang umuwi kami kaya naman halos ma-late pa ako ng pasok ko kinabukasan. "Hindi ko po alam, Ma'am. Wala naman pong pumasok na iba rito," saad ng personnel na nakausap ko nang makita kong flat ang gulong ng sasakyan ko. Shit! Sobrang late na ako! "Baka naman nabutas ng pako na nadaanan niyo kagabi?" dagdag pa nito na hindi ko na kinibo. Wala akong choice. Nandito na ako. Hindi na ako pwedeng lumiban at mas lalong hindi ko na pwedeng pagalitin si Travis. Ano na lang ang iisipin niya pag nagkataon? "Nasaan ka na?" sigaw ni Nathalie sa kabilang linya na ikinapikit ko pa. "Pasado alas nuebe na, Empress! Hindi naman ganoon kalayo yung condo mo rito!" Abala ako ngayon sa paghihintay ng bus sa bus stop. Medyo maraming tao kanina kaya hindi pa ako nakasakay agad. Hindi ko naman alam na wala pa lang sinusundang pila yung mga tao rito gayong kanina pa ako nakapila sa pilang inakala ko. Malay ko bang ganito pala sa Pilipinas! "Aray!" singhal ko nang may tumulak sa akin bago pa man ako makapasok sa loob ng bus. "Nasaan ka ba?" "Naghihintay ako ng bus!" iritado kong sagot bago ako nagdesisyong bumaba sa bus nang mapagtanto kong puno na naman iyon. "Magfa-file na lang ako ng letter mamaya. Mukhang hindi ko kakayaning humabol sa oras." Ilang segundo pa munang natahimik sa kabilang linya bago ko pa man narinig na sumagot si Nathalie. Mukhang may kinausap pa yata. "No need, Empress. Si Sir Travis na raw ang susundo sa 'yo," aniya. Si Travis? Si Travis! "No!" sigaw ko na siguradong umalingawngaw sa kabuuan ng office. "I mean, no. Magba-bus ako. Hindi ko kailangan ng susundo sa akin. Kaya kong mag-commute." "Hindi mo kakayanin, Empress. Medyo mahirap sumakay ng bus dyan. Kung hindi ka makikipagtulakan, baka mamayang hapon ka pa makarating dito," aniya na animong dismayado pa sa pagtanggi ko. "Bumaba na si Travis. Hintayin mo na lang daw siya sa bus stop." Why would I? Jusko, pumayag ba ako? Wala akong nagawa kung hindi ang pabugnot na nagtungo sa bench upang hintayin doon si Travis. Hindi ko gustong sumakay sa kanya. Kung mayroon lang talaga akong pagpipilian, hindi ako sasakay sa kanya. Baka nga isumbat niya pa sa akin ang pagtulong niya. Hindi ko na namalayang nakaidlip ako sa kinauupuan ko. Nagising na lang ako nang bigla na lamang gumalaw ang taong napatungan ko ng pisngi sa balikat niya. "Good morning, Empress." Kunot noo akong lumingon sa katabi ko at halos manlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita kong si Travis ang katabi ko. Anong ginagawa niya rito? Mabilis kong inayos ang mukha ko bago ako umusog palayo sa kanya. Ilang oras akong natulog at sumandal sa balikat niya? "Anong ginawa niyo ng boyfriend mo kagabi at bakit late ka ngayon?" tanong niyang nagtunog singhal lalo na nang kunot noo siyang lumingon pabalik sa akin. "Inabot ba kayo ng hatinggabi sa kalsada—" "Walang kinalaman si Lucas dito, ano ba!" singhal ko bago ako nagdesisyong tumayo sa sarili kong upuan. "Kung nandito ka para sirain ang araw ko sa halip na tumulong, pwes, thank you na lang!" Nagsimula akong maglakad patungo sa gilid upang sumakay sana ng bus ngunit agad akong natigilan nang bigla niya na lamang niya akong hinila patungo sa kotseng naka-park sa gilid. "Bibitawan mo ako o mage-eskandalo ako?" singhal ko sa kanya na hindi niya na sinagot nang marahan niyang binuksan ang pintuan ng front seat na nasa gilid ko. "Pwede bang itikom mo ang bibig mo kahit ngayon lang?" galit niyang sambit bago niya ako tinulak. "Kahit ngayon lang, wag kang mag-ingay." Pinanood ko siyang umikot sa front seat at tulad ng nakagawian, may panggigigil niya na namang hinawakan ang manibela. Halos lumabas nga ang mga ugat sa braso niya nang dahil sa diin ng pagkakahawak niya. Ang sabi nila kapag daw maugat ang kamay ng mga lalaki, mahilig daw silang mag-jabol. I wonder kung twice a week ba niyang ginagawa or araw-araw ang bagay na iyon. Sino nga kayang inspirasyon niya every time na gagawin niya iyon? Inspirasyon? Tinatanong pa ba iyan? Baka yung nobya niya! Mabilis kong iniwas ang mga mata ko sa kamay niya lalo na nang makita kong suot niya ang singsing nilang dalawa. Talagang ipinangangalandakan niya talagang magpapakasal na silang dalawa, ano? "This is a promise ring," aniya nang mapansin niya siguro ang titig ko sa singsing niya. "We promised each other na hindi kami kailanman maghihiwalay." "Walang nagtanong," sagot ko bago siya tinalikuran at lumingon sa bintanang nasa gilid ko. Ang sabi ni Nathalie ay hindi naman ganoon kalayo ang condo ko sa opisina namin, at alam ko iyon. Bente minutos nga kung magbiyahe ako kapag ako ang nagmamaneho. Hindi ko lang alam kung bakit inabot kami ng isang oras sa biyahe. Ako lang ba o talagang bumabagal ang oras kapag siya ang kasama ko? Or baka naman sinasadya niya talagang bagalan ang lahat para sirain ang araw ko? "Mag-lunch tayo mamaya," aniya dahilan upang lumingon ako sa kanya. Mabagal niyang pinarada sa parking lot ang kotse niya nang makarating kami. Sa halip na lumabas, nanatili lang ang titig ko sa kanya. "Ang sabi ko..." "Oo narinig kita, pero bakit?" tanong ko. "Wala ka na bang ibang mabwisit at ako na lang palagi ang nakikita mo?" singhal ko pa. "Ikaw lang ang available..." "No," sagot ko bago ko tinanggal ang seat belt na suot ko. "Kung gusto mong mag-lunch, si Georgina ang ayain mo at wag ako." Bago ko pa man maisarado ang pintuan ng kotse niya anang makalabas ako, muli ko na naman siyang narinig na nagsalita. "Tungkol ito sa meeting nung nakaraan, Empress. This is not personal at mali ka ng iniisip mo," aniya dahilan upang lumingon ako sa kanya. "Ginagawa ko lang ito para hindi ka mangangapa sa susunod na meeting. At isa pa, hindi naman ako magsasayang ng panahon sa 'yo kung wala akong kailangan." Hindi pala siya magsasayang ng panahon, pero bakit hindi niya ako hayaan? "Kung nag-aalala ka, kaya ko ang sarili ko, Travis," saad ko dahilan upang kunot noo siyang mag-angat ng tingin sa akin. "Hindi mo na ako kailangang isipin pa. Kaya ko ang sarili ko," dagdag ko pa bago ko sinarado ang pintuan ng kotse niya at mabilis na nagtungo sa loob upang kahit na papaano ay hindi kami magkasabay. I don't want to be with him! Mas gugustuhin ko pang magpalamon sa lupa sa halip na makasama siya sa iisang lugar!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD