Unang apak ko pa lang sa department ay ang makahulugang tingin agad ni Nathalie ang nakakuha sa atensyon ko. May larong umuukit sa labi niya nang dumako roon ang tingin ko kaya naman wala akong ibang nagawa kung hindi ang bumuntong hininga na lang bago ako nagtungo sa mesa ko. "Good morning, Empress Faye—" "Walang maganda sa araw ko, Nathalie," sagot ko sa kanya na natatawa niyang inilingan lalo na nang pabagsak kong inilagay sa mesa ang bag na dala ko. "Umalis ka kung ayaw mong masabon yang budhi mo." "Seryoso ka? Hindi ba talaga maganda ang araw mo o baka nasira lang dahil sa kanya?" tanong niya patungkol kay Travis na hindi ko sinagot. "At nasaan nga ba siya? Bakit hindi kayo magkasamang pumasok?" Agad na nakagat ni Nathalie ang dila niya nang pumasok si Travis. Tulad ng nakagawian

