Minsan ay hindi ko mapigilang kwestyunin ang sarili ko. Sa lahat ng taong pwede kong magustuhan, bakit siya pa ang nagustuhan ko? Bakit siya pa ang minahal ko? Arogante. Mayabang. Bastos. Makitid kung mag-isip. Lahat halos ng mga ugaling ayaw ko sa lalaki ay nasa kanya na. Oo, misteryoso siya. Matalino. Gwapo siya pero maliban sa mga ugaling nabanggit ko, wala ng iba pa. Minsan ay hindi ko mapigilan ang sarili kong kwestyunin sa kung bakit ko nga ba siya nagustuhan? Bakit sa dinami-rami ng mga lalaking umaaligid sa akin noon, sa kanya ako nagkaroon ng interes? "Bakit, Travis?" bulong ko sa sarili ko bago ako umiling na tila ba dismayado sa inakto niya kanina sa harap naming dalawa ni Lucas. "Ano bang mayroon sa akin at bakit ganito mo na lang ako kung patunguhan?" Pagkatapos naming mag-

