Prologue
PROLOGUE
Mayroong dalawang magkaibigan na ang pangalan ay Tres at Inches. Mula pagkabata ay magkasama na silang dalawa at tila hindi na mapaghihiwalay kahit na kailang.
Nang sila ay lumaki na, ganoon pa rin ang kanilang relasyon, minsan nag-aaway at asaran pero sa bandang huli, nagbabati rin naman. Hindi naman umaabot sa puntong nagkakasamaan na sila ng ugali dahil kabisado nila ang bituka ng bawat isa at kuhang-kuha ang kanilang kiliti.
Isang araw, nagtanong si Tres. "Inches, ilan yang sayo?"
Tukoy nito sa pagitan ng hita ni Inches nang sila ay magpabalat ng kargada kay Mang Dadong.
"Abay, malay ko? Mukha ba akong matalino tungkol sa sukat na sinasabi mo gayong kakabalat lamang sa atin kanina?" inosenteng sagot naman ni Inches na siyang ikinakibit balikat ni Tres.
Natanong niya lamang 'yon dahil narinig niya sa isang radio station ang tungkol sa sukat ng karga ng lalaki pero ang totoo wala naman talaga siyang interes roon.
Hanggang sa tumuntong si Tres at Inches sa tamang edad, naghiwalay silang dalawa dahil napadpad sa Maynila si Inches at tanging naiwan sa kanilang probinsiya ay si Tres.
Labis na ikinalungkot ng dalawa ang nangyari ngunit wala silang magagawa kundi tanggapin ang kanilang kapalaran. Kaya naman walang oras na hindi nagmukmok si Tres at binabalikan ang masasaya nilang alaala habang magkasama sila ni Inches ngunit mas masaya pa rin kung nasa tabi niya ang kaibigan.
Si Inches ay pinalad na mag-aral sa kolehiyo samantalang si Tres ay walang kakayahan na tustusan ang kanyang pag-aaral. Mahirap lamang si Tres at kahit si Inches ay ganoon rin ngunit nabigyan ng oportunidad si Inches kaya naman tinanggap nito ang pagpapaaral ng kanilang Mayor sa Maynila bilang iskolar ng kanilang lugar.
Ang tanging nagawa na lamang ni Tres ay ang maglako ng gulay araw-araw upang may pagkain silang mag-anak. Hanggang sa lumipas ang araw, buwan at taon.
Walang balita si Tres kay Inches.
Isang umaga, habang naglalako ng gulay si Tres, mayroong isang magarang kotse ang humimpil sa tapat ng munisipyo at dahil sa kuryosidad ni Tres, tinignan niya kung sino ang bisita na 'yon.
Isang binata na nakasuot ng puting long sleeve at ang manggas nito na nakatupi hanggang siko, halata rin ang suot nitong relong pambisig na tila mamahalin, itim na pantalon at kumikinang na sapatos. Pamilyar kay Tres ang mukha ng binata ngunit hindi niya mawari kung nagkita na nga ba sila. Isinawalang bahala na lamang 'yon ni Tres at muling nagpatuloy sa paglalako ng gulay hanggang sa sumapit ang takip-silim.
Masayang umuwi si Tres sa kanilang bahay dahil malaki ang kanyang kinita ngayong araw ngunit nagtaka siya nang makitang muli ang magarang sasakyan at nasa tapat na ito ng kanilang bahay.
Nagtataka man, dumiretso si Tres papasok sa kanilang bahay nang hindi alintana ang pawis at amoy araw niyang katawan. Umaalingasaw pa ang putok ng kanyang kili-kili dahil sa pagbabad sa ilalim ng araw.
"Nakauwi na ako!" ngiting-ngiti na sambit ni Tres ngunit biglang naglaho 'yon nang makita ang bisita sa loob ng kanilang bahay.
"T...Tres?" hindi makapaniwalang sambit ng binata na nakita ni Tres sa munisipyo kaninang umaga habang siya ay naglalako ng gulay.
Nagsalubong ang kilay ni Tres at may bahid ng pagtatanong sa kanyang Ina at mga kapatid na siyang kausap ng bisita ngunit walang mahitang sagot sa mga ito.
"Sino 'yan? Bakit siya nandito sa bahay natin?" aniya.
"Ate? Hindi mo na siya kilala?" ani ni Quatro na kapatid ni Tres. Mas bata ito sa kanya.
"Huh? Bakit? Wala naman akong kilala na tulad niya."
Tumayo ang lalaki mula sa kinauupuan nitong sofa na gawa sa kawayan at saka ito naglakad palapit kay Tres. Nahigit ni Tres ang sarili niyang hininga nang malanghap ang mabangong katawan ng binata.
"T..Tres, babae ka?" hindi makapaniwalang tanong nito.
Umangat ang isang kilay ni Tres at halos tingalain niya ang binata dahil sa tangkad nito.
"Bakit? May lalaki bang nagsusuot ng daster?" pabalang na sagot ni Tres.
"I-I thought you are a guy?"
Hindi maintindihan ni Tres ang tinuran nito at tila isang estranghero ang nasa kanyang harapan.
"Teka nga, sino ka ba?" hindi na napigil ni Tres ang sarili niyang mag-usisa dahil nahihiwagaan talaga kung kung ano ang ginagawa ng lalaki sa kanilang pamamahay. Sa suot pa lang nito ay hindi na ito doon nababagay pero bakit tinanggap ito ng kanyang Ina at mga kapatid?
"T..Tres.. ako 'to... si Inches."
Nabitawan ni Tres ang hawak niyang palanggana at tila isang bomba ang bumagsak sa kanyang harapan nang marinig ang pangalan ng kanyang kababata.
"I..Inches?" nauutal na sambit pa niya.
Ngumiti si Inches. "Ako nga. Hindi mo ba ako namiss?"
"Weh? Ikaw talaga si Inches? Patingin nga kung ilang pulgada 'yan?"
Nanglaki ang mata ni Inches nang sapuhin ni Tres ang kanyang harapan dahilan para mapaatras siya mula rito.
"Tres!"
"O bakit? Maniniwala lang ako kung alam mo na ang sukat niyan?" nakangising sambit ni Tres bago ito humalukipkip sa harapan ni Inches.
Mula pagkabata hanggang sa lumaki silang dalawa, kabisado niya si Inches pero iba ang lalaking ito na nasa kanyang harapan.
"B..Bakit ba ayaw mong maniwala? Ako nga si Inches."
"Nah. Hindi mo ako maloloko. Nag-maynila lang 'yon pero kabisado ko ang sukat niya. Kaya kung gusto mo akong maniwala, ipakita mo sa akin."
Halos takasan ng ulirat si Inches sa sinabi ng kanyang kaibigan. Akala niya, katulad niyang barako si Tres pero nang mag-maynila siya at nang umuwi sa kanilang probinsiya, doon niya lang napagtanto na sirena si Tres.
Este babae si Tres.
Minsan talaga dinadaya tayo sa kung ano ang nakikita ng ating mga mata at ang inakala ni Inches na lalaki si Tres, isa lamang palang patibong.
Dalagang Pilipina si Tres.
At para mapatunayan ni Inches na siya talaga ang kaibigan ng dalaga, kailangan niyang ipakita kung ilang pulgada ang kanyang kargada.
"H..Hindi ba pwedeng sa susunod na lang?" ani ni Inches dahil hindi niya alam ang gagawin sa harapan ni Tres lalo na't nasa likuran lamang nila ang magulang at kapatid ng dalaga.
"Ikaw din. Lumayas ka na lang tutal wala akong mapapala sa'yo."
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Inches bago nito hinila palabas ng bahay si Tres at isinakay niya ito sa kanyang sasakyan.
"Hoy! Saan mo ako dadalhin?" tanong ni Tres nang makasakay sa driver seat si Inches.
"Uh, ipapakita ko sa'yo ang balwarte ko." Kahit nahihiya, wala nang magagawa si Inches kundi gawin ang gusto ni Tres upang mapatunayan na siya nga ang kababata nito na nag-aral sa Maynila.
Saan nga ba hahantong ang muling pagkikita ni Tres at Inches? Maibabalik ba ang pagkakaibigan nila o uusbong ang isang pagmamahalan na hindi nila inaasahan?