New Year's Eve 9:15 PM NAGHUHUGAS si Diosa ng patatas nang matigilan. Pinatay niya ang gripo. Tama ba ang dinig niya? Tunog ng sasakyan 'yon, ah? Walang kapitbahay ang rest house kaya kung tama ang dinig niyang may sasakyan talagang dumating, walang ibang pupuntahan ang sakay kundi ang rest house—at wala siyang inaasahang darating kundi si Rohn lang. Napailing si Diosa nang nag-iba na naman ang heartbeat niya pagkaisip lang sa pangalan ni Rohn. Ano bang meron ang lalaking iyon at bigla ay may instant effect na sa t***k ng puso niya? 'Aftershock' ba ng kiss ang nararamdaman niya? Wow! Parang lindol lang na may aftershock. Sabagay, may parehong effect naman sa kanya ang halik ni Rohn at ang lindol—yanig ang mundo niya! Binatukan ni Diosa ang sarili. Kung ano-anong kalokohan ang iniisi

